"BRO! May naisip ka na bang isusuot mo para sa welcome party ni President Colt?" tanong ni Pete kay Harrison nang makahanap na sila ng pwesto nila sa canteen. Katatapos lang kasi ng seminar nila kung saan ang departamemto nila ang nangasiwa. Tungkol kasi iyon sa naging pag-uusap nila ng Presidente kung saan may magaganap na pagbabago sa mga patakaran at regulasyon ng kompaniya. At nabanggit nga kanina sa conference room na magkakaroon ng welcome party para sa bagong presidente. "Wala pa," tipid na sagot niya. Kasusubo lang kasi niya ng kanin at ulam. Uminom ng juice si Pete. "Mabuti na lang at sahod na natin mamaya. Makakabili pa tayo ng susuotin natin para sa darating na sabado ng gabi." "Bakit kailangan mo pang bumili kung pwede naman na itong ganitong suot natin. At saka isang gabi

