UNBEARABLE TWENTY-FIVE

2149 Words
NAGUGULUHANG narating ni Perry ang kaniyang apartment matapos niyang makita si Enrique na may kasama at kahalikang ibang lalaki sa restaurant. Hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng t***k ng puso niya. Hindi niya matanggap na iyong taong dahilan ng pagtaboy niya kay Adalius ay siya rin pa lang magiging dahilan ng pagkabaliw niya. Ngayon niya napagtanto na hindi niya dapat pinaniwalaan kaagad ang mga sinabi nito noon sa kaniya. Nagpalakad-lakad siya sa harap ng kaniyang kama. Parang kinain niya tuloy ang mga sinabi niya kay Adalius. The proof of love is trust. Sa isiping iyon ay parang siya pa ang lumalabas na nagkulang at hindi nagtiwala sa lalaki. Parang gusto tuloy niya itong puntahan at sabihin ang nalaman pero wala naman siyang dapat ipaliwanag dahil ito na mismo ang nagsabi na siya ang mahal nito at hindi si Enrique. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang bigla na lang tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya iyon nang makita niya ang pangapan ng kaibigan sa caller ID. "Sol?" "Nasaan ka na? Nagbanyo lang kami nawala ka na?" maktol nito. "Nabusog tuloy kami ng sobra dahil pinaghatian namin ang order mo," rinig niyang reklamo din ni Beth sa kabilang linya. "Oo nga! Ang dami mo pa namang in-order! Kaloka ka!" si Sol. "Pasensiya na. Sumama kasi bigla ang pakiramdam ko kaya hindi na ako nakapagpaalam sa inyo." "Ganoon ba? Akala namin kung saan ka na napunta." "Gusto mo ba puntahan ka namin diyan sa apartment mo?" "Hindi na. Ayos lang ako." "Kumain ka na ng makainom ka ng gamot. "Hmm," tango niya kahit na hindi naman siya nakikita ng mga ito. Napabuntong hininga siya saka napahawak sa sintido niya. Sumasakit ang ulo niya dahil na rin sa pagod sa trabaho, idagdag pa ang nakita niya sa Noodle house. Naringgan niyang inagaw ni Beth ang telepono kay Sol. "Sige pala, magpahinga ka na. Mabuti na lang at day-off mo bukas." "Sige na, mag-ingat kayo sa pag-uwi." "Bye!" sabay na paalam ng dalawa saka pinatay ang tawag. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka nagpasyang mag-shower para makapagpahinga na rin dahil wala namang magandang idudulot ang pag-iisip niya sa kaniyang natuklasan kundi stress lamang. Akmang kukuha na siya ng pamalit niyang damit sa kaniyang kabinet nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. Pagdampot niya ay kumunot ang noo niya dahil unregistered number ang bumungad sa kaniya. Bahagya din niyang tinignan ang oras sa itaas na bahagi ng kaniyang cellphone at sinasabi doong alas diyes na ng gabi. Sino naman kaya ang tatawag sa kaniya ng dis-oras ng gabi? Hindi naman iyon ang kaniyang ina dahil sigurado siyang natutulog pa ito ng mga oras na iyon. "Hello?" "Good evening, Secretary Millares?" nanlaki ang kaniyang mga mata sa narinig. Boses iyon ni Walter, ang butler ni Adalius. Pati pala ang cellphone number niya ay alam na rin nito kahit na nagpalit na siya ng kaniyang numero bago pa siya mapadpad sa City B. Siguradong piniga na naman ng mga ito si Homer kaya nakuha nila ang numero niya. "M-mister Walter? H-how did you get my number?" kinakabahan tanong niya sa hindi malamang dahilan. "Sorry if I disturbed you at this hour, I just want to inform you that Sir Adalius was rushed to the hospital," imporma nito sa halip na sagutin ang tanong niya. "What?!" nanlalaking mga matang sabi niya. "W-what happened to him?" nanginginig na tanong niya rito. "He badly wanted to see you and talk to you again that's why he immediately left the REI alone. His car fell into a ravine because the road was slippery due to heavy rain. And he's in critical condition now." Nilukob ng takot ang buong sistema niya sa narinig. Tila naging lantang gulay ang mga paa niya kaya naman napaupo na lang siya sa kaniyang kama. "S-send me the exact address of the hospital and I will go there right away," aniya saka ibinaba ang tawag at mabilis na kinuha ang bag at susi ng kaniyang apartment. Hindi ito pwedeng mawala. Marami pa siyang gustong sabihin dito. Kung pwede nga lang magteleport sa isang pitik lang ng kaniyang mga daliri makarating lang kaagad sa ospital na pinagdalhan kay Adalius, na kung kaya lang niya pabilisin ang oras para makita ito kaagad ay ginawa na niya. NANG makarating siya sa ospital na sinabi sa kaniya ni Walter ay lakad-takbo niyang tinungo ang hospital room ni Adalius. Pagbukas niya ng nasabing silid ay halos manlumo siya sa kaniyang nakita. "A-Adalius. . ." nanghihinang sambit niya. Nakaratay si Adalius sa kama nito habang may cast ang kanang paa nito. May benda rin ang ulo nito at puno ng pasa sa buong katawan. Niyakap niya ito ng may buong pag-iingat nang tuluyan siyang makalapit dito. "I-i'm sorry. . . T-this is all my fault," paumanhin niya sa nanginginig na mga labi. Umupo siya sa silya dahil sa nanghihina niyang mga tuhod at nagpasyang hawakan ito sa kaliwang kamay nito. "K-kung sinunod ko lang sana ang tinitibok ng aking puso, kung naging matatag lang sana ako at kasing tapang mo, sana noon ko pa sinabi sa 'yo na mahal na mahal din kita," sumamo niya pa. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay saka marahang dinala sa kaniyang mga labi saka kinintalan ng halik. "N-nagsisisi ako na tinalikuran kita noon. A-ang gusto ko lang naman ay ang maging masaya ka, pero hindi ko akalain na ang desisyon kong paglayo at pagtalikod sa 'yo ang siyang magdadala sa 'yo sa kapahamakan. G-gumising ka na, please. I-ipinapangako ko sa 'yo, sa oras na magising ka ay hindi na ako mawawala sa tabi mo. Aalagaan kita at mamahalin ng sobra-sobra. Ipaglalaban kita't hindi kailanman ikahihiya." "Sir, the doctor is here," bungad ni Walter pagkapasok nito. Napatayo naman siya nang makita niya ang doktor na siyang tumitingin kay Adalius. "How was he?" "After how many tests we did, we found out that the patient is now out of danger. Luckily there's no blood clot in his head. But his right arm and leg was severely affected due to strong impact." May umusbong na takot sa kaniyang dibdib kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata sa narinig. "Y-you mean, he can no longer walk f-forever?" Umiling ang doktor. "He will not be paralyzed as long as he undergoes occupational therapy." Doon ay tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. "When is he going to wake up?" agarang tanong niya. "He'll wakes up the day after tomorrow when the medicine that we gave him is totally ineffective." Bumuntong hininga siya. "That's good to hear." The doctor nodded. "Don't worry, I'm Meier's family doctor so I assure you that me and my team will keep eyeing on him from time to time." "Thank you, Doctor Smith," aniya bago ito tuluyang lumabas ng silid. Ibinalik naman niya ang tingin kay Adalius nang biglang pumasok si Walter kasama ang isang binata at medyo may edad na lalaki. "Secretary, Millares, I'd like you to meet the Old Master, Mr. Grey and Master, Colton. The closests cousin of Sir Adalius." pagpapakilala ni Walter sa mga kasamahan nito. Agad naman siyang nakipagkamay sa mga ito bilang paggalang kahit sa kabila niyon ay doble ang kabang nararamdaman niya. "H-hi, I'm Perry Millares." Trumiple ang kabog ng dibdib niya nang pagmasdan lamang siya ng matanda. "So, you're the one who made my son like this, huh?" Nanigas siya sa narinig. Hindi niya inaasahan ang mga salitang iyon. Kilala siya ng ginoo? Bakit? Paano? "Ahm—" akmang magsasalita siya ng bigla nalang nagsalita ang kasama nitong binata na siyang nakipagkamay sa kaniya. "Hi! I'm Colton, Adalius closest cousin. It's so nice to finally meet you," nakangiting bati nito. Napalunok siya. Tila may kung anong itim na awra ang bumabalot sa kabuuan ng silid dahil nakakatakot ang ibinibigay na tingin sa kaniya ng ginoo habang ang ngiti naman ng binata ay tila may ibang ibig sabihin. Animoy kakainin siya ng mga ito ng buhay. "You may now leave, Walter," utos ng ginoo na agad namang sinunod ng huli kung saan sa mga oras na iyon ay tila gusto na lang din niyang sumama rito palabas ng silid na iyon. Umupo ang matanda sa upuang nasa tabi ng kama ni Adalius saka humalukipkip at dumikwatro. "My son talks a lot about you. Since you left him, your name always comes out of his mouth. You left him because you thought his just playing with your feelings? That he makes you his rebound? Then why are you here? Feeling like his concern boyfriend?" Napayuko siya. Walang anumang salita ang lumabas sa bibig niya dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin siya sa mga nangyayari. Hindi niya akalain na ikukwento siya ni Adalius sa pamilya nito. Na alam ng mga ito ang tunay na kasarian ni Adalius. "I know I am at fault also, but it hurts me too. Knowing that our relationship has no label. I love Adalius but Enrique is the man he first loved and I have nothing against it, that's why I set him free." "But he told you already that you're the one he truly loves," giit pa ng ginoo. "Yes! And I regret that, especially when I proved that not everything Enrique told me was true," paliwanag niya. Napansin niyang kumunot ang noo ng ginoo. "What do you mean?" "I saw Enrique last night with my own two eyes with his new lover." Ngumisi ang matanda. "So, the manipulator finally shows his true color." Nabaling ang tingin niya rito kasabay ng pagkunot ng kaniyang noo. "Enrique only wants money and power from my son. He just uses my son's weaknessess to get what he wants. Adalius just get along with him because Enrique can fulfill his needs not because he love him so much. Nanatiling tikom ang kaniyang bibig sa kaniyang nalaman. Hindi niya akalain na ganoon pala ang totokng kulay ni Enrique. Na didikit na lang kung kani-kanino. Hanggat may mapapala siya ay dumidikit ito. "And I hope, you're different from that bastard," anito nang hindi inaalis ang mga titig sa kaniya. "I don't need power and money. All I want is someone who can accept all my flaws, my status in life and my heart wholeheartedly," taas noong sabi niya. Aanhin naman niya ang kapangyarihan at pera kung wala namang nagmamahal at nagpapaligaya sa kaniya? Ngumiti ang ginoo habang lumalapit sa kaniya saka tinapik-tapik ang balikat niya. "Of course, you're an exception. My son wouldn't be like this if he's not into you." Ngumiti siya rito. "If he love someone, he will give all his time, love and effort. He will do everything just to make his love happy and contented. And he will sacrifice even his life for the sake of his love. That's why your lucky to have him. Don't leave him and you should take care of him, okay?" Tumango siya. "Adalius is very important to me because I don't want to lose him again." Kumunot ang noo niya sa isiniwalat nito. "W-what do you mean by that, Sir?" "Her Filipina mother was an OFW. I fall in love with her because of his dedication and love for her family. We keep our relationship to my parents because they want someone else for me. They fired her when they found out that I got her pregnant with Adalius. I wanted to go back with her in the Philippines, but he refused. She decided to broke up with me instead. I wanted to stop her that time but my parents threatened me if I insist on what I want they will both suffer, so I let them go," mahabang kwento nito kung saan halata ang pangungulila sa mukha nito. "Then what happened to them when they returned to the Philippines?" "She cuts our communication," malungkot na pahayag nito. "When Adalius' stepmother and I got married we found out that she couldn't get pregnant because of her complications in the uterus. We needed an heir so my parents let me find Adalius. But it's to late because her mother died after he gave birth to Adalius, that's why it's really hard for us to find him," anito sabay tingin sa nahihimbing pa rin na anak. "Then, where did you find him?" "When we found out that he was adopted by a Filipino couple, we started to follow him. I gave him a scholarship to study abroad, in Harvard. And when he graduated, I told him the truth when his adopted parents died due to accident." Kung ganoon ay napakaswerte pala nito. Ipinanganak itong may gintong kutsara na sa bibig kahit na hindi niya ito nakasama sa paglaki nito. Mapalad ito dahil mahal ito ng kaniyang ama. Samantalang siya, may ama nga siya, hindi naman niya naramdaman na nagpakaama ito sa kaniya. "I'm sorry if I'm the one who told you about his past." "It's okay, Sir! Because of what you said, I got to know him even better," aniya na kinangiti nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD