"P-papa?" hindi makapaniwalang sambit ni Perry nang makita ang ama sa kaniyang harapan.
Anong ginagawa ng kaniyang ama sa ganoong klase ng lugar? Ano ang koneksyon nito sa taong kumidnap sa kaniya?
"Pakawalan mo na siya Alendis!" utos ng kaniyang ama na tinawanan lang ng huli.
"Bakit ko naman gagawin iyon? Ayaw mo bang malaman ng anak mo ang buong katotohanan kung bakit nagawa mo silang abandunahin ng matagal na panahon? Kung bakit mas pinili mong sumama sa akin kaysa ang makasama sila?"
Nawindang siya sa sinabing iyon ng lalaki. Kung ganoon, ang lalaking kumidnap sa kaniya ay ang taong ipinagpalit ng kaniyang ama sa kaniyang ina. Ang taong dahilan kung bakit nangulila siya sa ama ng matagal na panahon.
"Alam mo ang totoo, Alendis!" sigaw ni Richard.
"Oo, alam ko! Gusto mo siya makasama, hindi ba? Kaya ayan, ako na mismo ang nag-adjust. Dinala ko na siya rito para sa 'yo."
"Pero hindi sa ganitong paraan. Ginawa ko naman lahat ng gusto mo kaya sana naman tumupad ka sa usapan natin!"
"Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Sa gandang lalaki ng anak mo? Siguradong mas malaki ang kikitain ko sa kaniya!" anito na kinagulat ng kaniyang ama.
Lumalim ang paghinga ni Perry sa narinig dahil sa pinaghalong takot at kaba lalo na nang makita niya ang mga nata nito na kay pula na halatamg lango sa droga. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari sa kaniya pero isa lang ang nasa isip niya. Ibebenta siya ni Alendis sa mga dayuhang uhaw sa aliw. At hindi niya gusto iyon. Mas mabuti pang mamatay na lang siya kaysa pagpyestahan ng kung sino-sino.
"Pakawalan mo na ang anak ko! Huwag mong sirain ang buhay niya tulad ng ginawa mong pagsira sa buhay at pamilya ko!" giit pa ng kaniyang ama na halatang matagal ng may mabigat na dinadala.
"Paano kong ayoko?" pang-aasar ng lalaki.
"Magkakamatayan muna tayo bago mo magawa ang gusto mo sa anak ko!"
Inilabas nito ang baril mula sa likod ng pantalon nito. "Ako pa talaga ang hinamon mo? Baka nakakalimutan mo kung sino ako?"
"Kung kinakailangan kong lumuhod sa harapan mo gagawin ko, pakawalan mo lang siya," pagmamakaawa pa ni Richard.
Ano bang ginagawa nito? Gumagawa ba ito ng palabas para mukha ang simpatiya niya?
"Sino ka ba sa inaakala mo para utusan ako sa mga dapat kong gawin, huh?!"
"Hay*p ka! Huwag ang anak ko! Ako na lang ulit, huwag lang ang anak ko!" giit pa ng kaniyang ama.
"Sawang-sawa na ako sa 'yo! Gusto ko naman ng bago at sariwa," anito sabay haplos sa kaliwang pisngi niya.
"f**k! Sinabi ng huwag mo akong hawakan!" sigaw ni Perry.
Naramdaman niyang gumalaw ang kaniyang ama ngunit pinigilan ito ni Alendis. "Sige! Subukan mong lumapit. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na pati siya ay idamay!" banta ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang ginawa o kung ano ang ipinakita nito sa kaniyang ama para matakot ito at talikuran siya ng basta-basta.
"Huwag! G-gawin mo na ang gusto mong gawin sa kaniya," turan ng kaniyang ama na labis na kinadurog ng puso niya.
Mas masakit pa iyon sa ginawang pagsisinungaling sa kaniya ni Adalius. Hindi niya akalain na mas malala pala kapag narinig niya mismo mula sa bibig ng kaniyang ama ang pagtalikod nito sa kaniya. Nawala iyong munting pag-asa sa puso niya na may pakialam pa ito sa kaniya. Para rito isa lang siya basahan na matapos gamitin ay itatapon na lang basta.
All this time ay tama siya, he's just pretending at pwede na itong awardan sa Oscars sa galing nitong umarte sa kaniyang harapan kanina.
"Walanghiya ka! Kinasusuklaman kita! Wala kang kwentang ama!" umiiyak na hiyaw niya pagkatapos niyang marinig ang pagsara ng pinto.
Hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad kahit na lumuhod pa ito sa harap niya. Na kahit umiyak pa ito ng dugo ay hindi niya ito tatanggapin at kikilalaning ama. Para sa kaniya, patay na ito. Patay na ang kaniyang ama dahil walang ama ang ipagpapalit ang anak sa kahit na anumang bagay.
"Nakita mo na kung gaano kahina ang iyong ama? Ni hindi ka niya kayang ipaglaban!" anito saka tumawa ng malademonyo.
Hindi siya umimik. Sa halip ay ikinumo niya ang kaniyang kamao sa labis na pagkamunghi sa kaniyang ama. Wala na siyang pakialam dito. Kinalimutan na niya na may nabubuhay pa siyang ama.
"Ngayong wala ng istorbo. Sisimulan ko na ang matagal ko ng gustong gawin sa 'yo." Saka nito hinawakan ng mahigpit ang kaniyang panga para ibuka ang kaniyang bibig.
"Hmm. . ." palag niya ng basta na lang ito may pinainom sa kaniyang tableta.
"Huwag ka ng pumalag kung ayaw mong masaktan!" banta nito nang magtagumpay siyang iluwa ang pinaiinom nito sa kaniya.
Sinampal siya nito sa pisngi ng maidura niya ang tableta sa damit nito.
"M-mamamatay muna ako, bago mo magawa ang gusto mo!" nakangising sabi niya sa kabila ng takot na nararamdaman niya.
"Ah, ganoon? Talagang sinusubukan mo ako, ah? Pwes! Mapipilitan akong gawin ito sa 'yo."
"Ah!" hiyaw niya nang bigla na lang itong may itinurok sa braso niya.
Mabilis ang mga pangyayari. Bigla na lang bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata, bumilis ang pagtibok ng puso niya, umiikot ang kaniyang paningin, at lumalalim din ang kaniyang paghinga. Bukod pa sa mga sintomas na iyon ay nakakaramdam din siya ng kakaibang init sa buo niyang katawan.
Katapusan na ba niya?
"HELLO, Ate? Napatawag ka?" sagot ni Adalius sa kapatid nang makatanggap siya ng tawag overseas. Kasalukuyan kasi siyang pumipirma ng ilang dokumento sa REI.
Bumalik kasi siya ng Germany dahil nagkasakit ang kaniyang ama kaya kailangan niyang umuwi. Hindi naman porque umuwi siya ay sinukuan na niya si Perry. Kailangan lang talaga siya ng kompaniya.
"J-julius. . ." Napatayo siya sa kaniyang swivel chair nang mahimigan niya ang panginginig ng boses ng kapatid. Mukhang may hindi magandang nangyayari.
"What's wrong? Bakit ka umiiyak?" sunud-sunod na tanong niya.
"S-si Perry . . ."
Nakaramdam siya ng matinding kaba nang marinig niyang binaggit nito ang pangaln ng kaniyang nobyo. "A-anong nangyari kay Perry?"
"U-umalis siya kaninang umaga para mag-jogging, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuuwi. Hindi rin niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Nag-aalala na ako," imporma nito sa pagitan ng mga hikbi nito.
"Baka naman may pinuntahan lang siyang malapit niyang kaibigan."
"H-hindi ko alam," naguguluhang sabi nito.
"Nasabi mo na ba ito sa mga pulis?"
"Ibinalita ko na pero hindi pa sila pwedeng umaksyon hanggat walang pang twenty-four hours na nawawala si Perry. Ano ng gagawin ko? Paano kung nakidnap siya ng mga sindikato? Ayaw kong pati ang anak ko mawala sa akin. Tulungan mo ko, Julius. Hanapin natin ang anak ko. Maawa ka," sumamo nito kaya naman agad siyang kumilos.
"Kumalma ka, ate. Magpapadala ako ng mga tao diyan para tulungan ka sa paghahanap kay Perry. Hintayin mo rin ako dahil lilipad ako ngayon din pabalik ng Pilipinas. Basta ipangako mong babalitaan mo ako kaagad kapag may nakuha na kayo ng lead, okay?"
"O-okay."
Mabilis niyang ibinaba ang tawag saka pinahanda kay Walter ang mga dapat ihanda. Tinawagan na rin niya ang isa pa nilang pinsan na palitan muna siya pansamatala sa pagpapatakbo ng REI hanggat nasa Pilipinas siya na agad din nitong pinaunlakan. Hindi siya pwedeng maupo na lang. Kailangan niyang mahanap ang nobyo sa lalong madaling panahon.
Nasa kalagitnaan na sila ng himpapawid ng muling tumawag sa kaniya ang kapatid.
"Hello, anong balita?"
"T-tumawag ang mga pulis sa akin at may nagreport daw tungkol sa naganap na kidnapping malapit sa park. At base sa salaysay nito, si Perry nga ang dinukot ng mga hindi pa nakikilalang mga lalaki. Aalamin pa raw nila sa nakuha nilang CCTV footage na malapit sa pinangyarihan," mahabang imporma nito.
Naikumo niya ang kaniyang mga kamay. "Salamat sa info, ate. Malapit na rin kami kaya lakasan mo ang loob mo."
Hindi tuloy niya maiwasang sisihin ang kaniyang sarili. Kung hindi sana siya umuwi kaagad ay nandoon sana siya sa tabi nito. Kung bakit ba naman kasi nagsabay-sabay ang mga problema niya, ang pagkakaroon ng sakit ng kaniyang ama, problema sa REI at sa pagkawala ni Perry.
Pero isa lang ang sinisiguro niya. Sa oras na may mangyaring masama kay Perry ay sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa impyerno.
HINDI mapakaling nagpabalik-balik ng lakad si Pearlina, ang ina ni Perry, sa harap ng mga pulis na siyang kasama niya sa bahay na naghihintay ng tawag mula sa mga kumidnap sa anak niya. Baka kasi biglang tumawag ang mga ito at humingi ng ransom.
Pero kung sakali mang manghingi ng malaking halaga ang mga ito, saan naman siya kukuha ng pantutubos niya sa anak?
Bumuntong hininga siya. Isa lang ang pumapasok sa isip niya. Ang Flower Shop. Kung kinakailangan niyang ibigay ang flower shop sa sindikato ay ibibigay niya kapalit ng buhay ng kaniyang anak.
Napahawak siya sa kaniyang sintido. Iniisip kong sino ba ang pwedeng gumawa niyon sa kaniyang anak. Hanggang sa tumunog ang kaniyang cellphone at mabilis na sinagot ng makita niyang unregistered ang tumatawag.
"H-hello?" nanginginig na bungad niya.
"Pearl, si Richard 'to—"
"Ano bang kailangan mo, huh? Hindi mo na ba talaga ako patatahimikin?! Nawawala na nga ang anak—"
"Kasama ko siya," mabilis na sabi nito.
Napahinto siya. "A-ano? K-kasama mo ang anak ko? Nasaan siya? Saan mo siya dinala?! Sinasabi ko na nga ba! Ikaw ang dumukot sa kaniya!"
Bumulong ito. "Hindi! Hindi ako. Kinuha siya ni Alendis kaya makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko."
"At bakit naman ako makikinig sa 'yo, huh?! Hindi ba't matagal mo ng gustong kunin sa akin ang anak ko?!"
"Hindi ganoon iyon. Saka na ako magpapaliwanag sa 'yo. Ang importante mailigtas muna natin ang anak natin bago mahuli ang lahat," kalma nito sa kaniya.
Tama ito. Hindi iyon ang oras para magsisihan silang dalawa gayong nasa panganib ang buhay ng kanilang anak.
"N-nasaan kayo?" tanong niya saka tinapunan ng tingin ang mga kasama niyang mga pulis na siyang tine-trace na ang lugar ni Richard mula sa tawag nitong nakaconnect sa device na hawak ng NBI na tinanguan naman ng pulis na ang ibig sabihin ay nakahanda na sila.
"Nandito kami ngayon sa Batangas. Nasa kalagitnaan kami ng karagatan. Kailangan ninyong pumunta ngayon din dito para iligtas ang anak natin. Nag-iisa lang ang lumang barko rito na kulay berde na malapit sa Batangas Port. Sige na, kailangan ko ng patayin ang tawag bago pa nila ako mahuli." At namatay na nga ang tawag.
Naguguluhan siya. Ano ang kinalaman ng kaniyang asawa sa pagdukot sa kaniyang anak? Ano ang koneksyon nito sa Alendis na nabanggit nito?
"Na-trace na namin, Mrs. Millares," imporma ng pulis kaya naman agad siyang lumapit sa mga ito.
"M-maaari ba akong sumama sa operasyon ninyo, Chief?" tanong niya nang magpasya ng umaksyon ang mga ito.
Umiling ang pulis. "Masyadong delikado po para sa inyo na sumama pa, Misis. Mas maganda siguro kong manatili na lamang kayo rito at maghintay dahil mas magiging ligtas kayo. Babalitaan na lang namin kayo kaagad kapag nasa kamay na namin ang iyong anak."
"Pero—"
"Pearl, sundin na lang natin ang mga pulis. Makakagulo ka lang sa kanila kapag sumama ka pa," pigil sa kaniya ni Paris na siyang karamay niya ngayon.
"Pero hindi ko kayang maghintay na lang ng walang ginagawa rito, Paris, habang ang anak ko ay nasa bingit ng kamatayan!" giit pa niya.
Inalalayan siya nitong umupo sa sofa. "Mas napapadali ang trabaho ng mga pulis kung wala silang dalang obligasyon sa operasyon."
Napayuko siya at hindi na nagsalita. Tama ang kaibigan niya. Magiging pabigat lang siya kung sasama pa siya.
"Sige na ho, Chief. Kayo na po ang bahala. Maghihintay po kami rito," anito sa mga pulis habang pinapatahan siya sa sofa.
Tinignan niya ang kaibigan. "Ano nang gagawin natin Paris? Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa aking anak."
Hinawakan nito ang magkabila niyang kamay. "Magiging maayos din ang lahat. Mabait na bata si Perry. Hindi siya pababayaan ng Diyos."
Niyakap niya ang kaibigan at saka umiyak sa balikat nito. Ngunit agad din siyang bumitaw nang may maalala siya.
"S-si Julius! Kailangang malaman niya kung saan dinala ang aking anak," aniya saka mabilis na tinawagan ang kapatid.