UNBEARABLE FOUR

2060 Words
"BABE! What do you think suits me well, this one or this one?" tanong ni Megan kay Perry habang pinapakita ang dalawang klase ng bistida na may magkaibang kulay. Napairap si Perry habang nakatalikod sa dalaga at pekeng ngumiti bago ito hinarap. "I prefer the pink one," walang ganang sagot niya. Iyon ang pinakaayaw niya sa mga babae. Napakadaming arte sa katawan. Mga pasyonista masyado. Nakakalimang boutique na sila pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong nabibiling bistida na susuotin nito sa graduation ball. Pagod na pagod na siya. Masasakit na rin ang mga binti at paa niya kakalakad at kakaikot. Halos napasok na yata nila lahat ng fashion boutique sa Mall at nasukat na rin nito lahat ng damit at sapatos pero heto't ngayon pa lang yata may natipuhan. He also didn't like the way how Megan dressed. It's too revealing. He shows too much skin, her cleavage and her legs because she's just wearing a black spaghetti strap crop top and a white denim short that shows the half of her legs. Her loudness irritates him as well and he doesn't want a materialistic woman, too social, and wear too much make-up. Parang hindi nito kayang mabuhay o lumabas ng bahay nang walang drawing na kilay at pampapula sa pisngi at labi nito. Nakakapangsisi. Kung maibabalik lang sana niya ang oras ay wala sana siya sa sitwasyon niya ngayon. Halos patayin na niya ang sarili sa tuwing naaalala niya iyong mga pinaggagagawa at pinagsasasabi niya rito noong nakalipas na tatlong araw. Three days ago . . . "GOT YAH!" ani Perry nang makita rin niya sa wakas ang f*******: account ni Megan na nahanap niya mismo sa friend list ni Harrison. Katatapos lang din kasi niya maligo at ang laptop kaagad ang hinarap pagkatapos niyang magbihis. Hindi naman nagtagal nang kompirmahin nito ang friend request niya. Alam niyang marupok si Megan at siguradong madali niya itong mapapa-oo at gagamitin niya ang kahinaan nitong iyon para agawin ito kay Harisson nang hindi nito nalalaman. Hindi siya papayag na maunahan sa kaibigan. Nagtipa siya ng mensahe sa messenger nito kahit na labag sa loob niya ang unang mensaheng ita-type niya. Perry: Hi, Megan! It's me, Perry. Pagka-send niya ay agad itong nag-react ng heart emoji. Megan: Oh! Hi, Perry! Anito na may kasama pang emoji na pumupuso ang mga mata. Perry: Pwede ka bang mas kilalanin pa ng mabuti? Matapos niyang isend iyon ay napansin niya ang tatlong dot na naglalakad ng pabalik-balik, indikasyon na nagtitipa na ito ng mensahe para sa kaniya. Megan: Sure! Gusto rin kitang mas makilala pa. Nangalit ang kaniyang mga ngipin. "Maharot!" komento niya nang mabasa niya ang mensahe nitong iyon. Hindi niya akalain na mag-eentertain pa ito ng lalaki kahit na nililigawan na ito ng kaibigan niya. Ngunit napangisi siya kapagkuwan. Ibig lang kasing sabihin niyon, may pag-asa siyang maaagaw pa niya ito kay Harrison. Perry: Pwede ba kita ligawan? Walang patumpik-tumpik na tanong niya kahit na kinikilabutan na siya sa mga pinagsasasabi niya rito. Nag-react naman ito ng shock emoji. Megan: Hindi mo na ako kailangang ligawan dahil sinasagot na kita. Type nito na may kasamang kiss emoji dahilan para mapanganga siya. What the. . . Ganoon lang kadali? Ni hindi pa nga siya nagsisimulang manligaw OO na kaagad? Perry: Really?! What about Harrison? Tanong niya kunwari. Megan: Don't worry about him. I will tell him that I'm not interested with him. That you're the one that I really like. Muli ay kinilabutan siya. Siguro kung magkaharap lang sila ngayon ay puro pa-cute sa kaniya ang dalaga. O kaya naman panay na ang hampas nito sa braso niya. Perry: Siguraduhin mo lang dahil ayaw ko ng may kaagaw. Gusto na niya masuka sa mga pinagsasasabi niya. Ngunit kailangan niyang magtiis para makumbinsi niya ito na huwag na makipagkita o makipagkumunikasyon pa kay Harrison. Nang makaramdam siya ng uhaw ay sandaling iniwan muna niya ang kaniyang laptop upang kumuha ng soda sa mini refrigerator niya na nasa gilid ng kaniyang kama saka mabilis na binuksan at nilagok habang bumabalik sa kaniyang study table. Megan: Wow! Possessive. I like that! Malanding sabi nito na may wink emoticons pa dahilan para mabilaukan siya sa kaniyang iniinom. Mabuti na lang at sa gilid niya naibuga ang soda at hindi sa kaniyang laptop. Nang makahuma ay agad niyang pinunasan ang kaniyang labi gamit ang likod ng kaniyang palad saka pinakalma ang sarili bago muling nagtipa ng isasagot niya. Perry: What's mine is mine. Keep that in your mind, baby. Aniya saka nilagyan ng wink at heart kiss emojis sa dulo ng kaniyang mensahe. Napangisi siya ng pusuan nito ang mensahe niya saka natipa ng malalaking kiss emojis. Perry: Just promise me that Harrison will never know about us. I don't want to ruin our friendship. Let's just hide our relationship for now. Just ignore him and all her messages to you, okay? Megan: Sure! But in one condition. Napahalukipkip siya kasabay ng pagsandal niya sa back rest ng upuan niya. "Ano namang trip mo?" tanong niya sa sarili habang hinihintay matapos ang panibagong mensahe nito habang nakatingin sa tatlong dots. Nagtatype pa rin kasi ito. Megan: Let's have our first date as couple this coming Sunday. And I wanted you to accompany me to buy my dress for our upcoming graduation ball. Napailing siya. That's what he hates the most. Shopping. But he needs to impress her. Perry: Sure! At ang mensaheng iyon ay nasundan pa nang nasundan. End of flashbacks . . . ARAW ng Linggo ay natuloy nga ang kanilang date. Una muna silang pumunta ng Italian Restaurant sa loob ng Mall para doon kumain ng tanghalian. Napakadaming kwento nito sa kaniya na hindi naman niya masyadong binibigyan ng pansin dahil naiirita na siya sa kadaldalan nito. Mas gusto na lang niya umuwi at maligo para makapaghilod ng mabuti dahil sa walang tigil nitong paghalik sa pisngi, paghawak sa kamay at pagdikit-dikit nito ng dibdib sa braso niya dahil kung makakapit ito ay parang bata na animoy takot mawala sa loob ng Mall. At isa pa sa kinaiinisan niya ay nang malaman niya na hindi naman pala talaga nito gusto si Perry. Na kaya ito nakipagkita sa parke ng araw na una niya itong makita ay para patigilin na ito sa panliligaw dahil may gusto na raw itong iba kaya lang hindi nito nasabi dahil nga sa presensiya niya kaya nawala na sa isip nito. That he's the one she really likes, not Perry. And he was like, what the f**k?! He didn't expect it. As if he wants to turn back the time where he met Megan. Halos magpakalalaki siya sa mga chats niya rito iyon pala siya naman pala talaga ang gusto nito. Sinabi kasi nito sa kaniya kanina na na-love at first sight ito sa kaniya na halos ikasuka pa niya. Dati na pala siya nitong hinahangaan sa tuwing mapapadaan sila ni Harrison sa iskul nito. Nakaugalian na kasi nilang magkaibigan na sabay na naglalakad pauwi. Na kaya rin ito lumalapit kay Harrison ay para mapalapit sa kaniya. AT NGAYON nga ay nasa huling botique na sila. "Sino ba iyang ka-text mo at kanina ka pa abala diyan?" iritadong tanong sa kaniya ni Megan nang hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin. Isa din kasi iyon sa paraan niya para hindi na magtagal pa ang relasyon nila. He's playing like he's a playboy. At dahil dual sim naman ang gamit niyang cellphone ay bumili siya ng isang extra sim para gamitin niya sa pakikipag-flirt sa iba't ibang babae na nakilala lang din niya sa f*******:. Para kapag dumating na iyong time na malaman iyon ni Megan at komprontahin siya ay madali na lang para sa kaniya na hiwalayan ito. "Harrison just texted me and he wanted to see me. Gusto raw niya ng makakausap," pagtatapat niya. Kakatanggap lang kasi niya ng mensahe at base sa mga mensahe nito sa kaniya ay mukhang problemado ito. Lumamlam naman ang mga mata ni Megan nang maupo ito sa tabi kung saan ang waiting area ng boutique habang hinihintay ang sales lady na balutin ang mga napili nitong sapatos at damit bago bayaran. "I think, it's all about me," she said while looking down, playing with her fingers. He crossed his arms and looked at her confused. "Anong ibig mong sabihin?" "Because I already rejected him. I told him that I love someone else," pagtatapat nito. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Huwag mong sabihin na sinabi mo sa kaniya ang tungkol sa relasyon natin?" Hindi rin niya naiwasan ang pagtaas ng kaniyang boses dahilan para pagtinginan sila ng mga tao sa loob ng boutique. Kaya naman tumabi siya rito at bumulong. "Did you say something to him about us?" ulit niya. He gritted his teeth in annoyance because she didn't say anything. She remained silent as if he didn't hear him. And it makes him angrier. Naikumo niya ang kaniyang mga palad sa galit. "Hindi ba't nangako ka sa akin na hin—" he was about to scold her when she cut him off. "I didn't tell him about us, okay?! Because I know that you're his best friend and I don't want to ruin your friendship!" dahilan nito na nagpakalma sa kaniya. Kung ganoon ay hindi na pala siya mahihirapan na hiwalayan ito. Tapos na ang pagiging mabait at mabuti niyang nobyo rito pero saka na niya ito iintindihin dahil mas kailangan siya ni Harrison ngayon. Tumayo siya na kinagulat ng dalaga. "I have to go! Harrison needs me." Pinigilan siya nito sa braso. "Wait! Are you seriously leaving me here?" Muling nangalit ang kaniyang mga ngipin saka mabilis na tinanggal ang kamay nitong nakakapit sa braso niya. "You're old enough. You know your way home." "But, Babe?!" hindi niya ito nilingon ngunit nang mapagtanto niyang bitbit niya lahat ng shopping bags nito ay agad niya itong binalikan at kinuha ang isang kamay para ibigay ang lahat ng mga pinamili nito. Nag-iwan din siya ng ilang cash para ipambayad sa pinamili nito. "Perry!" muling sigaw nito na hindi na niya pinansin pa. "ANONG meron, Dude? Nasaan sina Faye at Tonnie?" tanong ni Perry kay Harrison nang makarating siya sa counter ng isang kilalang bar sa lugar nila. Lumagok ito ng alak bago siya sinagot. "Wala! Parehong busy ang mga iyon kaya ikaw ang kinontak ko." "Bakit? May problema ba at bigla kang nag-aya at naglalasing diyan?" "M-Megan rejected me. She said he likes s-someone else," lasing na sabi nito base sa tono ng boses at itsura nito. Nakayukyok kasi ito sa bar counter habang hawak ang shot glass nito. He's really broken and he didn't want to see him in that situation. Pero sa kabila niyon ay nais niyang magdiwang dahil nagtagumpay siya sa kaniyang plano na sulutin si Megan mula rito. "I'm sorry for making you sad and miserable," Perry silently said to himself. Tinapik niya ang kaliwang balikat nito. "Don't worry, dude, there's a lot of women out there who deserve your love," saad niya na puno ng pagkukunwari habang itinuturo ang paligid kung saan nagkalat ang mga kababaihan sa loob ng bar. At wala siyang pakialam kung maging kontrabida man siya sa paningin nito. Selfish na kung selfish, ang importante ay sa kaniya lang ito. 'I'm here, Harrison. I'm the right one for you. I will never break your heart. I will love you more than myself. I will give you the universe, just love me back.' He really wanted to say those words out loud to him, but he's not yet ready. He's too broken right now. He'll wait for the right time once Harrison finally moved on. He was about to call the attention of the bartender to order his drink when Harrison stops him. "Don't you dare, dude! I'm the one who's broken, that's why I'm the only one who's allowed here to drink." He chuckled. He knew it wasn't really his reason for stopping him for ordering his hard drink because Harrison knows that every time he got drunk, he'll kiss a guy no matter what. The only thing that Harrison didn't know about it is that he's just pretending. Perry only mean it when he was with him, but without him, he wouldn't kiss another man. Actually, he tried so many times to kiss him when he drunk but he failed. Sa totoo lang, wala pang nakakakuha ng first kiss niya at gusto niyang ang kaibigan lang niya ang makakuha niyon. He wanted him to be his first in everything. "You really know me, huh?" aniya habang nakatingin na sa mapupula at basa nitong labi. Harrison laughed while shaking his shot glass. "K-kailangan kitang pigilan dahil ayokong p-pareho tayong gumapang pauwi..." They chuckled. "Find!" he said while shaking his head. He just ordered some light drink instead. But at the back of his head, there's something naughty playing in his mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD