"DUDE! Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap, ah?" bungad sa kaniya ni Pete nang makabalik siya sa table nila. "Diyan lang sa labas nagpahangin." "E, bakit magkasalubong na naman ang kilay mo?" puna nito. "Wala 'to. Epekto lang siguro ng alak," tanging sambit niya. Tumango-tango naman ang mga ito. "Wala pa ba kayong balak na umuwi?" tanong niya sa mga kasamahan niya. "Mamaya pa kami. Uubusin lang namin itong isang bote." "Oh?! Saan ka pupunta? Hindi mo pa nauubos ang wine mo," pigil sa kaniya ni Pete nang tumayo na siya sa kinauupuan niya. Tinignan niya ang wine glass na ginamit niya mula pa kanina saka dinampot iyon at mabilis na inubos ang laman. "Una na ako sa inyo!" aniya matapos ilapag ang wine glass sa lamesa saka dali-dali ng umalis sa lugar na iyon. Ano na an

