"WOW! You really look like a woman, dude!" Harrison complimented Perry when he saw him wearing his Snow White costume together with a short hair wig and a red ribbon headband.
Perry unconsciously pouted his lips upon hearing those words from his friend. He really doesn't want to wear his costume because it makes him uncomfortable, especially when some of their classmates are looking at him intently like it's their first time to see a man wearing a dress.
"Ouch!" he whined when Harrison pinched his cheeks.
"You're so cute! If you were just a girl, I might start hitting on you," sabi nito na nagpatulala sa kaniya.
Muli ay hindi na naman niya inaasahan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Na kung ipinanganak lang sana siyang babae ay siguradong siya na ang pinakamasayang nilalang sa buong mundo. Ngunit napangiwi siya sa isiping iyon, mas gugustuhin pa niyang maging lalaki kaysa maging babae dahil hindi niya ma-imagine ang sarili na nagpapalit ng napkin buwan-buwan. Mas maigi na ang maging lalaki dahil isang beses lang silang masasaktan para magparami ng lahi.
Tila naging slow motion naman ang paligid nang bahagyang hawiin ni Harrison ang may kahabaang buhok nito dahilan para pagmasdan niya ang kasuotan nito mula ulo hanggang paa nito.
He really looks like a Prince Charming in fairy tales. He's wearing royal clothing of a Prince. Although simpler than a King's standard clothing, he typically wore trousers, leggings, cloaks, and tunic. The tunic, being the outermost garment, was decorated with embroidery, gold lacing, and other elements paired with black boots. He also has a sword made of plastic. His hat looks like a cowboy's hat, but it has a large and long bird's feather on the right side.
Kung nag-eexist lamang ang Disney Princesses sa totoong buhay ay siguradong mahuhumaling ang mga ito sa kagwapuhang taglay ng binata.
Napadako naman ang tingin niya sa kaniyang gilid nang marinig niya ang angil ng pito niyang kaklase dahil sa iniindang sakit sa tuhod. Ang mga ito kasi ang gumanap na seven dwarfs ni Snow White lalo na ang kaibigan niyang si Tonnie na gumanap bilang si Sneezy. At dahil maliliit ang mga dwarfts ay kailangan nilang lumuhod sa kanilang mga sapatos upang magmukha talaga silang mga dwarfs. Iyon na rin kasi ang huling araw ng kanilang insayo kaya naman kasama na roon ang dress rehearsal nila.
Nagpapasalamat siya dahil kahit papaano pala ay maswerte na siya sa kaniyang role. Pero hindi niya itatangging masakit na rin ang mga daliri niya sa paa dahil sa suot niyang sapatos na katulad din ng kay Snow White. Pakiramdam niya sinardinas ang mga paa niya na pilit na pinagkasya sa maliit na lata.
"Pakiss nga ako, Snow White, na may kasing puti ng niyebe ang kutis," sulpot naman ni Faye na siyang handa ng yumakap sa kaniya.
Mabuti na lang at maagap siya at mabilis na dinakma ang mukha nito. "Ulol, hindi tayo talo!" pakunway reklamo niya upang hindi maghinala sa kasarian niya ang mga tao sa paligid.
Nagtawanan naman ang lahat sa pangyayaring iyon kung saan nangibabaw ang halakhak ni Tonnie dahil sa itsura ni Faye. Mukha kasi itong Mr. Suave na buntis dahil sa role nitong magiting na kabalyero ng inggeterang mangkukulam.
"Luh! Bagay pala sa 'yo ang malaki ang tiyan, 'tol!" komento ni Tonnie saka humalakhak na animoy walang iniindang sakit.
"Hoy! Umayos ka diyan! Baka gusto mong ikaw ang una kong katayin diyan?" ani Faye habang idinuduro dito ang kampit na gawa sa plastik.
"Oh, chilaks! Parang hindi ka naman mabiro, Mr. Suave," gatong pa ni Tonnie habang inaayos ang bigote nito.
Akmang maghahabulan na ang mga ito nang tawagin ng school president ang atensyon nilang lahat.
"Tama na ang laro. Magsimula na tayo para maaga tayong makauwi lahat!" anito na agad naman nilang sinunod lahat.
Akmang babalik na siya sa kaniyang pwesto nang bigla siyang matapilok. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata upang hinatayin ang pagbagsak niya sa sahig ngunit may mga brasong sumalo sa kaniya dahilan para muli niyang buksan ang kaniyang mga mata kung saan sumalubong sa kaniya ang maamo't nag-aalalang mga mata ni Harrison.
"Ayos ka lang?" tanong nito ngunit hindi niya iyon pinansin dahil bahagya siyang nakahiga sa mga braso nito na para bang ayaw na niyang matapos.
Ganoon pala ang pakiramdam ng nasa bisig ka ng taong gusto mo, animoy para siyang inihehele. Nabalik lamang siya sa kaniyang sarili nang marinig niya ang mga mapanuksong hiyaw ng mga kasamahan nila sa intablado. Mabilis siyang humiwalay dito.
"Ano, ayos ka lang?" muling tanong sa kaniya ng kaibigan na may kasamang tapik sa kaniyang braso.
Nag-init ang mukha niya. "M-masakit lang ang mga daliri ko sa paa pero kaya ko pa namang tiisin."
"Sigurado ka?" tumango na lamang siya saka sila muling nag-umpisa sa pag-iinsayo.
"CUT! Perry, you look tense!" Ethan shouted, the one who's appointed to be their theater director.
Perry gulped. Who wouldn't be restless if his lips and Harrison's lips were just a few inches away?
Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Kulang na lang ay dukutin na niya ang kaniyang puso para lang patigilin ito sa mabilis na pagtibok nito. Iba pa rin kasi ang dating niyon sa kaniya kahit na hindi naman talaga magdidikit ang kanilang mga labi dahil magiging kasabay ng paglapit ng mga mukha nila ang pagsara ng mga ilaw.
Nasa kissing scene na kasi sila kung saan hahalikan ng Prinsepe si Snow White upang magising ito mula sa pagkakalason ng mangkukulam dito habang ang seven dwarfs naman ay nasa gilid lamang ng kabaong ni Snow White.
Kasabay din ng sigaw na iyon ni Ethan ang reklamo ng seven dwarfs.
"Ouch! My knees really hurt!"
"f**k, Perry! Maawa ka naman sa amin!"
"Gusto ko na umuwi!"
"Pambihira ka naman, Perry. Kung kailan last part na doon ka pa magkakamali? Sana sinabi mo na dito tayo matutulog para nakapagdala ako ng kutson ko," reklamo ni Tonnie habang hawak ang nga nanginginig na nitong mga tuhod.
Mabilis naman siyang humingi ng paumanhin sa mga ito saka hiningi sa direktor ang ika-sampung take.
Mabuti na lang at sa pagkakataon iyon ay natapos nila ang kanilang stage play practice.
KINABUKASAN ay nagtaka si Perry nang bigla na lamang nag-iba ng direksyon si Harrison nang tuluyan silang makalabas ng university.
"Oy, dude! Saan ka pupunta? Hindi ba't magba-bar tayo?" takang tanong niya.
Napakamot ito sa ulo. "N-nakalimutan kong sabihin na may importante pala akong lakad ngayon."
Kumunot ang noo niya. Ito kasi ang unang beses na hindi ito makakasama sa mga gimik nilang magkakaibigan. Napadako rin ang tingin niya sa hawak nitong cellphone kung saan abala na ito sa pagta-type habang hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi nito.
Katatapos lang din kasi ng swimming practice dahil magkakaroon din ng swimming competition sa Foundation Day kaya todo insayo sila.
"Saan naman ang punta mo?" gatong pa niya.
"Oo nga! Siguro may date ka, ano?" singit naman ni Faye na ngayon ay nakaakbay na sa kaniya.
Sa halip na sumagot ito ay agad itong tumalikod saka itinaas ang kamay sa ere. "Basta! Kita na lang tayo bukas!" At mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo palayo sa kanila.
"Tayo na nga lang! Hayaan niyo na munang magliwaliw ang tigang na iyon," ani Faye na kinatawa din ni Tonnie.
"Naku! Tinamaan ang lintek!" komento naman ni Tonnie na kinalingon niya rito.
"B-bakit? May kikitain ba talaga siya?" takang tanong niya.
Kung may pupuntahan kasi ito ay dapat alam niya. Kahit saan kasi ito magpunta ay hindi maaaring hindi niya alam o hindi pwedeng hindi siya kasama.
"Aksidenteng narinig ko kasi kahapon sa locker na may kikitain siya sa parke. At sigurado akong chiks ang pupuntahan n'on. Iba ngiti, eh."
Perry twitched. He doesn't know about it. They promise themselves before that no secrets, but what was that? He's now hiding something to him.
Paano kung may babae na talaga itong nagugustuhan? Paano na siya?
With that question in his mind, he felt like his heart crashes into pieces and he doesn't like the feeling.
Dalawang minuto pa lang ang nakakalipas nang magtalikuran sila ni Harrison nang magpasya siyang sundan ito kaya naman nagpaalam siya sa mga kasama.
"Guys, pass muna pala ako ngayon."
"Ano?!" gulat na sabi ng dalawa niyang kasama.
"Pati ba naman ikaw aalis? Ano ba nangyayari sa inyo ni Harrison, ha?" Si Tonnie.
"Huwag mong sabihin na may date ka rin ngayon?" segunda naman ni Faye.
"Ah, eh, aray!" daing niya kuno habang hawak ang kaniyang tiyan.
"Ano nangyari sa 'yo?" tanong ni Faye.
"M-mukhang hindi yata ako natunawan sa kinain ko kanina," dagdag pa niya saka pumikit-pikit para mapaniwala niya ang kaniyang mga kasama.
"Ano ba kasing kinain mo kaninang lunch?" segunda naman ni Tonnie.
"Chopsuey! Half cook kasi pagakkaluto kaya siguro sinumpong ang tiyan ko," mabilis na sagot niya which is true naman talaga.
"Ganoon ba? Sige, ipapara ka na namin ng taxi."
"Huwag na! Kaya ko na ang sarili ko. Magbabus na lang ako. Mas mura sa bus kaysa taxi. Babalik na lang ako sa waiting shed."
"Sigurado ka? Baka abutan ka dito?"
Hindi na siya nagpatinag pa sa mga kasama at dahil dali-dali na siyang tumakbo papunta sa direksyon ni Harrison. Hindi kasi mapanatag ang loob niya hanggat hindi niya nalalaman ang mga sagot sa mga tanong niya.
Naabutan niya itong nag-aabang pa rin ng sasakyan sa waiting shed kaya mabilis siyang nagtago sa kalapit na poste upang hindi siya nito makita. Busy ulit ito sa pagtipa sa cellphone nito kaya siguradong hindi rin siya nito mapapansin. Hanggang sa pinara na nito ang taxi'ng dumaan. Agad din naman siyang pumara sa kasunod na taxi at palihim na pinasundan ang sinasakyan ng binata.
Tumigil ang taxi nito sa tapat ng park kaya pinahinto na rin niya ang kaniyang sinasakyan mula sa malayo. Bumaba siyang bagsak ang kaniyang mga balikat nang malaman niya ang sagot sa kaniyang mga tanong.
He's talking and smiling with a blonde girl.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng kaniyang bag sa nasaksihan.
Doon na ba matatapos ang pagkahibang niya? Na isinasampal na sa kaniya ng Diyos ang katotohanang ang lalaking katulad niya ay hindi nararapat na umibig sa kapwa niya lalaki?
Tumingala siya para pigilin ang mga nagbabadiya niyang mga luha. That was the first time he cried because of Harrison.
Alam niyang darating din ang time na iibig ito sa babae pero hindi niya inaasahan na ngayon na pala iyon mangyayari at ang masakit pa doon ay inilihim nito iyon sa kaniya. Kung sa bagay, wala naman siyang karapatan na magalit dahil may itinatago rin naman siya rito, and that was his hidden desire towards him.
Hanggang sa hindi niya namalayan na nasa harap na pala niya ang dalawa.