UNBEARABLE THIRTY-SEVEN

2048 Words
PASULYAP-SULYAP si Adalius sa kaniyang cellphone, hinihintay na makatanggap ng tawag mula sa kapatid. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin siyang ideya kung sino ang gagawa niyon sa nobyo. Wala nakakakilala sa kaniya sa Pilipinas kaya imposibleng dahil iyon sa kaniya. Kung alam lang niya na may mangyayaring ganoon ay sana hindi na sila umuwi ng Pilipinas. Na sana hindi niya ito basta na lang iniwan. Saglit pa lang siyang nawawala sa tabi nito ay may nangyari na kaagad. Ang dami pa naman niyang gustong gawin na kasama ito pagbalik niya ng Pilipinas. Nais niyang libutin ang magagandang tourist spot doon na kasama ito at ang kapatid bago ang ibang bansa. Naaagaw lang ng tunog ng kaniyang cellphone ang kaniyang atensyon nang marinig niyang tumunog na iyon. Agad niya iyong dinampot at sinagot ng dumating na ang tawag na kanina pa niya hinihintay. "Ate, anong balita?" bungad niya rito. "Alam na namin kung nasaan si Perry. Hawak siya ng mga sindikato at nasa karagatan sila malapit sa Batangas Port. Nasa nag-iisang kulay berde at lumang barko siya. Papunta na ang mga pulis doon para iligtas ang anak ko." "Don't worry, pabalik na ako ng Pilipinas," imporma niya. "Pero masyadong delikado kung babyahe ka pa ngayon lalo na't gabi. Hayaan mo na ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," pigil nito. Umiling siya kahit hindi siya nito nakikita. "Hindi mapapanatag ang loob ko nang walang ginagawa para sa kaniya. Ayokong isipin niya na tuluyan na akong nawalan ng pakialam sa kaniya." Sandaling natahimik sa kabilang linya. Alam niyang nag-aalala rin ito sa kaniya. "Trust me, ate." "Basta mag-iingat ka." "Makakaasa ka na iuuwi ko siya ng ligtas," pangako niya. "Salamat! Aasahan ko iyan." "Mmm!" Saka niya pinutol ang tawag. Binalingan niya si Walter na kasama niya sa jet plane. "Walter, command your Filipino men to go to Batangas Port as fast as they can and look for the oldest green ship. Make sure that no one escapes the ship!" mando niya. "Right away, Sir!" At mabilis na may kinontak ito. Si Walter kasi ay hindi lang basta right hand niya. Isa rin itong secret agent kaya kahit saang bansa ay may koneksyon ito. Kung may kakayahan lang sana siya na magteleport ay nagteleport na siya makarating lang kaagad sa paroroonan. Nang matapos kontakin ni Walter ang mga koneksyon nito ay agad na silang sumakay ng jet plane. Nang makarating sila sa Pilipinas ay agad silang lumipat sa helicopter na nakaabang sa kanilang pagdating. Paglipad sa ere ay kita niya kaagad ang buong lungsod ng Maynila. "I'm coming, baby. I will save you," bulong niya sa sarili. "I think we're here, Sir," imporma ni Walter matapos ang ilang minuto kaya napatuwid siya ng upo at mabilis na isinuot ang iniabot sa kaniyang bullet proof ni Walter." "Let's just wait for their signal before we go down," mando sa kaniya ni Walter na tinanguan lang niya. Sinilip niya ang barko mula sa itaas at kita niya ang mga pulis at ilan sa mga men in black ni Walter na nakikipagbarilin sa mga sindikato. Hindi niya alam kung ilan ang mga sindikato pero mukhang masyado silang marami. Nakita din niya ang ilan sa mga pulis na siguradong ipinadala ng kaniyang kapatid. Napaatras siya sa kaniyang kinauupuan ng paulanan ng bala ang sinasakyan nilang helicopter. "Don't worry, Sir! This helicopter is bullet proof so you don't have to be scared." Napapikit siya. "Good!" "I think the firing is done. I will go down first to secure the ship and wait for my signal before you come down." "I trust you, Walter," aniya na tinanguan lang nito saka nito ibinaba ang chain ladder para makababa ito ng helicopter. Nang makatuntong ng barko si Walter ay agad itong pinalibutan ng men in black saka siya sinenyasan na maaari na siyang bumaba. Nang makababa siya ay agad nilang tinungo ang lower part ng barko. Bawat pasilyo na nadadaanan nila ay may mga bantay. Mabuti na lang at well trained ang mga tao ni Walter kaya mabibilis kumilos ang mga ito kaya tumba agad ang mga bantay. Hinalughog nila ang bawat cabin at nakita nila ang mga illegal na droga at mga baril na nakabinbin sa loob niyon. Kasabay din niyon ang kaba at malakas na pintig ng kaniyang puso sa bawat cabin na nabubuksan nila ay hindi pa rin niya nakikita si Perry. 'Where are you, baby?' bulong niya sa sarili. Hanggang sa naalarma sila nang makarinig ng malakas na pagsabog mula sa kung saang bahagi ng barko. "Move!" ani Walter sa mga tao nito saka siya inalalayan. "What are you doing?!" takang tanong niya kay Walter na hinihila na siya nito paakyat sa top deck. "We need to get out of here as soon as possible, Sir!" "But we haven't seen Perry yet!" singhal niya rito. "Because we do not have time! The ship is going to sink anytime soon," giit pa nito. "No!" saka niya tinulak si Walter. "I will not leave this ship without Perry!" saka niya ito tinalikuran at nagpatuloy sa pagbubukas ng mga cabin. "But, Sir—" Kwinelyuhan niya ito. Buong buhay niya ngayon lang siya sinuway nito. He knows that they're in a matter of life and dealth, but he will not gonna leave him. "I will not leave this ship without him, understand? If you want to leave, then leave! I don't need your help!" aniya na sa bawat salitang binibitawan niya ay may diin. "Perry!" Napahinto sila pareho ni Walter nang marinig nila ang sigaw na iyon mula sa huling cabin kaya naman mabilis nila iyong tinungo ni Walter. At dahil nakalock iyon ay agad na binaril ni Walter ang seradura saka malakas na sinipa ang pinto. At doon nakita nila ang isang lalaki na sugatan habang akay ang walang malay na si Perry na tanging roba lang ang suot. "T-tulong!" sabi ng lalaki at doon niya napansin ang itsura nito. Si Richard. Ang asawa ng kaniyang kapatid na inabandona nito ng matagal na panahon. Ano ang ginagawa nito sa barko? Bakit ito naroroon? "K-kuya Richard?" "K-kilala mo ako?" takang tanong nito. Kunsabagay ay matagal na panahon silang hindi nakita kaya nakalimutan na nito kung sino siya. "Ako nang aalalay sa kaniya," aniya saka mabilis na kinuha si Perry mula sa lalaki. "No!" hiyaw ng lalaki nang bigla na lang bumangon ang isa pang lalaki na kasama nila sa cabin na nakahandusay lamang kani-kanina. Nanlaki ang mga mata ni Adalius nang iharang ni Richard ang sarili sa kanila. Sinalo nito ang bala na sana ay sa kanila ni Perry tatama. Mabilis namang kumilos si Walter saka kinalabit ang hawak nitong baril at pinagbabaril ang lalaki hanggang sa malagutan ito ng hininga. "Get him!" aniya kay Walter na mabilis namang inalalayan ang ama ng nobyo na nagligtas sa kanila na nagtamo naman ng tama ng bala sa balikat. Mabilis naman silang ni-rescue ng mga coast guard. Hindi na kasi nila kakayanin na umakyat pa ng helicopter lalo na't may akay silang pareho ni Walter. Mabuti na lang at hindi naman lumubog ang barko. Nasunog lang ang likurang bahagi nito. Nang makarating sila sa syudad ay agad na isinakay sa ambulansiya si Richard. Si Perry naman ay isinakay ni Adalius sa kaniyang sasakyan. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito nang makita niyang bukas naman ang mga mata nito ngunit parang walang nakikita. Nakatulala lang ito. "Baby? D-do you hear me?" nag-aalalang tanong niya rito ngunit wala siyang nakuhang tugon o sulyap man lang dito. "I-it's me, Ada," pukaw niya ulit ngunit ganoon pa rin ang ekspresyon nito. Tumulo ang kaniyang mga luha saka niyakap ito ng mahigpit. "No. . . T-this can't be." "KUMUSTA ang anak 'ko? Nasaan siya?" bungad na tanong ni Pearl kay Adalius pagkarating na pagkarating nito sa hospita kasama ang kaibigan nitong si Paris. "Nasa loob siya, inoobserbahan pa ng mga doctor," aniya habang itinuturo ang kwarto kung saan itoin-admit. "Maayos naman ang lagay niya, hindi ba?" singit ni Pearl. "May ilang galos siya pero ang ipinagtataka namin at ng doktor kung bakit tulala ito at parang walang naririnig. May hinala ang doktor na maaaring na-trauma si Perry sa nangyari sa kaniya sa barko." "B-bakit? Ano bang ginawa nila sa anak ko?" Naikumo niya ang kaniyang mga kamay nang maalala niya ang nakita kanina sa barko. "Naging biktima si Perry ng kamunduhan kung saan nagbabayad ang mga dayuhan para sa isang malalaswang palabas." Natutop ni Pearl at Paris ang kanilang mga bibig sa nalaman. "D-diyos ko!" Nang mapasok kasi nila ang pinanggalingang cabin ni Perry ay puno iyong ng maraming telebisyon. Malabo na ang mga iyon nang makita niya at patay na ang iba. Marahil dahil sa nangyaring pagsabog kaya block-out. Pero malakas ang kutob niya na iyon ang ginagamit ni Alendis para sa isang makamundong palabas. Mabilis naman niyang niyakap ang kapatid. Ayaw man niyang sabihin ngunit may karapatan itong malaman iyon dahil kapatid at ina ito ng taong mahal niya. Habang yakap niya ito ay hinimas naman ni Paris ang likod nito bilang pagdamay. Gusto niyang magwala nang mga oras na iyon pero kinalma niya ang sarili dahil ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ni Perry lalo na ngayon na dumaranas ito ng matinding trauma't depresyon. "Tahan na, Ate. Magiging maayos din ang lahat. Malakas si Perry kaya malalagpasan niya ang lahat ng ito," pagpapatahan at pagpapalakas-loob niya saka ito inalalayang umupo sa waiting area. "Ate," agaw pansin niya sa atensiyon ng kapatid matapos ang mahabang katahimikan. "N-nakita ko si Kuya Richard sa barko. Hindi ko akalain na isa siya sa mga miyembro ng sindikato." Umalis ito sa pagkakasandal sa balikat niya para harapin siya. "N-nakita mo siya?" Tumango siya. "N-nasaan siya?" sabay tingin nito sa paligid. "Hawak na siya ng mga pulis matapos siyang gamutin ng mga doktor kasama ang ilan pang kasamahan nito sa organisasyon. Sinalo niya kasi ang bala na dapat ay tatama sa amin ni Perry." Nanlaki ang mga mata nito. Tila hindi inaasahan na gagawin iyon ng asawa matapos silang abandunahin ng matagal na panahon. Kita niya ang pag-aalala sa mga mata nito pero pinigil nito ang luha at kinalma ang sarili. "H-hindi ko rin alam kung ano ang koneksyon niya sa sindikatong iyon. Basta tinawagan na lang niya ako na kasama niya si Perry sa barko," imporma nito. "Kung ganoon siya pala ang nagturo kung nasaan ang kuta ng sindikatong matagal ng hinahanap ng mga otoridad." Tumango si Pearl. "Gusto mo ba siyang makita o makausap? Alam kong katulad ko ay marami ka ring tanong na gusto mong mabigyang kasagutan." Umiling ito. "Hindi muna siguro sa ngayon. Hindi pa ako handa na harapin at kausapin siya. Masyado pang masakit ang ginawa niya sa amin ng anak niya. At saka isa pa, hindi ganoon kadali magtiwala lalo na kong minsan ng nasira. Sa ngayon si Perry na muna ang pagtutuunan ko ng pansin," anito na tinanguan lang niya. "Ang pinuno ng sindikato? Nahuli ba siya?" tanong nito kapagkuwan. "Napuruhan siya ni Walter matapos nitong mabaril si Kuya Richard. Nakabalik na rin sa kani-kanilang mga pamilya ang mga lalaking dinukot nila noon." "Salamat naman sa Diyos at nahuli na ang leader. Wala na siyang mapeperwisyong pamilya," komento nito. "Nararapat lang sa kaniya iyon. Sa tutuusin, kulang pa ang buhay niya sa ginawa niya kay Perry at sa iba pang mga biktima." "Ikaw, kumusta ka? Wala bang masamang nangyari sa 'yo?" tanong nito habang sinusuri ang kabuuan niya. Umiling siya. "Ayos lang ako. Wala kang dapat na alalahanin. Marami man tauhan si Alendis ay mas marami at higit na mas malalakas naman ang tauhan ni Walter." "Mabuti naman kung ganoon kasi kung pati ikaw ay napahamak baka tuluyan na akong mabaliw!" Hinimas niya ang likod nito. "Iyon naman ang hindi ko hahayaang mangyari, Ate. Mas okay na kami ang masaktan, kaysa ikaw na marami ng isinakripisyo sa pag-aalalaga sa amin ng anak mo." "How about your father? Is he getting better?" "Yup! He is at home now. And we decided to not allow him to work anymore because he can no longer work underpressure." "Mas mabuti na rin iyong ganoon. Dapat i-enjoy na lang niya ang buhay niya. Mag-travel siya o kaya naman gawin niya iyong mga bagay na hindi pa niya nagagawa noon." "Yeah! That's exactly what we told him. And he can't to anything, but agree."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD