IT'S THE same morning as always and yet Colton were on top of him again. Kung noon, yakap-yakap lang siya niyo pero ngayon, simula nang may mangyari sa kanila ay nasasanay na itong matulog sa ibabaw niya. Hinawakan niya ang malambot nitong buhok. Ngayon alam na niya sa sarili niya na wala talaga siyang sakit. Na mas matindi talaga ang atraksyon niya sa lalaki kaysa sa babae. Alam niyang nagtataksil na siya sa kaniyang nobya pero hindi kayang diktahan ng isip niya ang nararamdaman ng kaniyang puso. Sa loob kasi ng limang buwan na pagsasama nila ni Colton sa iisang bubong ay alam niyang unti-unti na itong nakakapasok sa puso niya. Maalaga kasi ito at may mga katangian na nagustuhan niya. Ngunit hindi siya sigurado kung pareho ba sila ng nararamdaman. Basta ang alam niya gusto niya ang paki

