UNBEARABLE SIX

2127 Words
UMUWING lugmok si Perry dahil sa huling sinabi sa kaniya ni Harrison na natrauma ito sa nangyari rito kagabi. Pabagsak siyang umupo sa kaniyang kama saka napahilamos sa kaniyang mukha habang nasa nakapatong ang mga siko niya sa kaniyang mga tuhod. "Ang tanga-tanga mo, Perry!" mura niya sa sarili. Doon lang ay parang natauhan siya sa mga pinaggagagawa niya kagabi. Kinakain na siya ng konsensiya niya. Sino ba naman matinong kaibigan ang gagawa ng ganoon sa kaibigan niya na kung ituring siya ay parang kapatid? Paano na lang kung malaman nito na wala talagang Selena na nag-exist kagabi? Siguradong tapos na ang pagkakaibigan nila. "Mas matimbang ang pagkakaibigan at matagal na panahong pinagsamahan ninyo kaysa sa nararamdaman mong pagnanasa sa kaniya, okay?" dagdag pa niya saka pinakalma ang sarili. Hindi rin kasi niya maiwasan na matakot dito nang makita niya kung paano manlisik ang mga mata nito. Sino ba naman ang hindi matatakot kung patayin na siya nito sa sakal? Pasalamat na lang talaga siya at t-um-iming ang dalaw ng kaniyang ama sa kanilang bahay at nahuthutan niya ang may ari at ang lalaking boarder sa Inn na tumulong sa kaniya kagabi na iakyat sa kwarto si Perry pagkaalis niya. Isama na rin ang bartender kagabi na sinabihan niya kanina bago umuwi na kung babalik man si Harrison sa Inn at sa bar at magtanong tungkol sa pangayyari kagabi ay sabihin na babae ang kasama nitong umuwi. Kaya hindi siya dapat kabahan at matakot na mabuko. "Mangako ka na hindi mo na iyon gagawin, okay?" paalala niya sa kaniyang sarili nang bigla na lamang bumalik sa balintataw niya ang pangakong binitiwan niya sa kaniyang ina. Flashback . . . Humahangos na pumasok siya ng kanilang bahay nang marinig niya ang pagkabasag ng kung ano sa loob. "Ma!" hiyaw niya nang makita niya itong nakaupo sa sahig habang duguan ang mga kamay nito dahil sa basag na vase. Agad naman siya nitong niyakap ng mahigpit. "Perry, anak! Huwag mong iiwan si Mama, ha? Dito ka lang sa akin, 'di ba? H-hindi ka sasama sa Papa mo?" Bumitaw siya sa pagkakayakap dito saka kinuha ang panyo niya sa bulsa ng kaniyang pantalon saka pinunasan ang kamay nitong nabubog. "S-syempre naman, Ma. Sino ba ang nagsabi sa inyo na iiwan ko kayo? Si Papa? Nasaan siya?" tanong niya habang pinipigilan ang pagdaloy ng dugo sa kamay nito. Nang tumigil ang padaloy ng dugo ay agad niyang inalalayan ang ina na umupo sa sala upang doon tuluyang gamutin ang kamay nito. "U-umalis na ang siya nang sabihin kong hindi ka na niya makikita pa kahit na kailan na hindi ka niya makukuha sa akin." Kumunot ang noo niya. "Bakit naman niya ako kukunin?" "H-hindi ko rin alam. Basta ang sabi niya kukunin ka niya sa akin kahit na anong mangyari." Naikumo niya ang kaniyang kamay. "Ang lakas naman ng loob niya na sabihin iyon matapos niya tayong abandunahin? Sa tingin ba niya sasama ako sa kaniya ng gano'n-gano'n na lang? Pwes, nagakakamali siya!" Hinawakan ng kaniyang ina ang nakakumo niyang kamay. "Anak, patawarin mo si Mama dahil hindi kita nabigyan ng buo at masayang pamilya. Pakiramdam ko ang sama-sama o at napakawalang kwentang ina." "Ma, ano bang sinasabi mo? Buo at masaya ako kahit tayong dalawa lang. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na nagkulang ka sa akin. Ikaw na ang itinuring kong ama't ina simula ng magkaisip ako kaya huwag mong sasabihin na wala kang kwenta dahil para sa akin, you're the best mom and dad in the whole world." Naluluhang yumakap ulit sa kaniya ang kaniyang ina. "Salamat, anak. Natutuwa akong marinig 'yan mula sa 'yo." Hinimas niya ang likod nito. "Tumahan ka na, Ma. He doesn't deserve your tears. At wala siyang karapatan na angkinin ako dahil hindi siya nagpakatatay sa akin." Bumitaw ang kaniyang ina saka hinaplos ang kaniyang mukha. "Anak, gusto kong mangako ka sa akin, na hindi ka tutulad sa iyong ama." Tila binuhusan siya ng kumukulong tubig sa pakiusap na iyon ng kaniyang ina. Napaiwas siya ng tingin rito. "Perry, anak? Naririnig mo ba ang sinasabi ko?" "O-opo naman, Ma. At saka, gusto ko rin namang bigyan kayo ng a-apo kaya imposibleng gagaya ako sa lalaking iyon," utal-utal na sabi niya. Kiming ngumiti siya nang masilayan niya ang ngiti ng kaniyang ina. "Salamat, anak." "Wala po 'yon." "Anak?" "Po?" "Pasensiya ka na kung naistorbo ko pa ang gimik ninyo ng mga kaibigan mo, ha? Natakot lang kasi ako na baka hindi na kita makita." "Ayos lang 'yon, Ma. Pauwi na rin naman na kami nang tumawag ka." Ipinatong ng kaniyang ina ang ulo sa balikat niya. "Anak? "Hmmm?" "Pwede bang tumabi si Mama sa 'yo sa pagtulog?" paglalambing nito. Inakbayan naman niya ito. "Oo naman!" Saka niya ito inalalayan papunta sa kaniyang kwarto. End of flashback . . . NABALIK lamang sa kaniyang sarili si Perry nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone na nasa loob ng bulsa ng pantalon niya. Alam niya kasing si Megan lang iyon. Hindi niya kasi sinasagot ang mga text at tawag nito kaya sigurado siyang umuusok na ang ilong nito. Agad niyang pinatay ang tawag nang makita niya ang pangalan nito sa caller ID niya. Wala siyang panahon para dito dahil pahuhupain na muna niya ang sitwasyon. At siguradong magkikita naman sila bukas sa school nila dahil imbitado ang lahat ng eskwelahan sa lugar nila dahil sa gaganaping foundation day upang makalikom para sa charity works ng kanilang eskwelahan. Kailangan pa niya itong inisin para ito na ang kusang makipaghiwalay sa kaniya. Naalala din niyang hindi pa pala niya naaasikaso ang mga susuotin niya at may mga linya pa siyang kakabisaduhin dahil minsan nakakalimutan niya. Minsan naman, nauutal o nabubulol siya. Sana lang hindi siya ma-mental block at magkamali sa play nila bukas. Kailangan na rin niyang ikondisyon ang sarili para sa swimming competition nila bukas. SA KABILANG banda naman ay naisipan ni Harrison na balikan ang bartender sa bar upang tanungin ito sa pangyayari matapos siyang iwan ni Perry sa bar kasama ang sinasabi nitong si Selena. Kailangan niyang mahanap ang babae para malaman niya kung talaga bang may nangyari sa kanila o wala. "Boss, nakita mo ba iyong bartender na nakaduty dito kagabi?" tanong niya sa bartender na naubutan niya sa counter pagkadating na pagkadating niya sa Bar. Dahil sa pagkakatanda niya, hindi ito ang bartender na nakaduty kagabi. "Ah, si Noel po ba?" "Hindi ko kasi alam ang pangalan niya basta ang alam ko payat siya at medyo hindi katangkaran," paglalahad niya. "Ay siya nga po iyon. Pakihintay na lang, Sir. Nagbanyo ho kasi kaya ako muna ang pinabantay niya rito." Tumango siya. "Sige, salamat." Akmang uupo na siya sa stall nang siya namang dating ng lalaking hinahanap niya. "Boss! Ikaw 'yong nakaduty kagabi hindi ba?" agarang tanong niya. "Oo ako nga. Anong mapaglilingkod ko sa inyo?" "Itatanong ko lang sana kong kilala mo o namukhaan mo ang babaeng kasama ko kagabi matapos akong iwan ng kaibigan ko?" Sandaling nag-isip ito. "Hindi ho, e. Busy din po kasi ako sa dami ng customer kagabi. Basta ang natatandaan ko lang ho, akay na kayo nung sexy at magandang babae kagabi matapos kayong iwan ng kasama niyo, Sir." "Hmmm. Ganoon ba? Sige, boss, salamat!" aniya saka nagpasyang umalis bitbit sa palaisipang may babae nga siyang kasama kagabi. Sunod naman niyang pinuntahan ang Inn. Sakto naman pagbaba niya ng taxi ay may lalaking nakatambay sa harap at animoy nagulat pa nang makita niya. "Sir! Napadalaw ka? May nakalimutan ka ba sa room niyo?" kumunot ang noo niya sa bungad nitong iyon. "P-paano mo nalaman na nagcheck-in ako dito kagabi?" Sandaling nakagat nito ang labi at biglang nag-iwas ng tingin na animoy nahuli sa kasalanang hindi dapat maibunyag. "E, a-ako ho kasi iyong tumulong doon sa babaeng kasama niyo kagabi na iakyat sa katabing kwarto namin. Oo tama! Hirap na hirap kasi siyang alalayan ka kaya tinulungan ko na." "Namukhaan mo ba iyong babae na nagdala sa akin dito kagabi?" "Naku! Hindi, e. Ayoko naman tignan dahil baka isipin niya pinagnanasaan ko siya. Basta matapos ka naming maihiga sa kama ay unalis na ako kaagad. Kung naghihinala ka pwede mo namang tanungin ang landlady namin para sa CCTV footage. Sandali at tatawagin ko?" Akmang aalis na ito nang pigilan niya. "Ah, huwag na. Salamat na lang," aniya saka tumalikod. Ayaw na rin kasi niyang istorbohin pa ang may-ari. At nakuha na rin naman niya ang gusto niyang malaman. Nang may humintong taxi sa harao niya ay agad na siyabg sumakay pero may kung anong nagtulak sa kaniya para balikan ng tanaw ang lalaki. May kakaiba kasi siyang kutob dito pero isinawalang bahala na lang niya dahil baka paranoid lang siya. At kung sakali ngang dumating iyong araw na may babaeng kumatok sa pinto niya at sinabing siya ang ama ng pinagbubuntis nito ay malugod niyang tatanggapin dahil pinalaki siya ng kaniyang mga magulang ng may paninindigan. DUMATING ang araw ng Foundation Day ay naging matagumpay ang ginawa nilang stage play at nakalikom sila ng malaking halaga dahil marami sa mga bisita nila ang natuwa. Isama na rin ang nalikom nila sa mga palaro nila sa booth na itinayo ng bawat departamento. Nang sumapit ang hapon ay dali-dali na silang pumunta ng swmming pool area para sa swimming competition. Kung saan ang mananalo ay makakatanggap ng special award sa graduation day nila. "Good luck, dude!" ani Harrison nang makapwesto na sila sa harap ng board kung saan sila tatalon. Kahit papano ay nagiging komportable na siya ulit kay Harrison dahil nakikita naman niya rito na parang nakamove-on na ito. Isinuot muna ni Perry ang kaniyang guggles bago ito sinagot. "I'll do my best pero sigurado akong, ikaw pa rin magiging champion this year." "Malay mo mag-iba ang ikot ng mundo." "Tsk! Sanay na akong pumapangalawa sa 'yo kaya matalo manalo, ikaw pa rin ang champion sa puso ko," biro niya. "Kilabutan ka nga sa pinagsasasabi mo," anito saka isinuot na rin ang guggles. "Pikon!" aniya saka sila sabay-sabay na tumuntong sa board nang marinig nila ang signal. Matapos ang limang round ay tinanghal na kampiyon si Harrison. Umabot sila sa limang round dahil sa nagpapalitan sila ni Harrison sa unang pwesto. "Congrats, dude! Iba ka talaga!" bati ni Faye nang makapagbihis na sila. "Oo nga! Ang ganda ng laban ninyo ni Perry kanina. Ang intense!" segunda naman ni Tonnie. "Congrats din sa inyo dahil hindi naman nagkakalayo mga time natin." "Kainis nga, eh! Sinumpong pa ako ng pulikat kanina." Natawa naman silang tatlo sa sinabing iyon ni Faye. Kahit kailan talaga ay pabida ito. "Tama na ang yabang, tara na nang makapag-celebrate tayo," pag-aaya ni Perry na agad namang pinaunlakan ng tatlo. "Tamang-tama may bagong bukas na kainan sa Mall," imporma ni Tonnie. "Sige doon tayo," sabay na sabi nila ji Harrison. Palabas na sila ng gymnasium nang biglang tumunog ang cellphone niya na nagpahinto sa kanilang apat. Agad naman niyang pinutol ang tawag nang makita ang pangalan ni Megan sa caller ID. "Oh! Bakit hindi mo sinagot?" tanong ni Harrison. "Huh? E, number lang kasi. Alam mo namang hindi ako sumasagot basta-bata ng tawag kung wala naman akong inaasahang tatawag," pagdadahilan niya na kinatango naman nito. Hindi niya pwedeng sagutin iyon lalo na't kasama niya si Harrison. At sigurado siyang kukulitin lang naman siya ni Megan na puntahan ito sa bahay nila dahil may sakit ito. Alam naman niyang strategy lamang nito iyon para makilala na siya ng mga magulang nito. Matagal na kasi nitong ini-insist iyon na ipakilala na nila ang isa't isa sa mga magulang nila. At hindi na niya pag-aaksayahan pa ng panahon ang dalaga dahil hihiwalayan din naman niya ito. KINAGABIHAN ay nagpunta siya sa bahay nina Harrison para sa preparation nila sa kanilang defense. Ni-review nila ang kanilang magiging report bukas. Sinigurado nila na wala silang nakaligtaan. Pati sa token nila ay naisipan nilang magbigay na lamang ng wine sa panelist. Malalim na rin ang gabi nang matapos sila. Kasalukuyan niyang inaayos ang gamit niya nang marinig niya ang hilik ni Harrison. Nakatulog na pala ito sa sobrang pagod. Napatitig siya sa nakaawang nitong labi. Gusto niya itong halikan pero pinigilan niyang gawin iyon dahil hindi niya magagawang halayin o pagsamantalahan ito sa mismong pamamahay nito. Mahirap na, baka mahuli pa sila ng wala sa oras. Napagdesisyunan niya kasi kagabi na hindi na niya gagawin ang ginawa niya rito sa hotel noon. Natakot kasi siyang tuluyan itong mawala sa kaniya. Ibabalik na lang niya iyong dati na hanggang paghanga at pagtitig lang ang tangi niyang magagawa. Pero hindi napigilan ng kaniyang kamay na haplosin ang kilay nito, ilong at ang labi nito. Tila kinakabisado niya ang bawat anggulo nito. Hindi talaga siya nagsasawang titigan ito. "Sana dumating iyong araw na gigising ako sa umaga na ikaw ang una kong makikita," he murmured while rubbing his fingers in his hair. Napakalambot at napakadulas kasi ng buhok nito. Pero napailing siya sa sinabi niyang iyon. Mas mahalaga sa kaniya ang pagkakaibigan nila kaya ayos lang kahit one sided love lang ang mamagitan sa kanila. Pero buo pa rin ang desisyon niyang hiwalayan si Megan. At kung may magustuhan muli ang kaibigan niya ay hindi na niya ito hahadlangan. Ang importante ay nakikita niya itong masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD