"YOU, SON of a b***h! Kaya pala napaparanoid ang kapatid ko dahil sa kahayupan mo!" Halos mawalan ng malay-tao si Harrison sa pagkakasuntok na iyon sa kaniya ni Jun, ang kaibigang doktor ni Colton. "Hey! Stop it!" awat naman ni Colton ng akmang susugurin siya nito ulit. Naidura niya ang dugong galing sa pumutok niyang pisnginsa loob ng kaniyang bibig. "Junnie! I said enough!" si Colton naman ang sumuntok rito nang pilit nitong tinataboy ang kaibigan. Pero natulos siya sa kaniyag kinalalagyan nang marinig niya ang pagbanggit ni Colton sa pangalan ng doktor. Junnie? Iyon ang pangalan ng kapatid ng kaniyang nobya na ai Jennie. Bakit? Bakit napakasakit maglaro ng tadhana? "Hindi, dude! Kailangan matauhan ng gagong ito! Ang kapal ng mukha niya para lokohin ang kapatid ko!" Bumaling ito s

