AGAD na pumasok si Harrison sa loob ng opisina ng presidente nang makakuha siya ng permiso mula sa sekretarya nito. Kung noon, sa dating presidente, ay hindi siya ganoon kinakabahan, ngayon ay halos manginig ang tuhod niya. Maging sa silid na iyon ay wala namang nabago ngunit may kung anong kakaibang awra na ang bumabalot doon. Alam niyang nakaupo ito sa swivel chair nito na nakatalikod sa kaniya. Lumunok muna siya bago ito binati. "Good morning, Sir! I'm Harrison Oroceo, one of the exchange employees from the Philippines. And I'm here to give you the current rules and regulations including the vision mission and values of the company. If you want to change or add something, just let me know," nakayukong bati niya. Kasabay ng pag-angat niya ng kaniyang ulo ang pag-ikot ng upuan nito at

