LUMIPAS ang tatlong taon ay naging mas matibay ang samahan nina Adalius at Perry, maging sa kanilang pamilya. At ngayong ikatlong anibersaryo nila, naisipan ni Adalius na sa cruise ship iyon ipagdiwang kung saan nakahimpil ngayon sa kalagitnaan ng karagatan ng Germany ang barkong sinasakyan nila.
"Kailangan ba talagang dito pa tayo magcelebrate?" tanong niya nang ayain siya nito sa top deck.
Kitang-kita nila ngayon ang nag-gagandahang mga ilaw sa syudad ng Hamburg. Maliwanag din ang bilog na bilog na buwan at mga bituin sa langit na siyang nagbibigay kislap sa tubig. Malamig at sariwa din ang simoy ng hangin.
"Don't you like it?" tanong nito pabalik saka siya niyakap mula sa likod niya.
"Hindi naman sa ganoon pero pwede namang sa yate na lang natin ipagdiwang ang anniversary natin tutal tayo, ang kapitan at ilang servants lang naman ang kasama natin. Gumastos ka pa tuloy ng malaki."
"I don't care about the expenses. Gusto ko lang balikan iyong gabi kung saan tayo unang nagkakilala, bulong nito sa taenga niya na naghatid sa kaniya ng kakaibang init.
Inihilig niya ang kaniyang ulo sa dibdib nito. "But this is too much, baby."
"There's no too much when it comes to you, baby. I just want this night to become romantic and memorable for the both of us."
Hinimas niya ang braso nitong nakayakap sa kaniya. "Bakit ba puno ka na lang palagi ng surpresa?"
"Gusto ko kasi ipakita sa 'yo at iparamdam kung gaano kita kamahal at kaimportante sa akin."
"Talaga ba? Hindi ka ba nagsasawa?"
"Bakit naman ako magsasawa sa 'yo?" balik tanong nito.
"Baka kasi masanay ako at hanap-hanapin ko kapag nagsawa ka na sa akin."
"Sino nagsabi na magsasawa ako sa 'yo, huh?"
"Malay natin. Hindi rin naman natin masabi."
"Well, ako na ang nagsasabi sa 'yo, hinding-hindi ako magsasawa sa 'yo kahit na pumuti na ang buhok mo at kumulubot pa ang balat mo , hindi magbabago pag-ibig ko sa 'yo— ouch!" angil nito nang bigla niya itong kinurot.
"What was that for?"
"Masyado na kasing matatamis ang sinasabi mo. Mamaya niyan bumula na ang bibig mo."
"Bakit ba hindi mo sineseryoso mga sinasabi ko, huh?"
"Hindi naman sa hindi sineseryoso. Masyado ka na kasing nagiging cheesy."
"Ayaw mo ba?"
Umiling siya. "Hindi naman sa ganon. Huwag mo lang araw-arawin. Hayaan mo naman na mamiss kita minsan."
"Bakit nagsasawa ka na ba sa kagwapuhan ko?"
"Oo!" biro niya na kinasimangit nito.
Hinalikan niya ito sa pisngi. "Biro lang."
"Is that your way to say sorry?" tanong nito kapagkuwan na kinatango naman niya.
"But that's not the way how to say sorry with your boyfriend."
"Then how?"
"It should be like this!" Saka nito sinakop ang labi niya.
"Hmmp!" ungol niya nang tugunin niya ang makapigil hiningang halik nito.
"Ano na ngayon ang gagawin natin?" tanong niya nang putulin nito ang halik at pinagdikit ang kanilang mga noo.
"Marami! Gusto mo ituloy natin 'to sa cabin?" mabilis na sabi nito na kinapula't init ng mukha niya.
Hinampas naman niya ang braso nito. "Kahit kailan talaga napakahilig mo!"
"Sa 'yo lang naman ako ganito. When was the last time we did it, again?"
"Ang bilis mo namang nakalimot! Kagabi lang 'yon, oy!"
Natawa ito. "Nakalimutan ko na. Ipaalala mo naman sa akin," hirit pa nito.
Mabilis naman inalis ni Perry ang mga brasong nakahawak sa bewang nito saka ito dinuro. "Alam mo ikaw, kung kailan tumatanda ka na saka ka naman nagiging isip bata!"
"Ah ganoon? Isip-bata pala, huh?"
"Hoy! Teka!" aniya saka nagsimulang tumakbo palayo rito.
Para tuloy silang dalawa ang naging isip-bata dahil naghabulan sila nang naghabulan sa top deck.
"GRABE, napagod ako!" ani Perry nang matapos silang maghabulan.
Sinalinan pa ni Adalius ang baso niya ng malanig na tubig. "Uminom ka pa. Mayamaya nandito na ang dinner natin." At dumating nga ang kanilang pagkain.
"Hindi ka ba nagugutom? Hindi ka mabubusog niyan kung tititigan mo lang ang mga pagkain," anito na lalong nagpangiti kay Perry.
Tila bumalik nga siya sa gabing nagkakilala sila ni Adalius. Ang gabing naging simula ng lahat. Ang gabing minarkahan siya nito.
"Hey! Why are you smiling like that? You're scarying me," anito habang pinagsasandok siya ng mga pagkain.
"These are exactly the foods I took before that I accidentally threw at you when I stumbled on my own feet causing me to get your clothes dirty. And that's what you told me before when you invited me to eat with you."
Natawa ito saka hinawakan ang kamay niya ibabaw ng table. "Ito ang palagi mong tatandaan, mula ngayon, kahit wala kang amnesia, taon-taon kong ipapaalala sa 'yo kung paano pinagkrus ng tadhana ang ating mga landas. Para hindi mo ako makalimutan hanggang sa pagtanda natin," madamdaming sabi nito.
Namuo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata dahil sa nakakaantig nitong mensahe.
"Hey! Why are you crying? We're here to celebrate."
Pinunasan niya ang tumakas na luha sa kaniyang mga mata. "Naisip ko lang, deserve ba kita?"
Kumunot ang noo ni Adalius. "Bakit bigla mo naman naitanong 'yan?"
"P-palagi ka na lang kasi nag-eeffort para sa ating dalawa. Pakiramdam ko wala na akong ginagawa para mapasaya ka," aniya sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.
"Baby, don't say that. You don't need to make efforts because I'm willing to that for you. Your hugs, kissess and presence is enough for me. It already makes me happy."
"Thank you for loving me, baby, despite of my flaws."
Tumayo ito para lumapit sa kaniya. "I love all your imperfections. I should tell you this later after we eat, but since you have become emotional, lulubusin ko na."
"Can you close your eyes?"
"Why?"
"Basta sumunod ka na lang."
"O-okay." Saka niya ipinikit ang kaniyang mga mata.
Kasunod niyon ay ang pagpiring nito sa kaniyang mga mata.
"Hey! Bakit may ganito pa?"
"Para siguradog hindi ka maninilip," wika nito saka siya inalalayang tumayo sa upuan niya.
"Saan mo ba ako dadalhin?"
"Sa lugar kung saan hindi mo pa nakikita." Hindi tuloy niya maiwasang masabik.
Knowing him, hevs full of suprises.
Hanggang sa huminto na sila sa kanilang paroroonan.
"I will remove the blindfold but don't open your eyes yet until I say so," he instructed that he quickly nodded.
He finally removed his blindfold.
"You can now open your eyes."
"Wow!" tanging sambit niya nang makita niyang nasa ilalim sila ng karagatan at kitang-kita niya ang mga isda mula sa grupo ng maliliit at malalaking uri.
"N-nasa ship pa rin ba tayo?" Tumango ito.
"P-paano nangyari 'yon?" muling tanong niya habang nakatingin lang sa big whale na nasa harapan nila mismo.
"Where here in the cruise ship aquarium. At pinasadiya ko talaga ang barkong ito para sa 'yo."
"P-para sa akin?"
Tumango ito. "Gusto ko kasi na bukod sa ako ang mundo mo ay gusto ko rin na makita mo ang mundo dito sa ilalim ng karagatan.l
Namula siya sa sinabi nito kaya para itago ang pamumula ng kaniyang mukha ay niyakap niya ito. "Thank you!"
Sinuklian naman nito ang kaniyang yakap. "You're welcome, baby."
"Grabe, hindi ako makapaniwala na mayroong ganito sa cruise ship," manghang litanya niya matapos niyang putulin ang yakapan nila.
Hindi naman maialis ni Adalius ang tingin sa nobyo na halatang nagustuhan ang surpresa niya. Ngunit hindi pa iyon doon nagtatapos.
"Baby," agaw atensyon niya rito.
Nilingon naman siya nito at nanlaki na lang ang mga mata ni Perry nang biglang lumuhod si Adalius sa harap niya saka may hinugot sa likod ng bulsa nito. Isang kulay asul na kahita na naglalaman ng white gold ring na may nakabaon na maliit na bato sa gitna niyon.
"Baby, there are many ways to be happy in this life, but all I really need is you. I can't imagine growing old with anyone else. And I wanted all the creatures here under the water to witness that you're the only one I want to share the rest of my life with. Perry Millares, I'm here in front of you, kneeling and asking you, will you marry me?" maluha-luhang propose nito dahilan para pati siya ay mapaluha.
Hindi niya akalain na ang lalaking nakaluhod ngayon sa kaniyang harapan ay handang ialay ang buong buhay nito na kasama siya. Na handa siyang pagsilbihan hanggang sa pagtanda nila.
And who is he to reject that kind of romantic proposal?
Pinunasan niya ang kaniyang mga luha. "I will! I will m-marry you. I want to spend the rest of my life also with you," naluluhang sabi niya sa sayang nararamdaman.
Katulad niya ay pinunasan muna ni Adalius ang luha nito saka tumayo para maisuot sa kaniya ang singsing.
"Thank you for making me the happiest man on earth. I love you!"
"I love you too, baby," sagot niya saka sinakop ang labi nito.
"PERRY! Gising na!" napukaw ang mahimbing na tulog ni Perry nang marinig ang boses na iyon.
"Perry, anak! Gising na! Hindi ka pwedeng mahuli. Naghihintay na silang lahat!" Napabalikwas siya nang mahimigan ang boses ng ina.
Buong akala niya kasi ay naririnig lang niya sa panaginip ang boses nito pero talaga pa lang kasama niya ito.
"Ma! A-ano pong ginagawa niyo rito?"
"At bakit? Wala na ba akong karapatan na pumunta rito?"
"Hindi naman po sa ganoon. Nasaan si Ada? At saka, kailan kayo dumating?" naguguluhang tanong niya.
Sa pagkakaalam kasi niya tabi silang natulog kagabi ni Adalius at sila-sila lang ng kapitan at ilang servants ang tao sa cruise ship.
"Bago ka pa dumating dito sa barko nandito na kami."
Nagulat siya sa sinabi nito. "Kami? Ibig sabihin hindi lang kami ni Ada ang nandirito sa barko kagabi pa?" Tumango-tango ang kaniyang ina.
Ano bang meron? Bakit wala siyang kaalam-alam sa mga nagyayari?
"Bakit hindi ko man lang napansin o naramdaman na nandito pala kayo kahapon pa?"
"Paano mo mapapansin at mararamdaman, e, naka-focus lang kay Adalius ang buong atensyon mo." Namula siya sa sinabi nito.
Muli siyang humiga. "Bumangon ka na diyan nang makaligo ka na. Kanina pa sila naghihintay," utos nito habang iniaayos na ang higaan niya.
Napaupo siya. "Naghihintay? Sino?"
"Haist! Huwag ng maraming tanong! Tumayo ka na riyan at maligo!" dagdag pa nito habang hinihila na siya patayo ng kama saka itinulak papunta sa banyo.
Wala naman siyang nagawa kundi ang sundin ito. Matapos maligo ay nakita niya ang kulay puting three piece suit na maayos na nakapatong sa kama.
"Ma? Ano po ba talagang nangyayari? A-ako ba ang magsusuot niyan?" nagugulahang tanong niya pa rin.
"Alangan naman ako, anak?" pamimilosopo nito sa kaniya.
Napailing siya. Kahit kailan talaga kung ano ang puno siya rin ang bunga.
"May gaganapin bang okasyon dito sa barko?" tanong niya ulit.
"Yup! Kaya huwag ka ng maraming tanong! Bilis!"
"Nasaan si Ada?" tanong niya ulit. Hindi kasi iyon nasagot ng kaniyang ina kanina.
"Naroroon na siya sa top deck." Bigla siyang na-excite.
"Okay!" saka siya mabilis na nagbihis. Tinulungan naman siya ng kaniyang ina sa pag-aayos ng kurbata niya.
"Ayan! Ang gwapo-gwapo talaga ng anak ko," komento ng kaniyang ina matapos ayusin ang bulaklak sa bulsa ng coat nito na nasa tapat ng puso nito sabay pisil sa magkabila niyang pisngi.
"Hindi ba masyadong pormal itong suot ko? Pwede naman akong mag-polo shirt at summer short na lang," reklamo pa niya.
"No! This is a big event and a very special day kaya dapat ganiyan ang ayos mo," paliwanag nito.
Kaya pala maganda rin ang ayos ng kaniyang ina.
"Oh, bakit ganiyan ka makangiti at makatingin sa akin?" takang tanong nito.
Ngumiti siya. "Ngayon lang kasi kita nakitang nakaayos ng ganiyan, Ma."
Umikot ito sa harapan niya. "Maganda ba si Mama?"
Tumango siya. "Magandang-maganda."
"Sayang nga lang at wala rito ang papa mo kaya kailangan mo akong kuhanan ng litrato mamaya para maipakita ko sa kaniya sa sunod na bisita natin sa kaniya," maligalig na sabi nito.
Nangingiting napailing na lang siya. "Ano pa nga bang magagawa ko?"
"Halika na!" aya nito kaya sumunod na lang siya.
Pag-akyat niya ng top deck ay tila huminto ang oras at ang ikot ng mundo sa hindi inaasahang ganap.