MAKALIPAS ang isang linggo ay naging maayos naman ang pagtatrabaho ni Harrison at ng iba pa niyang mga kasamahang exchange students sa MI Tower. Ang iba sa kanila ay nakakasama nila sa mga night-outs tulad ng paggagala sa gabi at pagkain-kain nila sa labas. Mabait din ang CEO kaya lang ay medyo may edad na kaya naisipan na nitong magretiro at ipasa na lang sa isa sa mga anak nito ang MI Tower na makikilala nila mayamaya lang. Kaya naman abala ang lahat sa pagdating nito. Manggagaling pa raw kasi ito ng Thailand kaya mahuhuli ng kaunti ang dating nito. Ang base pa sa mga naririnig niya ay nasa mid-thirties na ito at may angking kagwapuhan kaya hindi na magtataka si Harrison kung bakit aligaga ang mga kababaihang Aleman sa pagpapaganda at pag-aayos ng kanilang mga sarili. Single pa raw kasi

