UNBEARABLE THIRTEEN

2447 Words
After two weeks. . .  "ARGH! What's happening to me? Why can't I get him out of my mind?" Perry hissed when he couldn't focus on finding a job through the internet because he was always haunted by what happened that night. The night he surrendered his innocence to a stranger. Hanggang ngayon kasi kahit na dalawang linggo ma ang nakakalipas ay iniisip pa rin niya ang lalako. Ang lalaking kahit anong bakas ay walang iniwan sa kaniya kahit sulat man lang. Tanging mga marka sa katawan at maiinit na mga alaala lang ang iniwan nito sa kaniya na gabi-gabi siyang dinadalaw. Nang dahil sa lalaki ay nawala nga sa isip niya ang kaibigang si Harison ngunit inakupa naman nito ang buong sistema niya. Kapag naiisip niya si Harison ay wala na ang sakit at napapangiti na lang siya sa mga kalokohan niya ngunit pagdating sa lalaking nakilala niya sa cruise ship ay may kakaibang kirot siyang naramdaman. Pakiramdam niya naging parausan lamang siya ng estrangherong iyon. Pero aaminin niya na nagustuhan niya ang pinagsaluhan nilang mga haplos at halik ng lalaki. Hindi niya pinangarap na maging buttom pero mas masarap pala iyon sa pakiramdam. Napasabunot siya sa kaniyang buhok. "Ah! Tantanan mo na ako, utang na loob!" suway niya sa sarili saka muling naghanap ng maa-apply-ang trabaho sa kaniyang laptop. Kasalukuyan siyang nagba-browse sa JobStreet.com. Isang job portal na itinatag sa Malaysia. Ito ngayon ang pinakamalaking kumpanya sa online na pagtatrabaho sa Timog Silangang Asya, ayon sa Forbes. Kasalukuyan itong naghahatid ng eighty thousand na mga customer sa korporasyon at labing-isang milyong naghahanap ng trabaho. Even as early as in July 2010, ang serbisyo ng grupoa ay higit sa sixty thousand corporate customer at higit sa pitong milyong naghahanap ng trabaho. Ang punong tanggapan ay nasa Kuala Lumpur, Malaysia at ang lugar na pinagsisilbihan ay ang Timog Silangang Asya, Japan, India, at West Europe. Sa halos isang oras na paghahanap niya ay wala siyang nakita na magfi-fit sa kursong tinapos niya. At hanggang ngayon ay wala pa ring kumpaniyang tumatanggap sa kaniya sa mga in-applyan niyang trabaho kaya naman dismayadong sinara niya ang kaniyang laptop nang biglang may kumatok sa pinto ng kaniyang kwarto. "Bukas 'yan!" hiyaw niya dahil alam niyang ang ina lang naman niya iyon. "O, nakahanap ka na ba ng kompaniyang papasukan mo?" bungad ng kaniyang ina habang may dala itong isang baso ng gatas na kaagad na iniabot sa kaniya. Napangiti siya. Tiyak na isa iyon sa mamimis niya sa oras na mawalay na siya rito kapag nakahanap na siya ng trabaho. Kaya nga mas pinili niyang mag-aral sa malapit kaysa ang lumuwas pa sa kung saan-saan dahil sa kaniyang butihing ina. "Hindi pa nga po, e. Siguro next week na lang ulit ako magba-browse sa JobStreet baka sakaling may bago silang update," aniya saka ininom ang gatas. Hinimas nito ang likod niya. "Huwag mo ng isipin pa iyan dahil may nahanap na ang Uncle Julius mo ng magandang kompaniya na babagay sa tinapos mong kurso." Napangiti siya sa naging anunsyo ng kaniyang ina kaya nasabik siya nang ipinakita sa kaniya ang isang e-mail mula sa hawak nitong cellphone. "Red Eagle Incorporated?" Basa niya sa e-mail na ipinadala sa kaniyang ina. "Nabanggit ko kasi sa kaniya noong isang araw na naghahanap ka pa rin ng trabaho nang kumustahin ka niya sa akin. At ang sabi niya, tamang-tama raw dahil magreresign na ang kasalukuyang executive secretary ng REI. Kaibigan kasi ng kaibigan ng Uncle mo ang may ari ng REI kaya naisip niya na ikaw na lang ang irekomenda sa kaibigan niya. Hindi raw kasi basta makakaalis kaagad doon ang isang empleyado hangga't walang nahahanap na kapalit. At saka, balita ko maganda raw sa kompaniyang iyon. Iyon ay kung papayag ka," mahabang litaniya nito habang hinihimas ang kaniyang buhok. Gusto niya. Gustung-gusto niya. Ngunit bigla siyang nag-alala sa kaniyang ina nang makita niya kung saan matatagpuan ang REI. "Pero hindi ba parang ang layo naman yata n'on, Ma? Paano ka? Hindi naman kita pwedeng iwan na lang basta dito ng mag-isa." Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. "Ikaw talagang bata ka! Malakas pa ako sa kalabaw sa edad kong ito. Para nga lang tayong magkapatid sabi ng mga nakakakita sa atin, hindi ba? Kaya huwag ka ng mag-alala siyan. Kaya ko ang sarili ko. Ang impprtante sa akin ay ang maabot mo ang mga pangarap mo." Kung sabagay, hindi niya dapat pinapalampas ang mga ganoong oportunidad dahil malaki din ang sasahurin niya kapag sa ibang bansa siya nagtrabaho. Nangilid ang mga luhang niyakap niya ang kaniyang ina. "Paano kung balikan ka ulit ni Papa dito?" "Wala naman siyang mapapala sa akin dahil wala ka na dito nun kapag nagkataong nasa Germany ka na. Mas magiging kampante pa ako na nasa malayo ka para hindi ka niya mahanap." Nayakap niya ang ina sa bewang nito habang nakaupo pa rin siya sa harap ng study table niya. "I love you so much, Ma! Thank you for everything. Thank you for being the best mom in the world. I'm lucky that you're always by my side." She caressed his back. "I love you too, anak. Good luck with your journey. And I'm also lucky to have a son like you. And always remember that I'm so proud of you no matter what." Pinutol niya ang yakapan nila. "Kakilala pala ni Uncle ang may ari ng REI? Baka nagkita na rin sila ni Uncle. Dapat pala kaibiganin ko ang magigimg bosa ko kung sakali mang matanggap ako." "Bakit naman?" "Baka kasi may litrato silang magkasama ni Uncle kasama ang kaibigan nila." Ginulo nito ang buhok niya. "Ikaw talaga! Gustong-gusto mo na talaga makita ang Uncle mo, ano?" "Syempre naman, Ma!. Iba pa rin kapag sa personal ka nagpapasalamat." "Naku! Ang bait-bait talaga ng anak ko!" "A-aray, Ma! M-masakit po!" angil niya ng panggigilan ng kaniyang ina ang magkabila niyang pisngi. "Ang cute-cute talaga ng anak ko!" gatong pa nito saka pinisil ang kaniyang ilong. Napanguso siya. "Ma, naman! Ginagawa mo na naman akong bata!" "Bakit ba? E, sa ikaw ang nag-iisang baby ko." "Ma!" suway niya. "Hay. . . Oo nga pala, nakalimutan ko na pwede ka na pala gumawa ng baby." Naitungga niya ng wala sa oras ang kaniyang gatas dahil sa sinabing iyon ng kaniyang ina. "Ma! Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng anak." "Ay, wala ka pa nga palang nobya kaya hindi pa pwede. Pero kailan ka ba maghahanap ng mamanugangin ko, huh?" "Matagal pa 'yon, Ma! Kaya huwag mo na muna isipin 'yon." "Aba'y bakit? Hihintayin mo pa bang ma-expire ang sperm cells mo bago ka maghanap ng mapapangasawa?" "Ma! Ano ba mga pinagsasasabi mo? Alam mo namang wala kaming expiration ng mga lalaki." "Alam ko naman iyon, anak. Ang iniisip ko lang naman ay tumatanda na ako." "Bata pa kayo, Ma." "Ah, basta! Dapat makahanap ka na ng mapapangasawa mo sa Germany para naman may mag-aalaga sa 'yo doon habang wala ako sa tabi mo." Malungkot siyang napangiti. Wala talagang makakapalit at makakapantay sa kaniyang ina. Hanggang ngayon tuloy nagi-guilty pa rin siya sa mga kasinungalingan niya noon at sa pagtatago niya sa tunay niyang pagkatao. Masayahin ang kaniyang ina at ayaw niyang burahin iyon. "Sige na, sige na!" pagsang-ayon niya para tumigil na ito sa pangungulit sa kaniya. "Teka! Bakit pinapaalis mo na ako? Gusto ko pa makipagkwentuhan sa 'yo, anak!" anito nang pinatalikod niya ito sa kaniya saka igibayak palabas ng kaniyang kwarto. "Matulog ka na, Ma at maaga pa tayong magbubukas ng shop bukas." "Pero, Perry—" "Good night, Ma! Sweet dreams!" "Ang batng iyon talaga, oo," rinig pa niyang sabi ng kaniyang ina ng maisara na niya ang pinto. Baka kasi kung saan-saan na naman aabot ang usapan nila. NANG MAGPAALAM sa kaniya ang kaniyang ina ay muli niyang binuksan ang kaniyang laptop upang makapagpasa na ng kaniyang resume at para na rin alamin ang tungkol sa REI. "Wow!" komento niya nang makita niya ang website ng REI. Namangha rin siya nang malaman niya na nangunguna ang REI sa buong Europe. Wala siyang nakitang kahit na anong negative tungkol sa kompaniyang iyon. Bukod doon ay malaki ang sahod at benepisyong nakukuha ng mga empleyado kaya hindi nakakapagtakang napakaraming gustong makapasok doon. Ayon pa sa mga nakalap niya, marami din ang tumatagal na mga empleyado roon at gumanda ang buhay. Ngunit hindi raw biro ang pagpasok doon dahil sa exam at matinding training. "Owned by Mr. Adalius Meier?" basa niya sa unang pangungusap at napahinto si Perry sa pag-i-scroll down matapos niyang makita at mabasa ang pangalang iyon. Tila may kung anong hatid na kilabot sa kaniyang katawan ang pangalang iyon. Napalunok siya at mabilis na nagbukas ng panibagong tab para i-search ang pangalang iyon sa google. Ngunit laking dismaya niya nang wala man lang siyang nakitang malinaw na larawan nito kahit na isa. Mayroon man ngunit hanggang dibdib lamang ang pagkakakuha rito ng litrato. Ang iba naman ay may mga mukha na lumalabas ngunit hindi tiyak kung sino ito sa mga iyon dahil ang iba ay may pangalang Adalius ngunit iba ang mga apilyedo. Ang iba naman, Meier ang apilyedo ngunit iba naman ang mga pangalan. Sa madaling salita, wala siyang nakita na iksaktong 'Adalius Meier'. May lumabas man na related dito, iyon ay ang logo lamang ng REI. "What a mysterious man," aniya nang balikan niya ang tungkol sa history ng REI dahil simula raw nang maupo ito bilang CEO ay wala ng nakakakita rito kahit mismong mga empleyado nito. Kung magkakaroon man ito ng mga interviews o board meetings ay palaging sa screen lamang nakikita at hindi ipinapakita ang mukha sa madla. Kung mayroon man daw na nakakakita rito at nakakakilala ay tanging mga kamag-anak, kaibigan at mga servants lang nito. "Am I one of the lucky ones to meet and see him in person?" biglang tanong niya sa sarili. Ngunit agad din siyang napailing dahil hindi pa naman siya sigurado kung maipapasa ba niya ang interview niya o hindi pero syempre, ibibigay niya ang best niya. Hindi niya bibiguin ang kaniyang ina't tiyuhin. KINABUKASAN ay sinamahan muna ni Perry ang kaniyang ina sa kanilang flower shop habang naghihintay soya ng tawag sa REI at ibang mga kompaniyang pinasahan niya online. Nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos ng isang boquet nang biglang may pumasok na lalaking customer. Itinigil niya sandali ang ginagawa saka nginitian ang bagong pasok na customer "Good morning, Sir! Welcome to Millares Flower shop! Ano po ang hanap nila?" bati niya na halos mawala na ang mga mata niya dahil sa maganda niyang ngiti. Siya na ang bumati rito dahil abala pa ang kaniyang ina sa likod ng shop kung saan ibinababa ang mga bagong dating nilang mga bulaklak kaya siya muna ang pinabantay sa shop. Nawala ang ngiti niya nang wala siyang narinig na pagbati mula rito. Pagtingin niya ay bigla itong umiwas ng tingin sa kaniya. Kita din niya na bahagyang namumula ang tainga nito. Sa tingin niya mas bata ito sa kaniya ng tatlong taon. "Para sa anong okasyon, Sir? May natipuhan na po ba kayong bulaklak?" agaw atensiyon niya rito nang makalapit siya. "Ahm. . . Wala namang importanteng okasyon. At oo, nakapili na ako," hindi makatinging sagot nito sa kaniya. "Ano po bang napili niyo?" "Ikaw!" Natigilan siya sa narinig. Hindi niya alam kung tama ba ang rinig niya o nabingi lang siya. "H-huh?" Mukha namang natauhan ito at bigla na lang itiuro ang pink roses sa gilid. "A-ang ibig kong sabihin, mayroon ba kayong ibang kulay ng rose bukod sa kulay pula at puti?" "Sino ba ang pagbibigyan mo? Para ba sa girlfriend mo?" "H-hindi. Para sa c-crush ko." "Magtatapat ka na ba ng pag-ibig mo sa kaniya?" Tumango ito. "Talaga? Kung ganoon, yellow with red tip roses ang ibigay mo sa kaniya." "Bakit yellow with red tip? Hindi ba pwedeng kahit anong kulay na lang o kung ano na lang ang paboritong kulay ng taong pagbibigyan ko?" "Bawat kulay kasi ng mga rosas ay may iba't ibang mga kahulugan o ibig sabihin," paliwanag niya. Nakita naman niyang interesado ito kaya naman pinagpatuloy niya ang pagbibigay trivia dito. "At alam mo rin ba na katulad ng araw ng mga puso ay fourteen din ang kulay na mayroon ang rosas. At lahat ng kulay na iyon ay mayroon kami dito." "Talaga? Kung ganoon, ano ang sinisimbolo ng yellow with red tip ma rosas?" "Falling in love!" mabilis na sagot niya. "K-kaya pala.l "Ano? Ito na ba ang kukunin mo?" aniya habang itinuturo ang yellow red tip roses. "S-sige, iyan na ang kukunin ko." Napangiti siya. "Ilan ba ang kukunin mo? Mas maganda kasi kung isang boquet na ang bibilhin mo para mas ma-appreciate niya at maipagmalaki niya sa lahat na may isang taong humahanga sa kaniya," sale stalk niya na tinanguan lang ng binata. "Okay! Heto ang greeting card. Isulat mo na ang gusto mong ilagay diyan habang inaayos ko itong mga bulaklak mo." "S-sige." Kinuha naman nito ang card at ballpen na nasa gilid ng counter habang siya ay abala naman sa pagpunch at pag-aayos sa biniling bulaklak. "Okay na ang bulaklak. Sigurado akong magugustuhan niya 'yan," aniya pagkaabot niya ng boquet dito. "S-salamat po!" "Walang anuman. Good luck!" Tatalikod na sana siya para balikan ang naiwan niyang trabaho ng tawagin siya ng binata. "May bibilhin ka pa?" "W-wala naman. Heto . . ." sabay abot sa kaniya ng boquet na binili nito. Kumunot ang noo niya. "May nakalimutan ka pa ba?" Umiling ito habang nakayuko. "P-para sa 'yo!" Nagulat siya sa sinabi nito. "P-para sa 'kin?" sabay turo sa sarili niya. "Hmm!" tango nito. "P-pero bakit? Bakit ako?" "Junior niyo po ako at matagal ko na po kayong hinahangaan sa swimming club." Hindi siya makapaniwala na may isang lalaking magtatapat sa kaniya ng pag-ibig. Pero hindi ito ang tipo niya. At saka isa pa, masyado pa itong bata. "Pero pareho tayong lalaki." "Wala po akong pakialam. Basta ang alam ko lang, ikaw po ang gusto ko." Napangiti siya sa sinabi nito. Pinabilib siya ng batang ito dahil nagawa nitong magtapat ng tunay nitong nararamdaman sa taong gusto nito. Hindi katulad niya na may takot at palaging pinanghihinaan ng loob. Ginulo niya ang buhok nito. "Umuwi ka na! Ibigay mo na lang iyan sa nanay mo para natuwa siya sa 'yo." "B-busted na po ba ako?" nakangusong tanong nito. "Bata ka pa. Marami ka pang makikilala diyan." "Pero—" "Sige na, huwag na matigas ang ulo." Napakamot naman ito sa ulo at wala ng nagawa kundi ang umalis ng bagsak ang mga balikat. Mas maigi na iyon kaysa paasahin niya ito sa wala. At dahil sa lalaking iyon ay may napagtanto siya. Sana naging kasing tapang niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD