UNBEARABLE THIRTY-EIGHT

2063 Words
"KUMUSTA ang anak ko, Dok?" bungad na tanong ni Pearl paglabas ng doktor sa kwartong pinagdalhan kay Perry. "Nagamot na namin ang ilang mga sugat niya ngunit ikinalulungkot ko hong sabihin sa inyo na dumaranas ngayon ang anak ninyo ng matinding trauma dahil sa mga nangyari sa kaniya kaya naman isinara nito ang sarili sa lahat. Kaya nais namin makuha ang inyong permiso dahil nais namin siyang ilipat sa pangangalaga ng Dra. Ebitner, isa sa mga magagaling na Psychiatrist dito sa aming ospital. Mapapabilis kasi nito ang recovery ng pasyente. At makakatulong din kung kakausapin ninyo siya nang kakausapin tungkol sa mga magagandang pangyayari sa buhay niya," mahabang paliwanag ng doktor na agad na sinang-ayunan ng dalawa. "Sige ho, dok! Kung ano po iyong alam ninyo na mas makakabuti para sa anak ko sasang-ayunan ho namin," anito habang tumatango naman si Adalius. "Good! I will inform Dr. Ebitner about this, right away." "Sige ho, dok! Ah, dok? Maaari na ba namin siyang makita?" tanong naman ni Adalius. "Yes! You can see him now." "Salamat, Dok!" Saka tuluyang umalis ang doktor. Agad din naman silang pumasok sa kwarto ni Perry. Naabutan nila itong nakaupo sa kama at nakatingin lang sa bintana. Samantalang kinausap naman ni Adalius ang nurse na kasalukuyang nagbabantay kay Perry. "Nurse, pwede bang iwan mo muna kami? Ipapatawag ka na lang ulit namin kapag kailangan namin ng tulong mo." Yumuko ito. "Sige ho, Sir!" Saka ito dali-daling lumabas. "A-anak, nandito na si Mama," ani Pearl sa nanginginig na mga labi habang nakatingin sa anak na tulala. Lumapit si Adalius dito saka hinawakan ang balikat ng kapatid para pakalmahin ito. Seeing Perry in that situation makes their hearts hurt even more. "Be strong, Ate! Huwag mong ipakita sa kaniya na mahina ka. Tandaan mo ang mga sinabi ng doktor." Tumango naman ito saka kinalma ang sarili. "Anak, nandito na si Mama. Nandito na rin si Adalius. Hindi ba't hinihintay mo ang pagbabalik niya? Please, anak, bumalik ka na. N-natatandaan mo ba iyong sinabi mo noon sa akin? Na lilibutin pa natin ang buong mundo ng magkasama? Paano natin magagawa iyon kung ikukulong mo ang sarili mo sa kadiliman?" "Baby, I'm here. Kung anuman ang nagawa kong kasinungalingan noon, sana mapatawad mo ako. Ayaw ko lang talaga na mawala ka sa akin. At kung iniisip mo na sumuko na ako dahil bigla na lang akong umalis ulit, nagkakamali ka. Umalis ako kasi kailangan ako ni Dad at ng kompaniya," kausap nilang magkapatid dito habang hawak nila ang magkabilang kamay nito. "Anak, kung ano man ang nagpapahirap sa 'yo, just let it go. Pwede naman tayong magsimula ulit nina Adalius. Hindi na ako tutol sa pag-iibigan ninyo. Kung saan ka masaya, anak, mas magiging maligaya ako," dugtong pa ni Pearl. Hanggang sa kinuwentuhan nila ito ng kinuwentuhan tulad ng sinabi ng doktor sa kanila. LUMIPAS pa ang isang linggo ay ganoon pa rin ang lagay ni Perry. Tila walang nangyayaring pagbabago. Knowing Perry, hindi ito basta nakikinig. Kapag nasaktan ito, wala itong pinapakinggan o sinusunod kundi ang sarili at damdamin lang nito. Ngunit sa kabila niyon ay hindi iniwan ni Adalius si Perry. Palagi niya itong kinukwentuhan ng mga masasaya nilang mga araw na magkasama. Palagi din niya ipinapakita rito iyong mga pictures nila together noong nagpunta sila ng Thailand. Umalis din ang kaniyang kapatid upang kausapin na si Richard. Matagal na kasi nitong gusto makausap si Pearl at nais din na dalawin ang anak. Nahatulan kasi ito ng panghabambuhay na pagkakakulong dahil sa patong-patong na kaso pati na rin ang mga kasamahan nito. Umuwi rin galing Germany ang kaibigan nitong si Harrison na nobyo naman ng kaniyang matalik na pinsan. "Please, baby. Go back to your senses now. I miss you so much! Kapag hindi ka pa bumalik, I will rape you!" Natawa siya sa huling sinabi niya. Kung nasa tamang huwisyo lang ito ay siguradong sininghalan o pinagkukukurot na siya nito. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito. "Just kidding, love! It's just that, I wanna hear your voice. I miss all about you. . ." "Kapag okay ka na, pangako ko sayo na dadalhin na kita sa harap ng altar suot ang puti't itim na tuxedo kung saan ako ang magsusuot ng itim at ikaw naman ang puti para alam ng lahat na ikaw ang magiging ilaw ng ating magiging tahanan. Ikaw na ang gusto ko makasama habambuhay kaya hindi na kita pakakawalan pa. At gusto ko kapag kinasal tayo, doon tayo sa lugar kung saan tayo unang nagkita't nagkakilala." "Lahat ng mga kaibigan at importanteng tao sa buhay mo ay sisiguraduhin kong imbitado. At iyong mga bulaklak na dekorasyon, gusto ko si ate ang gagawa, pati na rin ang magiging boquet mo para maging unforgetable ang ating kasal. At higit sa lahat, kapag handa ka ng magkaanak tayo gusto ko dalawa o tatlong anak lang, dalawang lalaki at isang babae. At kapag nangyari iyon, hindi na kita hahayaan na magtrabaho pa. Wala kang ibang gagawin kundi ang alagaan lang kami ng mga anak mo," mahabang litanya niya habang pinaglalaruan ang mga daliri nito. Pinunasan din niya ang tumulong luha sa kaniyang mga mata nang bumukas ang pinto. Pagtingin niya ay dumating na ang kapatid at kasama nito ang asawa na akay ng dalawang pulis habang nakaposas ang mga kamay. Nakasuot din ito ng kulay dilae na damit na may nakaimprintang 'Detainee'. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa monoblock chair na naroroon sa kwarto. "Ate . . . What is he doing here?" Nang makaramdam ng tensyon si Harrison ay agad itong nagpaalam sa kanila para bigyan sila ng pribadong oras. Nang makalabas ito ay hinawakan ng kapatid niya ang kaliwang braso niya. "Nandito siya para kausapin si Perry. Malakas ang kutob niya na isa siya sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mailap pa rin si Perry sa atin," paliwanag nito habang nakatingin ng deretso sa kaniyang mga mata Tinignan niya si Richard at wala siyang ibang nakikita sa mga mata nito kundi pighati't, kalungkutan. Tumango siya. Sino ba naman siya para tumanggi kung ito ang makapagpapabalik ng katinuan ni Perry, hindi ba? Lumipat siya sa sofa na naroroon sa gilid para bigyang daan si Richard na makausap ang anak habang ang mga pulis naman ay nakabantay lang sa may pinto. "A-anak. A-ng Papa ito. Alam kong naririnig mo ako. At alam ko rin na marami akong pagkukulang at hindi naging mabuting ama at asawa. Pero anak, lahat isinakripisyo ko para sa inyo ng Mama mo. Ang kaligayahan ko at ang makasama kayo. N-nagkaroon ako ng malaking pagkakautang kay Alendis noon dahil inilapit ako sa kaniya ng kaibigan ko para makautang ng pera para sa panganganak ng Mama mo. H-hindi ko naman alam na lider pala si Alendis ng sindikato kaya nang singilin niya ako at walang maibayad, binantaan niya ang buhay ninyong mag-ina. At dahil gipit na gipit ako noon, nagpresinta na lang akong pagtrabahuhan sa kaniya ang utang ko. Naisip ko rin na kapag sumali ako sa grupo nila ay magiging ligtas kayo. Maraming misyon na ibinigay sa akin si Alendis noon kaya nawalan ako ng oras sa inyo. Ipinalabas kong may relasyon kami ni Alendis noon nang aksidenteng makita kami ng Mama mo na magkasama. At para hindi na rin umasa ang mama mo na babalik pa ako. Dahil sa trabahong pinasok ko, hindi ko alam kung hanggang kailan ako mabubuhay." "Pero anak, walang araw na hindi kita tinatanaw mula sa malayo. Walang birthday mo ang namiss ng Papa. Kahit nasa malayo ako, nakita ko kung paano ka lumaking maayos kahit na wala ako sa tabi ninyo. Hanggang sa magbinata ka. Iyong araw na bigla ko na lang sinugod ang Mama mo sa bahay, sumugod ako doon para ilayo ka sa kapahamakan. Nakita ko kasi sa mga listahan ni Alendis na isa ka sa mga ipapadukot niya sa amin kaya naman bigla na lang akong nagpakita sa Mama mo at sinabing ilalayo kita sa lugar na iyon. Nang ayaw kang ibigay ng iyong ina ay napilitan akong burahin ka sa listahan kahit na alam kong pwede ko iyong ikapahamak." "Mabuti na lang at nasa Germany ka na kaya napanatag ang loob ko na hindi ka na matutunton ni Alendis. Pero dumating pa rin ang araw na kinatatakutan ko. Nahanap ka niya nang umuwi ka rito sa Pilipinas," mahabang paliwanag nito habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha nito. Maging silang magkapatid ay naluha sa mga narinig. Hindi niya akalain na napakahirap pala ng dinanas ni Richard. Buong buhay ni Perry ay kinasuklaman niya ang amang wala naman palang ibang ginawa kundi ang protektahan silang mag-ina. Hinawakan nito ang kamay ng anak. "Sorry kung naging masama ang Papa. Kung naging walang kwentang ama ako. Sorry kung akala mo tuluyan kitang inabandona noon sa barko. Nasabi ko lang iyon kasi tinakot ako ni Alendis na kapag pinigilan ko siya sa balak niya sa 'yo ay isusunod niya ang Mama mo. Ginamit ko rin ang pagkakataon na iyon para tawagan ang mama mo at sabihin sa kaniya kung nasaan ka. Kaya sana anak naririnig mo ang Papa. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng mga kasalanan at naging pagkukulang ko sa inyo ng mama mo. Makukulong na si Papa, pagbabayaran ko na lahat ng kasalanan ko at maging ang pagkukulang ko sa inyo. Magbabagong buhay na ako, a-anak, para sa inyo ng mama mo kaya sana huwag mo ng ikulong ang sarili mo sa kadiliman. Ayokong maging malungkot ulit ang mama mo," anito saka hinalikan ang kamay ng anak. Hindi kasi nito mayakap ang anak dahil sa nakaposas nitong mga kamay. Ilang minutong naging tahimik ang silid matapos ang madamdaming paliwanag ni Richard nang marinig nila ang boses na matagal na nilang gustong marinig. "P-Papa. . ." Nagulat silang lahat sa tinig na iyon. Tama ba ang narinig niya? Nagsalita na si Perry? "Anak!" lapit ni Pearl kaya naman lumapit na rin si Adalius. Tuluyan namang bumuhos ang luha ng mag-asawa sa sayang nararamdaman. Maging siya ay napaluha. Tila lahat ng luhang tiniis niyang hindi ipakita kay Perry ay tuluyan ng bumuhos. Sa wakas, nakawala na rin ito kadiliman. Ang ama lang pala nito ang hinihintay nito. Hanggang sa sabay na nitong niyakap ang mga magulang. Habang yakap ang mga magulang nito ay tinapunan siya nito ng walang rmosyon na tingin. Pinunasan naman niya ang kaniyang mga luha saka umiwas ng tingin rito. Gustong-gusto na niya itong yakapin ngunit mukhang hindi pa siya nito lubusang napapatawad. Mas mabuti na rin na sulitin muna nito ang oras sa mga magulang nito. Alam niyang isa iyon sa mga matagal ng pinapangarap ni Perry, ang mabuo ang pamilya nito. Nang putulin ng mga ito ang yakapan ay agad namang siyang sumingit. "Tatawagin ko lang sandali ang doktor para sabihin ang magandang balita." Tumango naman ang mga kasama niya sa silid kaya naman dali-dali na siyang lumabas. Dumeretso siya sa information desk kung saan may mga nakatambay na mga nurse para ipinatawag ang doktor ni Perry. Nang mai-page na ang doktor ay nagdesisyon muna siyang lumabas para bumili ng makakain ni Perry sa kalapit na convenient store ng ospital. Habang namimili siya ng mga bibilhin niya sa convenient store ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pinsan. "Hello, 'Ton? Napatawag ka?" bungad na tanong niya kay Colton. "We heard about what happened to Perry and Harrison was very worried about him. Bakit hindi niyo man lang kami binalitaan? Kung hindi pa nadulas ang mama ni Harry sa kaniya kanina sa telepono hindi pa namin malalaman kaagad." Bumuntong hininga siya. "Ayaw na kasi ni Ate na mag-alala pa kayo kaya mas pinili namin na manahimik na lang." "How was he?" "He's fine now. He finally came back to his senses. Thanks to his father." "His father? What has his father got to do with what happened to him?" tanong ni Harrison ng agawin nito ang cellphone sa nobyo. Marahil ay nagulat ito sa biglaang pagsulpot ni Richard. "It's a long story. At siguradong aabutin tayo ng siyam-siyam kung ikukwento ko sa inyo lahat ng nangyari. I'll tell you everything na lang when we get back to Hamburg. Ang mahalaga buo na ulit ang pamilya ni Perry. Bumuntong hininga sa kabilang linya si Harrison. "Okay. . . Please, send my regards to him," nag-aalalang bilin nito. "I will. Bye!" saka niya pinutol ang tawag at mabilis na tinapos ang pamimili ng mga pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD