"HELLO, Love?" sagot ni Harrison nang tawagan siya ni Jennie sa gitna ng acquaintance party nila. Nasa garden siya ngayon ng MITCH sa likod na bahagi. Maingay na kasi sa loob dahil sa kasiyahan kaya naisip niyang sa labas na lang sagutin ang tawag nito. "Why you sounds like you don't want to talk to me anymore?" bungad na sabi nito. Napahilot siya sa kaniyang sintido. Nagsisimula na naman kasi ito ng away. Simula kasi ng mapunta siya ng Germany ay naging tamang hinala na ito. "Of course not!" "Then what took you so long to answer my call?" galit na sabi nito. "Nasa MI Tower Convention Hall kami ngayon para sa welcome party ng bagong presidente. Nasabi ko na ito sa iyo noong isang araw pa, hindi ba?" paglilinaw niya. "I-ipinagpalit mo na talaga siguro ako kaya nanlalamig ka na sa ak

