NAGISING si Perry sa mahimbing niyang pagkakatulog nang maramdaman niyang may humuhimas sa kaniyang buhok. Pupungas-pungas na bumangon siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama. Nanlaki lang ang kaniyang mga mata nang mapagtanto niyang nakaupo na si Adalius sa kama nito habang nakahilig ang likod sa headboard ng hospital bed at taimtim na nakatitig sa kaniya.
"G-gising ka na?" hindi makapaniwalang sambit niya. Sa wakas, matapos ang mahigit isang linggo ay nagising na rin ito.
Ngumiti naman ito at akmang yayakap sa kaniya nang bigla itong dumaing.
"Hey! Just sit back and relax. Hindi pa tuluyang gumagaling ang mga sugat mo." Saka niya ito inalalayan muli sa paghilig sa head board.
Hinawakan nito ang kanang kamay niya saka ngumiti. "I just want to hug you, to make sure that I'm not hallucinating."
Hinawakan din niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya gamit ang kaliwa niyang kamay. "You're not hallucinating nor dreaming, Ada. I'm here. I'm here to take good care of you, for good."
Mas lalong lumawak ang ngiti nito sa sinabi niya. "I was about to go to—"
"Shhh. . . I know. I know. And I'm sorry for not trusting and listening to you before. Kung hindi lang sana ako nagbingi-bingihan ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito, lalo na sa 'yo."
"Kasalanan ko rin. Hindi ko kasi kaagad sinabi sa 'yo noon ang tunay kong nararamdaman. Gusto ko kasing maayos muna ang sa amin ni Enrique bago ko tuluyang ibaling sayo ang atensyon at tunay kong nararamdaman," paliwanag nito.
Pinisil-pisil nito ang kamay niya. "Iyong araw ng birthday mo. Hindi ba't tinanong mo ako kung nai-inlove na ba ako sa 'yo? Sasabihin ko na dapat ang tunay kong nararamdaman sa 'yon no'on kaya lang bigla namang dumating si Enrique."
Napatango-tango siya. "Iyon din iyong pangalawang beses na nasaktan ako. Akala ko kasi umasa na naman ako sa wala matapos iyong nangyari sa atin noon sa barko."
"Can we start all over again?" tanong nito.
Ngumiti siya at tumango.
"Thank you! I'll promise you that I'll treasure you this time."
"Me too. I'll promise that if one day, you hurt me by accident, I will listen to all your explanation first instead of leaving you silently."
"I love you, baby!" anito na kinapula niya.
"Tsk! I'm not a baby anymore."
Natawa naman ito. "I know! But I want to baby you."
"Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan sa 'yo dahil sa sitwasyon mo ngayon?" tukoy niya sa cast nito sa paa.
"I'm not talking about my situation. I want 'Baby' to become our official endearment."
"Is it necessary?"
"Of course! Because that's the only way I can say that you are mine. That I am the only one who owns you."
"Why so possessive? Hindi naman ako magpapaagaw sa iba."
"Sinabi mo yan, huh?"
Tumango siya. "Oo naman!" Sabay kindat niya rito.
Kinurot naman nito ang pisngi niya. "You're cute!"
"Ouch!" angil niya kunwari saka sila nagtawanan na dalawa.
"Meron nga pala akong gustong itanong sa 'yo," aniya nang maalala niya ang kinuwento ng ama nito sa kaniya.
"Go on."
"Your Dad told me about you being adopted by Filipino couple. He said, he secretly gave you a scholar to study abroad. And I'm thinking if you kow my Uncle? He also study in Harvard." Nakita niyang natigilan ito sa naging tanong. May kung anong gumuhit na takot sa mukha nito.
"May problema ba? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya.
"W-wala naman. Ano na nga ulit ang tanong mo?"
"Kung kilala mo ba ang si Julius Oroceo?" tukoy niya sa kaniyang tiyuhin.
"What is your uncle's course in Harvard back then?"
"Mom said, he studied Marketing Management."
Tumango-tango siya. "What old is he now?"
"Sa palagay ko kaedaran mo lang siya."
Tumang-tango ito. "Why did you suddenly ask me about him?"
"Wala naman. Naisip ko lang na baka kilala mo siya. Matagal ko na kasi siyang gusto makita at personal na pasalamatan."
"Ano? Kilala mo ba siya?" tanong ulit ni Perry nang biglang tumahimik si Adalius.
"Hindi. Hindi ko siya kilala. Baka mas ahead ako o siya kaya hindi ko siya kilala. Kung may litrato ka siguro niya baka makilala ko siya sa mukha."
"Ano nga pala ang sabi ng doktor? Kailan daw ako makakalabas dito?" pag-iiba nito ng usapan.
"Ang sabi ng doktor makakalabas ka na bukas. Kaya nga lang, kailangan mong mag-wheel chair para pahilumin ang mga sugat. At kapag naghilom na, saka ka naman dadaan sa theraphy para makalakad ka ulit ng maayos," malungkot na nakayukong sabi niya.
Hinawakan naman ni Adalius ang baba niya para iangat iyon. "What's wrong?" tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"H-hindi ko kasi maalis sa isip ko na ako ang dahilan ng nangyari sa 'yo."
"Ano ka ba? Nasa inpluwensiya ako ng alak noong gabing mangyari ito sa akin kaya wala kang kasalanan. At saka, alam ko namang aalalayan mo ako hanggang sa makalakad ako ulit."
"Ibig mo bang sabihin, gusto mo na bumalik ako sa condo mo?"
Mabilis naman itong tumango. "Syempre! Paano mo ako aalagaan kung nasa malayo ka?"
"Hindi ka ba nagsasawa sa akin?"
"Bakit naman ako magsasawa sa 'yo? E, ikaw nga ang pampalakas ko."
Napangiti siya. "Bolero!"
"I'm not joking!"
Napailing siya. "Oo na. Sige na, sige na."
Naputol ang kwentuhan nila nang biglang mag-ring ang cellphone niya.
"Sandali lang. I'll just take this call," paalam niya na tinanguan naman nito.
"Hoy, bakla! Ano na? Masyado mo naman yatang in-enjoy ang vacation leave mo! Hindi ba dapat nakabalik ka na ngayon?" bungad sa kaniya ni Beth.
Nang maospital kasi si Adalius ay agad siyang nagpaalam sa boss niya na magbakasyon muna na pinaunlakan naman nito. Ngayon dapat ang balik niya, kaya nga lang ngayon lang nagising si Adalius.
"N-nagkaroon lang kasi ng problema. Hayaan niyo, bukas makalawa ay papasok na ako."
"Dapat lang, ano! Tambak na kaya ang trabaho mo dito sabi ni Miss Ruffy," tukoy nito sa boss nila.
"Oo nga! Balik ka na kasi!" rinig niyang singit naman ni Sol.
Napatingin siya sa kaniyang relo. Lunch time na pala kaya magkasama na naman ang dalawa sa pangungulit sa kaniya.
Natawa siya. "Ang sabihin mo, namiss niyo lang ako ni Sol dahil wala ng nanlilibre sa inyo."
Natawa naman ang dalawa sa kabilang linya. "Ah, basta! Bumalik ka na para naman may kasama na kami ni Sol mag-night-out."
"Okay, okay! I will."
"Sige na, matatapos na ang lunch break namin. See you tomorrow!" paalam ng mga ito.
"Bye!" saka niya pinutol ang tawag.
Pagbalik niya ng kaniyang upuan na nasa tabi ng kama ni Adalius ay nakahalukipkip na ito at masama na ang tingin sa kaniya.
"Sino 'yong kausap mo at parang namiss niyo ang isa't isa kung nakangito ka diyan?"
"I'm just talking with my friends."
Pinanliitan siya nito ng mata. "Friends? Was it really a friend?"
"Are you jealous?"
"May dapat nga ba akong pagselosan?" Sabay baling nito ng tingin sa kabilang direksyon."
Bumuntong hininga siya saka iniabot ang phone niya rito. "Hmm. . Check my call logs for you to find out."
Umiling naman ito. "It's Sol and Beth. They are my friends in my new job. So you have nothing to be jealous of."
Tumingin naman ito sa kaniya. "Baka naman may gusto sa iyo ang mga iyan."
"They already know that I'm a homosexual," pag-amin niya.
"Good!" anito na biglang umaliwalas ang mukha.
"Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?"
Ngumiti ito ng nakakaloko. "You!"
"Ada!" suway niya na kinasimangot ulit nito.
"Oh! Problema mo na naman? Bakit bigla kang napanguso diyan?"
"How many times do I have to tell you that I want you to call me baby?" reklamo nito.
"Ayoko lang kasi na may makarinig sa atin. Baka mamaya biglang may pumasok na nurse o doktor."
"I don't care about them. All I care is you!"
Taas noong tumingin siya rito. "I will do that if our relationship become official."
Kumunot ang noo nito. "Huh? We're not in a relationship yet?"
"Hindi! Sino ba nagsabi sa 'yo na mag-boyfriend na tayo?"
"I thought—"
"Hindi ibig sabihin na sinabi ko sa iyo noon na mahal kita at sinabi mo na rin na mahal mo ako ay tayo na. Gusto ko rin naman sumagot ng YES kapag tinanong mo na ako ng 'Will you be my boyfriend?', 'no!"
Kumunot ang noo nito. Natawa tuloy siya sa isip-isip niya. Alam naman kasi niyang magulo talaga siya.
"Magiging first boyfriend kita kaya dapat lang na maranasan ko na maligawan, 'no!" paliwanag niya.
Napakamot ito sa ulo. "But I do not know how to do what they call courtship ritual," pag-amin nito.
Napabuntong hininga siya nang maalala niyang wala nga rin pa lang ligawan na nangyari sa pagitan nito at ni Enrique. Pero nanindigan siya sa kagustuhan niyang maligawan nito.
"Para saan pa ang 'Goggle' kung hindi mo naman gagamitin?"
"But, how will I do that if I'm like this?" tukoy ni Adalius sa sitwasyon nito.
"Then get well soon and hurry up! Ikaw din, baka maunahan ka ng iba," pananakot niya.
"Try me? Bago ka nila maagaw, dadaan muna sila sa akin!"
Natatawang napailing siya. "Ano na gusto mo kainin?" pag-iiba niya ng usapan.
"I said you!" ulit nito.
Nag-init ang mukha niya. "Could you please stop being pervert? Ganiyan ba dapat kapag nanliligaw? Paano kita sasagutin niyan kung ganiyan ka makipag-usap?"
"Why not? May nangyari na nga sa atin, 'di ba?" natatawang tanong nito.
Sumimangot siya. Naangkin na nga pala siya nito. Mukhang hindi talaga siya nito kakausapin ng maayos.
Tumayo siya at tumalikod dito. "Hey! Where are you going?"
"Mas mabuti pang umalis na lang ako kung hindi ka naman makakausap ng maayos." Maktol niya na agad namang binawi ni Adalius.
"Hey! I'm just kidding, okay? Don't be upset. I want lasagna." Palihim siyang natawa.
Iyon lang pala ang magpapatino rito. Para tuloy itong bata na kailangan pang utuin para lang sumunod sa ina.
Bumalik naman siya sa upuan niya saka nagpadeliver ng dalawang lasagna sa paborito nitong restaurant.
"SURPRISE!" litanya ni Adalius pagakuwi nila sa condo unit nito galing hospital.
"P-para sa akin, 'to?" takang tanong ni Perry nang pagpasok nila sa unit nito ay may nagkalat na balloons at flower petals sa sahig.
Dim lang din ang ilaw dahil sa mga scented candles na soyang nagbibigay lamang ng liwanag sa paligid.
Tumango si Adalius.
"H-hindi ba dapat welcome home celebration ito para sa 'yo?" takang tanong niya habang tulak-tulak ang wheel chair nito.
"Gusto ko lang bumawi sa 'yo noong birthday mo. Hindi ko kasi alam na birthday mo pala no'ng gabing nag-aya kang lumabas tayo."
"Pero hindi mo naman kailangang gawin ito."
"But I want to."
Niyakap niya ito sa leeg mula sa likod nito saka binulungan. "Thank you!"
"Hug only? What about my kiss?"
"Why you're so demanding, huh?"
Natawa ito saka pinagulong mag-isa ang wheel chair nito para makuha ang isnag bungkos ng bulaklak sa lamesa para sa kaniya.
"For you!"
"T-thanks!" namumulang sabi niya.
Ang saya lang sa feeling na may taong nagbibigay sa 'yo ng bulaklak.
"Are you starting the courtship ritual?" tanong niya dahilan para mapakamot ito sa ulo nito.
"Kind a . . ."
He smiled because he's trying his best to court him.
"N-nagustuhan mo ba?" tanong nito.
Tumango naman siya.
"Come here," aya nito kaya naman umupo siya sa harap ng wheel chair nito.
Nagulat na lang siya nang bigla itong kumanta ng Rewrite na stars. Hindi niya akalain na magaling pala itong kumanta. At bawat lyrics na binibitawan nito ay tagos sa puso noya kaya naman hindi niya mapigilan na mangilid ang kaniyang mga luha. Sa sobrang galak ay niyakap niya ulit ito.
"T-thank you, Ada! Thank you for making me happy and special."
Hiniman naman nito ang likod niya gamit ang isa nitong kamay na walang cast. "Don't mention it because to make you mine is my goal."
Dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan ay hindi niya naiwasan na bigyan ito ng isang maalab na halik.
"Argh! I hate this cast!" angil nito matapos putulin ni Perry ang halik.
"Why?" kunot-noong tanong niya.
"Kung wala lang ang mga ito, I will make love to you, baby."
Natawa siya. "Kahit kailang talaga napakahilig mo!"
"Sa 'yo lang naman," nakangusong sabi nito.
"Para kang bata," asar niya pa.
"CAREFUL," akay ni Perry kay Adalius.
Dinala na kasi niya ito sa kwarto at inalalayan niya itong maupo sa kama nito.
"Do you really have to go back to work tomorrow?" tanong nito pagkaupo niya sa tabi nito.
Tumango siya. "Hihintayin ko muna ang private nurse mo bago ako aalis bukas."
"Quit your job and be my secretary again," demand nito na kinagulat niya.
"Bakit? Wala ka bang nakuhang kapalit ko?"
Umiling-iling ito. "Si Walter ang naging katuwang ko no'ng umalis ka. Ayaw kasi kitang palitan."
Kumabog ang puso niya sa huling sinabi nito. Para kasing dalawa ang ibig nitong sabihin. Na bukod sa ayaw siya nitong palitan sa trabaho ay ayaw din nitong palitan siya sa puso nito.
Tinignan niya ito. Hindi niya akalain na oras-oras ay kayang patibukin ni Adalius ang kaniyang puso.
Kinalma niya ang sarili. "Ibig mong sabihin, hindi mo pinirmahan ang resignation later ko?"
"Nope!"
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin?"
"Bakit naman ako magsasawa sa 'yo?" balik tanong nito sa kaniya.
"Mas mabuti nang magkalayo tayo para mamiss din natin ang bawat isa. At saka para na rin nasusubok natin ang tiwala natin sa isa't isa.
Inibilig nito ang ulo sa balikat niya. "But I want you by my side all the time," paglalamabing nito.
Gusto rin naman niyang nasa tabi lang niya ito lalo na sa kalagayn nito.
"Okay! Titignan ko kung ano magagawa ko.
Tinanggal nito ang pagkakahilig sa balikat niya. "Really?"
Tumango siya. "I also wanted to be by your side all the time," pag-amin niya.
Ngumiti naman ito saka inabot ang kaniyang mga labi. Hinalikan siya nito ng ubod ng tamis na agad din niyang sinuklian.