KINABUKASAN ng gabi ay tumabay sina Colton at Harrison sa labas ng kanilang Villa habang pinagsasaluhan ang red wine. Nakatingala sila sa kumikinang na mga bituin sa langit nang biglang may lumitaw na mangilan-ngilan na bulalakaw. "Hey! What are you doing?" gulat na tanong ni Harrison kay Colton nang bigla niyang ilagay sa bulsa ng board short nito ang kamay niya. "Huwag mong sabihin na gusto mo na naman makaisa? Namunuro ka na, huh!" Nanatili namang nakapikit ang mga mata niya. "Shh. . . Huwag kang maingay!" suway niya rito. "Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit nakapikit ka?" ulit na tanong nito. "Nagwiwish kasi ako." Kumunot ang noo ni Harrison. "Wish? Bakit?" Tinignan naman niya ito. "Ang sabi kasi nila, kapag daw may nakita kang bulalakaw at kasama mo ang taong gusto mo ay ilagay

