DUMATING sina Harrison at Pete sa MI Tower Convention Hall ng bandang alasyete ng gabi. Pagdating nila roon ay marami ng tao. Bukod sa mga employees ng MI Tower ay naroon din ang iba sa mga board of directors at mga kilalang mga negosyante ng Meier Family. "Hindi ko akalain na halos mapuno ang convention hall sa dami ng mga bisita," komento niya matapos kumuha ng wine sa dumaang waiter sa harapan nila ni Pete. noon karami pala ang imbitado. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Base sa mga kasuotan ng iba sa mga naroroon ay madali na lang malaman kung sino ang mga nakakaangat sa buhay. At dahil mga empleyado sila ay nasa isang side lamang silang lahat habang ang may matataas na posisyon naman ang nasa harapan. Isa pa sa nakaagaw ng atensyon niya ay ang maganda't makukulay na mga dekor

