"DUDE!" paggising ni Perry kay Harrison nang wala na itong imik sa mga kinukwento niya. Tinignan niya ang oras sa kaniyang relo at pasado alas-onse na ng gabi.
Medyo nahihilo na rin siya ngunit kaya pa naman niyang tumayo ng tuwid at umuwi. Muli niyang tinapunan ang kaibigan na wala man lang imik o reaksyon sa paggising niya rito. Bahagya pa niyang inilapit ang taenga rito upang kumpirmahin kung tulog na ba talaga ito o hindi. Nang marinig niya ang mahihina nitong hilik ay isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Sa wakas ay magagawa na niya ang matagal na niyang gustong gawin sa binata.
"M-magkano lahat?" agaw pansin niya sa bartender na busy sa paghahalo ng inumin sa harap ng bago nitong mga customer ngunit patapos na rin ito.
"One thousand two hundred po lahat, Sir."
Inilabas naman niya kaagad ang kaniyang pitaka saka humugot ng iksaktong bayad.
Matapos iyon ay mabilis niya itong inalalayan. Halos gumewang sila nang mapunta sa kaniya ang bigat nito. Mabuti na lang at agad siyang nakahanap ng taxi na sasakyan nila papunta sa isang lugar na kung saan walang makakaistorbo sa kanila, sa lugar kung saan sila lamang dalawa. Sisiguraduhin niya na magiging memorable ang gabing ito para sa kaniya.
Nang tumigil sa isang Inn ang sinasakyan nilang taxi ay agad siyang nakiusap sa driver. "Sandali lang, Manong, ha? Tatanong ko lang sandali kung may bakanteng kwarto sila dito. Iwan ko muna ang kaibigan ko dito. Babalik din po ako kaagad," pakiusap niya na agad naman nitong tinanguan.
"May available pa ba kayong kwarto dito?" tanong niya sa mga lalaking nakatambay sa harap ng apartment.
"Ah, oo meron! Bakante iyong sa katabing kwarto namin. Sandali lang at tatawagin ko si Aling Bebang, ang may-ari nitong Inn para kayo na ang mag-usap," imporma nito saka pinuntahan ang land lady.
Sa totoo lang ay ayaw na niya ng mahabang diskusyon pa kaya naman tinawag niya ang lalaki bago pa ito makalayo.
"Pasabi na lang na kukunin ko na ang isang kwarto ngayon din." Tumango naman ito saka tuluyang umalis.
"KAYA mo na ba siya?" tanong ng lalaking pinagtanungan niya kanina na siyang tumulong sa kaniya sa pag-alalay kay Harrison na maiakyat ito sa ikalawang palapag ng Inn matapos nilang maibaba sa kamang naroroon.
Nagkusang loob kasi ito nang makita siyang hirap na hirap sa pag-alalay sa kaibigan nang paakyat sila ng hagdan. Pinaunlakan niya agad ang alok nito dahil ayaw niyang pareho silang malaglag sa hagdan ni Harrison na baka ikalumpo pa nila pareho.
"Thank you!" pasasalamat niya.
"Walang anuman. Kung may kailangan kayo, huwag kayong mahiyang lumapit kay Aling Bebang," anito saka niya ito inihatid sa pinto upang masiguro na walang ibang makakapasok o makakaistorbo sa mga gagawin niya.
Nang secured na ang pinto ay agad niyang pinatay ang mga ilaw maliban sa nag-iisang lampshade sa bed side table na may kulay dilaw na liwanag. Tumayo siya sa paanan ng kama at pinagmasdan mabuti ang nahihimbing na binata.
Bahagya siyang napalunok nang mapadako ang mata niya sa leeg nito na tila ba nang-aanyaya na halikan at kagat-kagatin niya. Sa dibdib nitong muling nakasilip dahil sa polo nitong suot. Si Harrison kasi ang tipo ng lalaking hindi mahilig magsuot ng t-shirt sa tuwing may lakad pwera na lang kung nasa pambahay o kinakailangan sa eskwelahan.
Hanggang sa bumaba pa ang kaniyang mga mata sa pagitan ng mga hita nito kung saan kitang-kita niya ang kaumbokan nito dahilan para mapapikit siya.
Kinalma niya ang kaniyang sarili saka nag-isip. Itutuloy ba niya ang matagal na balak o iuuwi na lang niya ito ng tuluyan sa bahay nito?
Umiling siya at muling dumilat. Itutuloy niya. Nandodoon na rin sila kaya marapat lang na ituloy ang kaniyang plano dahil naplano naman na niya ang lahat. Kaya naman nang makahuma ay unti-unti siyang pumatong dito.
Gumapang siya sa kama habang nasa pagitan ng mga hita niya ang magkadikit nitong mga binti. Nakasuporta din ang dalawa niyang kamay sa kama na nasa magkabila nitong tainga. Kung titignan ay para siyang isang tigre na nakahuli ng kaniyang hapunan.
Bahagya niyang hinimas ang kaliwang pisngi nito. "Sa wakas, matitikman ko na rin ang matagal ko ng gustong matikman."
Napakagat-labi siya nang mapadako ang kaniyang mga mata sa mapupulang labi nito na bahagyang nakabuka. "Alam mo bang, ang tagal-tagal kong naghintay na mangyari ito. Ilang taon din ang tiniis ko."
Inilapit niya ang ilong niya sa bibig nito upang samyuin ang mabango at mainit nitong hininga na nagpapikit sa kaniya. "You still handsome even if you're asleep."
Gustuhin man niyang sunggaban na ang mga labi nito ay pinigilan niya ang kaniyang sarili. Ihuhuli niya iyon bilang premyo niya. Gusto niya munang namnamin ang bawat himaymay nito kaya naman sinimulan niyang dampian ito ng mumunting halik mula sa noo, kaliwang mata, ilong, papunta sa kanang taenga nito, pabalik sa ilalim ng baba nito.
He even sniffed his scent in his neck before smacking it.
Matapos iyon ay inilayo niya nang bahagya ang mukha niya rito upang tanggalin ang pagkakabotones ng polo nito. Nang matanggal niya ay muli siyang napangiti ng marinig niya ang mahihinang hilik nito na tila ba isang napakagandang musika na masarap pakinggan ng paulit-ulit.
"You're going to be mine," aniya saka ito binigyan ng mga pulang mga marka mula sa leeg, balikat at dibdib nito habang tinatanggal ang pagkakabutones ng pantalon nito.
KINABUKASAN ay napansin nina Faye at Tonnie ang pagiging absent-minded ni Perry. Papunta na kasi sila ngayon sa swimming pool area ng kanilang eskwelahan para sa kanilang insayo.
"Hoy, dude! Kanina ka pa tulala at tahimik diyan, ah?" puna ni Faye.
"Oo nga! Dahil ba sa wala si Harrison ngayon?" sehunda naman ni Tonnie.
"Hindi ko kasi alam kung nasaan siya ngayon, e. Hindi naman niya kasi sinasagot ang mga tawag at text ko."
Inakbayan siya ni Tonnie. "Mukhang problemado nga siya kagabi nang tawagan niya ako para lang makipag-inuman sa kaniya. Kung hindi nga lang umuwi mga kamag-anak namin galing ibang bansa ay sinamahan ko siya kagabi."
"Oo nga! Tinawagan din niya ako, ang kaso pagod naman ako sa trecking naming magpipinsan kaya tumanggi muna ako," paliwanag naman ni Faye.
"Ikaw ba? Hindi ka ba niya kinontak kagabi?" tanong ni Tonnie.
Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Mabuti na lang at naagaw ng coach nila ang kanilang mga atensyon.
"Bilisan na ninyong tatlo diyan para masimulan na ninyo ang insayo. Oh? Nasaan si Harrison? Bakit hindi niyo siya kasama?" tanong nito na ikinakamot nilang tatlo ng ulo.
"Hindi nga rin namin alam, coach. Hindi kasi pumasok."
"Ganoon ba? Sige na, magbihis na kayo, nagwawarm-up na ang mga makakalaban ninyo doon."
"Yes, coach!" hiyaw nilang tatlo ng sabay-sabay.
"PERRY!" gulat na napatingin si Perry kay Harrison. Kasalukuyan siyang nagpupunas ng kaniyang buhok nang dumating ito sa swimming pool area ng kanilang eskwelahan. Katatapos lang kasi ng swimming praktis nila habang ang iba naman nilang kasamahan ay nasa shower room at locker room na.
Napalunok tuloy siya ng wala sa oras ngunit pinilit na ngumiti rito. "Oh, Dude? Babago ka? Kanina ka pa namin hinihintay, a? Huli ka na rin sa praktis. M-may problema ba? At saka, bakit paika-ika ka ng lakad? May nangyari ba?" sunud-sunod na tanong niua rito.
Hindi kasi ito pumasok maghapon at ngayon lang niya ito nakita kung kailan tapos na ang practice nila.
"Anong nangyari kagabi?" seryosong tanong nito.
Napahinto siya sa pagpupunas ng kaniyang buhok. May alam ba ito sa nangyari kagabi? Nakita kaya nito ang mga pinaggagagawa niya rito?
"A-anong ibig mong sabihin?" maang-maangan at kinakabahang tanong niya pabalik dahil sinigurado niya na walang makakalam sa nangyari kagabi.
"Nagising na lang ako kanina na nasa Inn na ako at nakita ko 'to sa kwarto. Hindi ba't sa 'yo ito?" nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niyang iniangat nito ang hawak nitong keychain.
Iyon kasi ang keychain na binili nila pareho nang magkaroon sila ng out of town kasama ang mga magulang nila sa Korea noong nakaraang buwan.
Shit! Hindi nito pwedeng malaman ang totoo lalo na't hindi pa niya nakukuha ang gusto niya. Okay lang sana kung may nangyari talaga sa kanila kagabi pero wala. Wala talaga. At kaya niyang patunayan ito. Kung mayroon man siyang nagawa dito kagabi, iyon ay punuin lamang ito ng kiss mark sa leeg at dibdib nito.
Hindi naman sa sinisisi niya ang nangyari sa kaniyang ina. Mabuti na rin na nagyari iyon dahil kung hindi ay baka nga napagsamantalahan na niya ito ng tuluyan. Tinamaan lang siguro siya ng alak kagabi kaya hindi na niya alam mga pinaggagagawa niya.
Bigla kasing tumawag ang kaniyang ina kagabi at sinabing dumalaw ang kaniyang ama at nagkasagutan ang mga ito kaya dali-dali siyang umalis kagabi dahil iyak ito nang iyak. Hindi niya alam na kakamadali niya ay nahulog pala ang keychain ng bag niya.
Dahil doon ay naging malikot ang kaniyang mga mata. Kailangan niyang lusutan iyon.
Nagulat na lang siya nang biglang sakalin siya ni Harrison gamit ang tuwalya niya. "Umamin ka nga sa akin! Ikaw ba ang nagdala sa akin sa Inn at naglagay ng pulang mga marka sa aking katawan?"
Sabay lihis nito ng kwelyo nito para ipakita sa kaniya ang ilan sa mga pulang marka na inilagay niya kagabi.
Fuck! Biglang nanlambot ang kaniyang buong katawan. Aamin na ba siya? Dito na ba matatapos ang pagkakaibigan nila?
"Are you gay, Perry?!" nangangalit ang mga ngipin na tanong nitong muli.
"C-chill, dude! Ano bang p-pinagsasasabi mo? B-baka kapareho lang ng key chain natin 'yang keychain ng babae kagabi," pagdadahilan niya na hindi niya inaasahang lalabas sa kaniyang bibig.
Kumunot ang noo nito. "Babae?"
"O-oo!" umiwas siya ng tingin dito dahil hindi niya kinakaya ang mga ibinibigay nitong tingin sa kaniya.
Humigpit muli ang pagkakasakal nito sa kaniya. "Sinong babae?!"
Shit! Sinong babae nga ba? Anong pangalan ang ibibigay niya?
Sa pag-iwas niya ng tingin dito ay napansin niya ang kumpulan ng mga estudyante na dumaan sa kabilang bakod dahilan para makita niya ang bag tag ng isang babae kung saan nakasulat ang pangalan nito.
"Ano?!"
"S-si Selena! Oo, tama! Si Selena nga! Hindi mo na ba matandaan?" Lumuwag naman ang pagkakahawak nito sa tuwalya niya dahilan para mapaubo siya.
"W-wala akong matandaan na may babaeng lumapit sa akin sa bar kagabi. Ikaw lang ang alam kong kasama ko."
Muli niyang inayos ang pagkakapatong ng tuwalya niya sa kaniyang batok saka naglakad papunta sa locker room ng swimmers habang nagpapaliwanag. Hindi rin kasi niya ito matignan sa mata. Sumunod din naman ito sa kaniya.
"Sobrang lasing mo kagabi kaya siguro wala ka ng matandaan. Nakasalamuha natin si Selena noong matapos mong sumayaw sa dance floor kasama siya. Iuuwi na nga sana kita kagabi kasi nga may emergency sa bahay. Nagpunta kasi si Papa sa bahay at nagkasagutan sila ni Mama. Tumawag siyang umiiyak sa akin kaya dali-dali akong umalis. Nagboluntaryo naman si Selena na siya na raw bahala sa 'yo kaya iniwan na kita sa kaniya. Hindi ko naman alam na may iba pa palang motibo sa 'yo ang babaeng 'yon kaya posibleng sa kaniya nga ang key chain na 'yan at saka alam mo namang hindi tayo talo!"
Ganoon pala talaga kapag defensive, ang daming dahilan na nasasabi at gusto niyang palakpakan ang sarili sa kaniyang mga sinabi.
"Kung sa kaniya ang key chain na 'to, nasaan ang key chain mo?" tanong ulit nito habang nakatingin sa body bag niya na inilabas niya at inilagay sa malapit na upuan dahil busy siya sa pagkuha ng damit pamalit sa traveling bag niya na kasalukuyan niyang kinakalkal para makapagshower na rin siya.
"Huh? Ahm... Nasa isa kong bag! Oo nilipat ko sa isa kong bag, alam mo naman ako, papalit-palit ako ng bag."
Mukha namang nakumbinsi niya ito dahil tumango-tango na lang ito at natahimik sa gilid.
Inakbayan niya ito para agawin ang atensyon nito saka ngumiti ng nakakaloko. "Ano? Magaling ba siya?" tukso niya pampawala ng kaba sa kaniyang dibdib at para na rin makaiwas na.
"Hindi ko alam! Wala nga akong maalala, e. Wala din namang akong kakaibang naramdaman sa katawan ko bukod sa nahulog ako sa kama dahil sa gulat ko na nasa hindi ako pamilyar na lugar. Mukhang hindi naman niya natuloy ang balak niya bukod sa paglalagay ng mga pulang marka sa katawan ko."
Natawa siya. "Huwag kang magsalita ng tapos, dude. Baka mamaya niyan may kakatok na lang na babae sa pinto mo at sasabihing buntis siya at ikaw ang ama."
"Aray!" daing niya ng sikmuraan siya nito.
"Hoy! Tumigil ka, ha! Hindi na ako natutuwa sa mga tanong mo!" napipikon na sabi nito.
"Ikaw naman, masyado ka namang seryoso. I'm just lighten up the mood, okay?"
"Hayaan mo, hindi na talaga ako magpapakalasing ng ganoon katindi. Nakakatrauma."
Bigla namang nakaramdam ng guiltyness si Perry sa sinabi nitong iyon.