UNBEARABLE THREE

1228 Words
"P-PERRY? Anong ginagawa mo rito?" Shock is evident in Harrison's face for unknown reasons. "B-bigla kasing sumama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako sumama sa kanila pero okay naman na ako. Nakainom na kasi ako ng gamot nang mapadaan ako sa botika kanina," pagsisinungaling niya saka ibinaling ang mukha sa babaeng kasama nito. Maganda ang babae sa malapitan. Matangkad ito at may kulay brown na mga mata. Nakasuot din ito ng school uniform, at base sa logo na nakadikit sa blouse nito ay nag-aaral ito sa all girls school. "Hi! I'm Megan! And you are?" then she offered her hand for a handshake. Nagulat siya sa inakto nito. Hindi rin niya gusto ang tono ng pananalita nito na para bang inaakit siya. At kinikilabutan siya. Ngunit ayaw naman niyang mapahiya ito sa harap ni Harrison kaya nakipagkilala na rin siya. "I'm Perry! Harrison's best friend." Mabilis siyang bumitaw sa pagkakahawak nito sa kamay niya dahil sobrang higpit niyon na animoy ayaw na siyang pakawalan. Naiinis siya, siguro dahil ayaw niya sa babae. Kung hindi nga lang nila kasama si Harrison ay baka sinabunutan na niya ito. "Ah, saan ba ang punta ninyo?" baling niya kay Harrison na para bang biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito habang nakatingin kay Megan na siyang nakatingin naman sa kaniya. Nagseselos ba ito? Naku! Kung alam lang nito na hindi siya pumapatol sa babae. "Ihahatid ko na sana si Megan pauwi," sagot ni Harrison habang nakahawak sa likod ng dalaga. Nahihimigan din niya ang iritasyon sa tono ng boses nito. "Yeah! You wanna come with us?" maarteng alok naman ng dalaga sa nagniningning na mga mata. "S-sure!" biglang sagot niya. At gusto niyang kutusan ang sarili sa pagpayag niyang iyon na walang pagdadalawang isip. Ayaw lang kasi niyang iwanan ang kaibigan niya sa babaeng ito. Hindi niya hahayaan na maagaw nito sa kaniya ang binata. Hanggang sa nakahinga siya ng maluwag ng tuluyan nilang naihatid ang dalaga sa bahay nito. Hindi kasi siya tinigilan nito sa pagtatanong sa kaniya ng kung ano-ano. Pakiramdam nga niya na-out of place si Harrison. Pabalik na silang naglalakad pauwi sa kanila nang mapansin niya ang pagiging tahimik ni Harrison. Inakbayan niya ito. "Problema, dude? Bakit bigla kang tumahimik?" Marahas namang tinanggal nito ang braso niya saka siya inis na hinarap. "Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba kay Megan?" tanong nito na kinatawa niya. "Anong nakakatawa, huh?" dagdag pa nito nang wala itong nakuhang sagot sa kaniya. "Bakit kung makatanong ka parang nakagawa ako ng malaking kasalanan sa 'yo?" hindi ito umimik. Binangga niya ang balikat nito gamit ang balikat niya. "Nagseselos ka 'no?" ayaw man niyang itanong iyon dahil alam niyang masasaktan lang siya sa magiging sagot nito ngunit iyon na ang naisambulat ng kaniyang dila. "Oo! Kaya ko nga hindi sinabi sa 'yo ang tungkol sa kaniya dahil alam kong baka mabaling sa 'yo ang atensyon niya!" At muling nasagot ang isa sa mga tanong niya. Kaya pala naglihim ito sa kaniya dahil takot itong maagawan. "Bakit? Hindi mo pa ba siya nobya?" tanong niya pa. "Nobya ko na sana siya kung hindi ka lang umeksena!" irita pa ring sagot nito. Napailing siya. "Hindi ko alam na kasalanan na pala ngayon iyong bigla na lang sumama pakiramdam ko?" "Tsk! Nakipagkita nga siya sa akin kasi ang sabi niya may sagot na siya ang tanong ko kung pwede ko ba siyang maging nobya pero napurnada dahil nakilala ka niya." Tumalikod na ito sa kaniya pero mabilis niya itong hinabol at muling inakbayan. "Huwag kang mag-alala, dude. Iyong-iyo na siya. Hindi siya ang tipo kong babae kaya huwag ka ng magtampo diyan. Dapat nga ako magtampo sa 'yo kasi naglihim ka sa akin," reverse psychology niya. "Sinabi mo 'yan, huh? Walang talo-talo." "Oo na! Kapag sinabi ko, sinabi ko!" Gusto niyang palakpakan ang sarili sa pagiging sinungaling niya. At dahil sa pag-uusap nilang iyon ay may namuong balak sa isipan niya. Sisiguraduhin niyang hindi ito mapupunta sa kahit na sinong babae lalong-lalo na kay Harrison. "I'M HOME!" Perry shouted as he entered their home. "Gabing-gabi na, bakit ngayon ka lang? Alam mo namang hirap akong ibaba ang roll up ng flower shop natin. Nagtulong pa tuloy kami ni Hyacinth para maisarap ang shop," bungad sa kaniya ng kaniyang ina pagkapasok niya ng kusina. Mayroon kasi silang maliit na flower shop sa harap ng bahay nila. At dahil maliit lang iyon ay isa lang ang assisstant nito, si Hyacinth. Isa sa mga katuwang nito na mahilig din sa mga bulaklak na hindi naman maitatanggi dahil sa pangalan nito. "Uhm, may inihatid lang kaming kaibigan ni Harrison sa kabilang subdivision," pagdadahilan niya. "Ganoon ba? Sa susunod magtetext o kaya tumawag ka para hindi ako nag-aalala sa 'yo," anito habang inaayos na ang kanilang hapagkainan. He pouted his lips. His mother treated him like a five-year-old kid again. "Opo, 'Ma!" aniya saka ito tinulungan sa paghahanda ng kanilang hapunan. "Magshower ka na muna kaya bago ka kumain. Baka mamaya natuyuan ka na naman ng likod, ha?" "Hindi, Ma! May biglaang swimming practice kasi kami kanina dahil magkakaroon din ng swimming contest sa foundation day namin kaya basa ang buhok ko," mahabang paliwanag niya. Every mondays, wednesdays and fridays kasi ang swimming practice nila at araw ng huwebes ngayon kaya akala ng kaniyang ina na kaya basa ang buhok niya ay dahil sa practice nila hindi dahil sa pawis. Minsan na kasi siyang umuwi ng pawisan nang magtakbuhan silang magkakaibigan ng habulin sila ng aso. And his mother was always like that. She's very protective and caring when it comes to him, maybe because he's an only child. That's why he couldn't understand why his father left them. And the most painful part there was, he left them for another man. He didn't see anything wrong with his mother. She's beautiful inside and out. He never met or even saw his father. His mother once told him that he didn't take his responsibility when he got her pregnant. Alam niyang hanggang ngayon ay mahal pa rin ng kaniyang ina ang kaniyang ama dahil kahit kailan ay hindi niya ito nakitang nakipag-date man lang sa iba ni minsan. Ang matalik na kaibigan lang nito ang palagi nitong kasa-kasama, ang Ninang Paris niya. Kaya nga natatakot siyang umamin sa tunay niyang kasarian dahil siguradong masasaktan din niya ito. Siguro nga, like father, like son kaya hindi na siya magtataka kung attractive siya sa kauri niyang lalaki. Matapos kumain ay agad na siyang umakyat sa kwarto niya. Ibinagsak niya kaagad ang katawan sa kaniyang kama habang niluluwagan ang suot niyang kurbatang itim na kasama sa school uniform nila. Napabangon lang siya nang marinig niya ang boses ni Harrison sa katabing bahay. May kausap ito sa telepono at base sa nakikita niyang ngiti sa mga labi nito ay kausap nito si Megan. But his attention wasn't there anymore because of Harrison's body. His upper body was naked, so he could clearly see his perfect V-line and his fine body hair up to its navel, the reason for his desire to grow stronger. Bukod kasi sa magkapit-bahay sila ni Harrison ay magkatapat din ang kanilang kwarto. Kaya madali lang para sa kaniya na pagmasdan ito. At sa mga nakikita niya, para bang gusto niyang himasin at piga-pigain ang bawat himaymay ng katawan nito. Ganoon siya kung pagpantasyahan niya si Harrison. Isa na rin siguro sa nagtulak sa kaniya para pagpantasyahan ang kaibigan ay dahil sa pagbabasa at panunuod niya ng mga Boys Love stories and Boys Love Thai Drama. Kaya naman hindi niya naiwasan na mapatingin sa pagitan ng kaniyang mga hita nang maramdaman niya ang pgakabuhay niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD