ALAM ni Perry na naparami siya ng inom na alak pero bakit tila nawala iyon nang romansahin siya ng lalaking ito? Ang lalaking mas piniling romansahin ang kapwa nito lalaki kaysa sa babae.
And that only means one thing, he's neither homosexual like him nor bisexual.
"W-wait! M-my ear." Perry startled when the man stops kissing him and started to lick his left ear.
"Why? You don't like it?" he said in a husky voice.
Instead of answering, Perry moaned.
The guy grinned. "I doubt it." Then he continued playing with his ear.
"f**k!" Perry flinched when the man started to play with his sensitive body part using his forefinger.
"N-not there..." Perry added. He couldn't imagine that his so sensitive in that part.
The man stops again and smirked. He slowly unbuttons his polo without breaking eye contact with him.
Dahil doon ay muli niyang nasilayan ang bako-bako nitong tiyan. Kita din niya ang mununting buhok nito sa ibaba ng pusod nito.
"Eyes up here, young man," anito kaya naman nag-angat siya ng tingin.
Those eyes again. His eyes really look like a black hole who can hypnotize any man.
"Are you ready?" anito nang mapadpad ang kamay nito sa tali ng suot nitong board short.
Nalunok niya ang namuong bikig sa kaniyang lalamunan saka pumikit.
"Don't tell me your scared?" umiling siya.
"Then open your eyes," mando pa nito na muli niyang kinailing.
"Why? You're a virgin?" Tumango-tango siya habang mariin na nakapikit pa rin.
Ito na ba 'yon? Isusuko na ba niya ang bataan? At sa lalaking ito pa?
Nasa malalim siyang pag-iisip nang muli itong bumulong sa kaniya dahilan para kilabutan siya.
"I promise you that I will be responsible to you. I will give you a mind blowing intense night that you never had," anito na ikinatango niya kaya muli siya nitong sinunggaban ng halik.
Hanggang sa naging sunud-sunuran na siya rito at kusa ng isinuko ang sarili.
KINABUKASAN ay nagising si Perry ng mataas na ang sikat ng araw. Napadaing pa siya nang maramdaman niyang parang umiikot at binibiyak ang kaniyang ulo. Pupungas-pungas pa siya nang hilamusan niya ang kaniyang mga mata gamit ang likod ng kaniyang mga palad kahit na masakit pa rin ang mga pasa niya sa mukha.
Akmang tatayo na siya nang maramdaman niya ang kirot sa kaniyang pang-upo dahilan para maalala niya ang mga nangyari sa kanila ng lalaki. Mabilis niyang nilingon ang kabilang bahagi ng kama ngunit wala na ito roon.
Nasaan na ito? Umalis lang ba ito sandali at babalik din? O tuluyan na siya nitong iniwan? Bakit parang pati ang puso niya ay bigla yatang sumakit sa isiping iyon?
At dahil ayaw iyon tanggapin ng kaniyang isip ay pinilit niyang tumayo kahit na namimilipit siya sa sakit ng pang-upo niya.
"Ah! s**t!" daing niya nang sa unang hakbang pa lang niya ay sunod na ring sumakit ang kaniyang balakang.
Para siyang sinesentensyahan sa sitwasyon niya. Halos sa dingding lang siya kumukuha ng suporta marating lang ang banyo. Mabuti na lang at maliit lang ang cabin kaya sa ikatlong hakbang niya ay narating na niya ang banyo. Pinakinggan muna niya kung may naliligo pa roon o wala. Nang wala siyang marinig na lagaslas ng tubig o kahit anong ingay mula sa loob ay nagdesisyon na siyang buksan iyon.
Napasandal siya sa pader. "Nasaan na siya?" tanong niya sa sarili nang hindi niya ito nakita roon.
Bumuntong hininga siya. "Babalik siya," kunbinsi niya sa sarili kaya naman nagdesisyon siyang ibabad muna ang sarili sa shower upang mahimasmasan. Umunom na rin siya ng gamot para sa headache at body pain para kahit papaano ay mabawasan ang iniinda niyang sakit sa katawan.
Tapos na siyang magshower at kasalukuyan na niyang tinutuyo ang kaniyang buhok sa harap ng salamin nang makita niya ang iilang mga pulang marka sa kaniyang katawan dahilan para bumalik sa balintataw niya ang mga nangyari sa kanila ng lalaki kagabi. At hindi siya makapaniwala na napakalakas ng stamina nito. Hindi siya tinigilan hanggat hindi nito nagagawa lahat ng posisyong maaari nitong gawin sa kaniya. Hindi niya akalain na magagawa rin niya ang mga bagay na kay Harrison niya lang gustong gawin noon.
Nabalik lamang siya sa sarili ng marinig niyang bumukas ang pinto ng cabin. Dali-dali siyang lumabas ng banyo ng may ngiti sa mga labi ngunit agad din iyong nawala ng hindi ang lalaki ang dumating kundi isang chamber maid.
Bahagya pa itong napatalikod nang makitang nakabalot lamang sa tuwalya ang ibabang parte ng katawan niya.
"I'm s-sorry, Sir! I thought the guest here already left, so I was ordered to clean this cabin," anito habang nakatalikod pa rin.
Kunot-noong kinuha ni Perry ang mga damit niya kagabi sa sahig at agad na isinuot. Medyo naguluhan siya sa sinabi ng babae kaya naman tinignan niya ang maliit na cabinet doon at nagalit ang mga ngipin niya nang wala na siyang nakitang mga gamit doon ng lalaki.
"You can face me now." Hinarap naman siya ng babae. "H-how come the guest left already if we're here in the m-middle of the ocean?" nanginginig na tanong niya rito.
Gusto niyang magwala at magalit ngunit ayaw niyang takutin ang babaeng crew kaya naman pinigilan niya ang sarili na sumabog sa isiping iniwan siya ng lalaki ng wala man lang paalam.
"I think he's the one who picked up by a helicopter earlier."
Napahilamos siya sa nalaman at pinilit na naglakad ng maayos makaalis lang sa cabin na iyon. Nang makabalik siya sa sarili niyang cabin ay doon niya ibinuhos ang kaniyang sama ng loob.
"Ang tang*-tang* mo Perry! Bakit mo ibinigay ang sarili mo sa taong hindi mo naman lubos ng kilala!" sisi niya sa sarili na kung nakakapagsalita lang ang mga unan, kumot at bed sheet ay baka nagreklamo na ang mga ito sa kaniya dahil sa paggulo niya roon.
Umupo siya sa kama habang hawak ang kaniyang buhok at parang baliw na natawa sa sarili. "I-it's just a one night stand. It's just a f*****g one night stand for him, Perry!" sigaw niya na kung hindi lang matindi ang kapit ng buhok niya sa kaniyang anit ay baka nakalbo na siya sa sobrang galit at poot na nararamdaman niya.
Naging mahina siya. Hinayaan niya ang sarili na isuko ang kaniyang kainosentehan para sa isang lalaking walang kwenta't paninindigan. Masyado siyang nagpadala sa mga kilos at salita nito. Akala niya natangpuan na niya ang lalaking magpapasaya sa kaniya, ang lalaking bubuo sa durog niyang puso mula kay Harrison, ngunit iba ang kinalabasan. Sa isang pitik lang ay ganoon na kadali para rito na iwan at kalimutan siya.
Sa sitwasyon niya ngayon, parang mas malala pa ang nangyari sa kaniya kaysa kay Harrison. Buong akala niya makakalimot siya sa paglalakbay niya na iyon pero mas lalo lang palang lumala. Mas gumulo lang ang isip niya ng dahil sa lalaking iyon.
Mas mabuti na rin na hindi na niya nalaman pa ang pangalan nito dahil lalo lang niya itong iisipin. Pipilitin niyang kalimutan ang mga nangyari, kakalimutan niyang may isang lalaking dumaan sa buhay niya na walang ibang hinangad kundi ang pagsamantalahan ang kaniyang kainosentehan. Kung mayroon lang din sanang helicopter na susundo sa kaniya sa cruise ship ay uuwi na siya ora mismo ng Pilipinas.
NANG DUMAONG ang kanilang barko ay agad silang nagtungo sa mga nakaabang na mga bus upang dalhin sa iba't ibang tourist spot ng Germany. Kita sa mukha ng mga kasamang dayuhan ni Perry ang excitement ngunit hindi iyon uso sa kaniya.
Habang bumabyahe sila ay may isang tourist guide na nagsasalita sa harapan ngunit wala doon ang atensiyon niya. Kahit sabihin na maganda ang tanawin ay hindi magawang humanga ni Perry. Nawalan na siya ng gana. Kung pwede nga lang niya hilain ang oras ay hinila na niya makauwi lang agad ng Pilipinas. Ni ang kumuha ng mga litrato sa kaniyang cellphone ay labag pa sa loob niya.
Alam niya kasing hahanapan siya ng kaniyang ina kaya kahit ayaw niya ay ginagawa pa rin niya. Nang maalal ang kaniyang ina ay agad niya itong tinawagan.
"Anak! Kumusta? Bakit nakasimangot ka sa mga sinend mong pictures sa akin?" bungad na tanong nito sa kaniya.
"Mainit kasi, Ma, kaya poker face ako," pagdadahilan niya.
"Ah, basta! Dapat mag-enjoy ka, anak!"
"Opo, Ma! Huwag din kayo masyadong magpagod."
"Sige na, anak at marami akong customer ngayon."
"Bye!"
"Bye!"
Pagkababa niya ng tawag ay siya namang paghinto ng kanilang bus.
"Welcome to the magnificent Elbphilharmonie!" sabi ng tour guide.
Ang kamangha-manghang Elbphilharmonie o kilala bilang Elphi ay matatagpuan sa puntong peninsula ng Grasbrook, ang bagong gusaling ito ay naging pangunahing palatandaan ng lungsod, at itinuturing na isa sa pinakamalaki - at pinaka-kaaya-aya - na mga bulwagan ng konsyerto sa buong mundo.
Matapos nilang malibot ang lugar na iyon ay sunod naman nilang pinuntahan ang Hamburg Art Hall, ang isa sa nangungunang art galleries ng Alemanya. Kabilang sa mga highlight ang maraming mga altar pieces na gawa ng mga lokal na artist ng ikalabing-apat na siglo, at mga Dutch masters ng ikalabing-anim at ikalabing pitong siglo. Kapansin-pansin din ang magagaling na koleksyon ng mga kuwadro ng Aleman at Pranses noong ikalabing-siyam na siglo, kasama ang malalaking moderno at kapanahong mga koleksyon ng sining. Mga paglilibot at kasiya-siyang programa para sa mga bata ay magagamit.
Matapos ang mahaba-habang pag-iikot na iyon ay nagkaniya-kaniya silang kain sa Mall sa loob lamang ng tatlumpong minuto dahil may sunod pa silang pupuntahan para sa araw na iyon.
Matapos ang ibinigay sa kanilang oras ay agad na silang bumalik ng bus upang puntahan ang International Maritime Museum. Ang magandang lugar upang matuklasan ang higit pa tungkol sa mayamang kasaysayan sa dagat ng Hamburg at lahat ng mga kaugnay sa dagat. Makikita sa pinakalumang bodega ng lungsod, isang napakalaking gusali ng red-brick sa lugar ng HafenCity, ang mga kamangha-manghang eksibisyon ng museyo ay sumasaklaw sa higit sa three thousand years na koneksyon ng tao sa tubig. Ang pinakalumang artifact na ipinakita ay isang dugout boat, na puwang sa puno ng puno libu-libong taon na ang nakararaan, na nakuha mula sa Elbe.
Ang Museum of Art and Design ng Hamburg naman na matatagpuan malapit sa istasyon ng tren, ay nasa tabi ng Bavarian National Museum sa Munich bilang isa sa pinakamalawak na pagpapakita ng Aleman, Europa, at sining na inilapat sa Asya. Partikular na kilalang kilala ito sa mga displays ng china, muwebles, at pilak mula sa hilagang Alemanya. Gayundin ng interes ay isang malaking koleksyon ng mga instrumento sa keyboard, pati na rin ang isang mahusay na pagpapakita ng porselana. Magagamit ang mga wikang Ingles na may gabay na tours, at matatagpuan ang isang restawran at bookshop sa mga lugar.
At ang huli naman nilang pinuntahan ay ang Altona. Sa itaas ng mataas na pampang ng Elbe ay ang buhay na buhay, na Altona district ng Hamburg. Sikat ito para sa pamamasyal dahil sa maraming kaakit-akit na mga bahay na Neoclassical, marami sa kanila ang protektado bilang mga monumento ng kasaysayan.
Dito rin makikita ang Museumstrasse, na tumatakbo sa hilaga mula sa dulo ng Palmaille, at ang Altonaer Museum na may mga eksibit na nauugnay sa geology, landscape, settlement, at ekonomiya ng Schleswig-Holstein at ng rehiyon ng Lower Elbe. Kasama sa iba pang mga highlight ang pagpapakita ng mga artifact sa dagat, kabilang ang mga lumang modelo at napanatili na mga figure ng barko.
KINAGABIHAN ay agad na dumiretso si Perry sa bar ng tinutuluyan nilang hotel matapos niyang makapagpahinga ng dalawang oras. Bukas na kasi ang huling araw nila roon kaya naman hinayaan na muna niya ang sarili na magliwaliw. Pero natuto na siya. Hindi na siya basta magtitiwala sa mga taong nasa paligid niya.
Napahinto siya sa kaniyang pag-inom ng maramdaman niyang puno na ang pantog niya. Naghuhugas na siya ng kaniyang kamay sa labatory ng banyo nang may mahagip siyang pamilyar na pigura sa likod niya mula sa salaming nasa harap niya. Hindi na nga niya nagawang punasan ng tissue ang kaniyang kamay dahil dali-dali niyang hinabol ang lalaki.
Hindi siya pwedemg magkamali. Nakita niya ang lalaki. Nang makita niya itong paliko na sa pathway ng bar ay agad niya itong hinabol at hinablot sa braso nito!
"Hey!" pigil niya rito.
Napabitaw naman siya ng ibang tao na ang nasa harapan niya.
"What's wrong with you, man?" tanong nito.
Agad naman niya itong binitiwan sa braso saka humingi ng tawad nang mapagsino niya ang lalaking kaharap. "I-i'm sorry! I've mistaken you for s-someone else."
Inayos naman nito ang nahila niyang damit nito at masungit na tinalikuran siya.
Napasandal siya sa pader saka sarkastikong tinawanan ang sarili. "Ano bang nangyayari sa akin? Guni-guni lang pala," kausap niya sa sarili.
May pumatak na luha sa kaniyang mga mata. "Bakit ba hanggang ngayon umaasa pa rin ako na makikita ko siya? Sino bang niloko ko? Bakit ba hindi maalis sa isip ko ang lalaking iyon kahit na inabanduna na lang niya ako basta-basta?"
Napailing na lang siya. Mukhang kailangan na niyang bumalik ng kaniyang unit dahil nagha-hallucinate na siya at mahirap ng masangkot ulit sa gulo. Baka maulit pa ang nangyari noon sa barko.