UNBEARABLE THIRTY-NINE

2016 Words
"P-PASENSIYA na kung pinag-alala ko kayong lahat," hinging paumanhin ni Perry sa mga kasama niya sa loob ng kaniyang hospital room. Nagpaulit-ulit kasi sa isip niya ang sinabi ng kaniyang ama noon sa barko. Para iyong sirang plaka na paulit-ulit na nagrereplay sa utak niya. "G-gawin mo na ang gusto mong gawin sa kaniya." "G-gawin mo na ang gusto mong gawin sa kaniya." "G-gawin mo na ang gusto mong gawin sa kaniya." Kahit naman sino sigurong anak ang ipagkaluno ng sariling ama ay masasaktan at masasaktan. Pero nang hawakan ng kaniyang ama ang kaniyang kamay at marinig ang paghingi nito ng tawad ay tila nagising siya sa mahabang pagkakahimbing. Nakita at nakausap niya ang kaniyang ama sa madilim na lugar na iyon na siyang nagbigay din ng liwanag sa kaniya. Tinignan niya ang ama na kanina pa tahimik. "'Pa? S-sorry sa mga nasabi ko sa 'yo sa barko. Basta na lang kita hinusgahan ng hindi man lang inaalam muna ang katotohanan. Masyadong nabalot ng pagkamunghi ang puso ko. Lumaki akong si Mama lang ang kasama." "Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin, anak dahil naiintindihan ko ang pinaghuhugutan mo ng galit. Ako ang may pagkukulang. Kaya sana mapatawad mo ako," anito saka tumingin sa kaniyang ina. "Kayo ng Mama mo." Ngumiti siya. "P-papatawarin ko lang po kayo kung mangangako kayong hinding-hindi mo na kami iiwan ni Papa." Niyakap siya nito. "Salamat, anak. Maraming-maraming salamat. Pangako, hindi ko na kayo iiwan. Babawi ako sa inyo, anak." "Mr. Millares, tapos na ho ang ibinigay naming oras sa inyo," singit naman ng pulis. Namuo ang luha sa kaniyang mga mata. "Kapag nakalabas na po ako rito. Dadalawin po namin kayo ni Mama." Humihikbing tumango ito saka muling yumakap sa kaniya at sa kaniyang ina. Ang bagay na matagal na niyang gustong makita. Ang muling mabuo sila. "Magpagaling ka at palagi kang mag-iingat, kayo ng Mama mo. Mahal na mahal ko kayo." Tumango siya saka ito tuluyang inakay palabas ng mga pulis. Napatingin naman siya kay Adalius na mabilis na nag-iwas ng tingin. "Ahm. . . L-lalabas lang ako sandali. Ibibili lang ako ng makakain natin." "Sige, mag-iingat ka," sang-ayon naman ng kaniyang ina. Nang makalabas si Adalius ay saka siya tinignan ng ina. "Galit ka pa rin ba sa kaniya?" tanong nito. Hindi siya umimik. Hindi kasi niya alam kung ano nga ba ang isasagot niya rito. Naramdaman niyang hinawakan ng ina ang kaniyang kamay. "Anak, katulad ng iyong ama ay iniligtas din ni Adalius ang buhay mo. Nang malaman niya ang nangyari sayo ay hindi siya nagdalawang isip na bumalik kaagad dito sa bansa. Ginamit niya lahat ng koneksyon niya mailigtas ka lang kahit na alam niyang delikado din para sa kaniya. Hindi na niya inisip kong mapapahamak o makikilala ba siya ng mga tao. Ganoon ka niya kamahal, anak." "Bakit po napakadali lang sa inyo na patawarin siya?" takang tanong niya. "Dahil mas matimbang ito." Saka nito itinuro ang puso niya. "Kapag mahal mo ang isang tao dapat binibigyan mo siya ng pagkakataon para ipaliwanag ang sarili niya. Katulad ng ginawa mo sa papa mo, mabilis mo siyang napatawad kasi hinayaan mo siyang magpaliwanag kaya nalinawan ka. Huwag ka sanang maging unfair sa kaniya, anak." Napayuko siya. Pero agad din niyang pinunasan ang kaniyang mga luha nang magbukas-sara ang pinto. Nakabalik na si Adalius. "Juls, ikaw na muna ang magpakain kay Perry. Mamaya na lang ako kakain, pupunta lang muna ako sa billing station para alamin ang bayarin natin," sabi ng kaniyang ina na alam niyang dumadahilan lang para bigyan sila ng pagkakataon ni Adalius na makapag-usap. Pinakain naman siya nito ngunit wala ni isa sa kanila ang kumikibo. Nang matapos siya ay napansin niyang tumalikod si Adalius at hindi nakaligtas sa paningin niya ang panginginig ng mga balikat nito. He's crying. At dahil nakonsensiya't naawa siya ay niyakap niya ito mula sa likod dahilan para matuod ito at matigil sa pag-iyak. "B-bakit ka bumangon? Baka mapano ka," anito sa pagitan ng mga hikbi. "Don't worry I'm fine now." Hianarap siya nito. "W-why are you staring at me like that?" aniya ng mapansin niyang titig na titig lang ito sa kaniya habang hawak siya sa magkabila niyang balikat. Umiling ito pero halatang pinipigilan lang nito ang mga luha. Kaya naman hinawakan niya ang magkabilang braso nito. "Hey! What's wrong?" "A-akala ko kasi hindi mo na ako kakausapin. A-akala ko tuluyan ka ng nawalan ng pakialam sa akin." Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ito. "A-alam mo bang sobra akong natakot na baka tuluyan ka ng nawala sa akin. K-kung hindi sana ako umalis, h-hindi mo sana mararanasan ang ganoong karahasan. I'm sorry! I'm so sorry! Sorry for not being a good boyfriend to you," sumamo nito. Namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Ngayon na lang niya ito ulit nakita sa ganoong tagpo. Huling kita niya sa ganoong itsura nito noong iwan niya ito. Noong panahon na akala niya ginawa lang siyang rebound nito. "S-sorry sa lahat ng nagawa ko. P-pinapangako ko na wala na akong itatago sa 'yo. Magiging tapat at mabuting nobyo na ako. T-tayo pa rin naman, hindi ba? M-mahal mo pa rin naman ako, 'di ba?" sunud-sunod na tanong nito. Tipid siyang ngumiti. Masyado na niyang pinag-alala ang nobyo. Alam niyang pareho silang nasaktan kaya hindi na niya tataasan pa ang kaniyang pride. "W-wala namang nagbago. Sadyang matigas lang ang ulo ko. Sorry din kung hindi ko natupad iyong pangako ko sayo na kung masasaktan mo man ako ulit ng hindi natin inaasahan, ay makikinig ako sa 'yo. Na hindi ako tatakbo nang hindi ka pinapakinggan. Nangibabaw lang talaga sa akin noon ang palaisipan na ikaw iyong uncle ko na matagal ko ng gusto makita at makilala upang mapasalamatan sa lahat ng mga ginawa mo para sa amin ni Mama. Na mas inuna ko pa iyong sasabibin ng iba kaysa sa sinasabi ng puso ko." Hinigpitan nito ang kapit sa kamay niya saka binigyang halik. "Mahal na mahal kita, baby. Palagi mong tatandaan iyan." Niyakap naman niya ito ng mahigpit. "Mahal na mahal din kita, baby." Matapos ang kanilang yakapan ay hinawakan ni Adalius ang kaliwang pisngi niya saka unti-unting inilapit ang mga labi nito sa kaniyang mga labi. Pinagsaluhan nila ang halik na matagal nilang namiss sa isa't isa. MAKALIPAS ang isang taon ay lalong tumibay ang pagsasama nila ni Adalius. Naging maayos na rin ang relasyon ng kaniyang mga magulang kaya naman naisipan nilang dalawin ang kaniyang ama upang ipagdiwang ang kaarawan nito sa kulungan. Espesyal ito para sa kaniya dahil ito ang unang kaarawan ng ama niya na makakasama nila ito. Isa din sa ipagdiriwang nila ay ang pagbaba ng sintensiya nito dahil sa magandang ipinakita nito sa loob ng kulungan sa nakalipas na mga buwan. Nakatulong din sa pagbaba ng kaniyang sintensiya ang pagturo niya sa kuta ng iba pang mga sindikato na nakasalamuha niya noon. "Naihanda mo na ba ang paborito ng Papa mo?" tanong sa kaniya ng ina habang isinasalin sa malaking tupperware ang paboritong panghimagas ng asawa habang siya naman ay pinagluto ang ama ng paborito nitong adobo. Narinig naman nila ang tunog ng doorbell kaya mabilis niya iyong binuksan dahil alam niyang si Adalius na iyon. Inutusan kasi niya ito na bumili ng cake, confetti at ilang mga lobo. "Nabili mo ba lahat?" bungad niya rito matapos niya itong halikan sa pisngi at pagbukasan ng pinto. "Oo nasa sasakyan na lahat. Kayo? Ready na ba kayo?" tanong nito. "Oo patapos na rin kami ni Mama," sagot niya. Agad namang lumapit si Adalius sa kaniya para punasan ang pawis sa kaniyang noo. Nadarang kasi siya sa pagluluto ng adobo. "Thank you!" aniya sabay halik ulit sa pisngi nito. "Sige, aayusin ko lang ang sasakyan para mailagay natin ng maayos ang mga dadalhin pa nating mga pagkain." Tumango siya saka ipinagpatuloy ang pagsasalin ng adobo sa isa pang tupperware. Natutuwa siya dahil may pagkukusa ang kaniyang nobyo. Hindi ito umasa kay Walter. Sinikap nito na ito mismo ang bibili at mag-aasikaso ng lahat ng mga kakailanganin nila. Para lang itong ordinaryong tao hindi katulad kapag nasa Hamburg ito. "The car is ready!" anunsiyo ni Adalius nang makabalik ito sa loob. "Mauna na kayo sa sasakyan. Magbibihis lang ako," aniya saka dali-daling umakyat sa kaniyang kwarto para maligo. Kasalukuyan na siyang naliligo nang maramdaman niyang nay yumakap sa kaniya sa likod niya "Baby! W-what are you doing here?l takang tanong niya. "Napagod akong maghakot ng mga gamit kaya napagpawisan na ako. Ayoko namang mag-amoy pawis sa harapan ng papa mo," anito saka inagaw ang scrub sa kaniya at sinimulan siyang hiludin mula sa likod niya. "B-bakit kailangang dito pa? May banyo naman sa guest room. Mamaya bigla kang hanapin ni mama." "Why? Mas okay nga na sabay tayo para mas tipid." "Hmm!" hindi napigilang ungol ni Perry nang mula sa tiyan niya ay bumaba pa ang kamay ng nobyo. "You like it?" tundyo pa nito habang hindi nilulubayan ang kaniyang sandata dahilan para balutin ng init ang buong katawan niya. At dahil matagal-tagal na rin ng may mangyari sa kanila ay nagpaubaya siya. Ikinawit niya ang kanang kamay sa batok nito saka inabot ang labi nito mula sa likuran niya. Hindi naman napigilan ni Adalius na angkinin siya ng tuluyan. "HAPPY BIRTHDAY!" sabay-sabay na bati nila pagkarating ni Richard sa visiting area. At kasabay niyon ang confetti na pinaputok ni Adalius sa likod ng pintuan. Tuwang-tuwa naman ang kaniyang ama at masayang niyakap sila. "Maraming salamat! Akala ko nakalimutan niyo na ang kaarawan ko." "Pwede ba naman iyon, 'Pa?" aniya saka pinagsalin ang kanin at ulam ang ama. "Excited nga itong anak mo dahil ito ang unang araw na icecelebrate niya ang birthday mo." Inakbayan siya nito. "Salamat, anak! Proud na proud sa 'yo ang Papa. Tanggap ko kung ano ka at masaya ako basta masaya ka." "Si Papa naman! Birthday na birthday mo pinapaiyak mo ako!" maktol niya. Kapag kasama talaga o kaharap niya ang kaniyang ama pakiramdam niya bumabalik siya sa pagkabata. "Kumusta nga pala iyong plano ninyong mag-Singapore? Kailan niyo balak na ituloy?" tanong nito sa kalagitnaan ng pagkain nila. Nilunok muna niya ang kinakain bago ito sinagot. "Ang sabi kasi ni Mama, saka na raw kapag nakalabas ka na rito." "Mukhang miss na miss na ako ng Mama mo, anak," tudyo ng kaniyang ama na kinapula naman ng kaniyang ina. "Ikaw, 'Pa, huh, baka mamaya niyan balak niyo pa ako sundan ni Mama," gatong niya. "Perry!" suway naman ng kaniyang ina na kinatawa nilang mga lalaki. "Kailan pala ang balik niyo ng Germany niyan?" "Next week, 'Pa. Gusto muna kasi puntahan ni Ada ang mga tourist spots dito sa Pilipinas," kwento niya. Tumango-tango ang kaniyang ama saka binalingan ang kaniyang nobyo na nagulat sa naging tanong nito. "Kailan mo pala balak na pakasalan ang anak ko?" tanong ng ama kapagkuwan. "Pa!" suway niya rito nang mabilaukan siya. Bakit biglang napunta sa kanila ang topic? Agad namang hinimas ni Adalius ang likod niya. Sila kasi ang magkatabi habang magkatabi naman sa harapan nila ang mag-asawa. "Bakit? Gusto ko lang naman malaman kung talaga bang seryoso iyang nobyo mo sa 'yo. At saka alam naman natin na kahit sino ay gusto magkaanak." "Huwag kang mag-alala, Kuya, malapit na. At saka marami namang paraan para magkaanak kami kaya huwag kang mag-alala magkakaapo ka pa rin." Namula siya sa sinabing iyon ni Adalius matapos nitong pisilin ang kanang hita niya sa ilalim ng mesa. "Aba'y siguraduhin niyo lang para naman magkaroon ng ingay sa bahay kapag natuto na silang maglaro." "Ilan ba ang gusto ninyong apo?" tanong ni Adalius. "Kung kaya ninyo ng isang dosena bakit hindi?" tumatawang sagot ng kaniyang ina. "Papa naman! Ginawa mo pang baboy ang magiging surrogate mother." "Mas masaya kasi anak kapag marami para mas lumaki ang pamilya natin." "Oo naman pero saka na muna natin pag-usapan ang tungkol sa magiging mga apo natin. Dapat kasal muna. Kaya ikaw, Juls, dapat magpropose ka na para mapag-usapan na ang kasal." "Ma! Huwag niyo naman masyadong minamadali si Ada. Nape-pressure iyong tao, eh." Ngumiti na lang ang mga ito saka sila muling nagpatuloy sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD