UNBEARABLE FOURTEEN

2147 Words
"KINAKABAHAN na ako," bulong ni Perry nang pangalawa na siya sa susunod na iinterviewhin. Hindi rin niya ineexpect na ganito pala karami ang aplikante ng REI. Halos pagpawisan na lahat ng pwedeng pagpawisan sa kaniya kahit na malakas ang aircon. "Pinoy ka pala?" napaatras ng upo si Perry nang bigla siyang kausapin ng lalaking nauna sa kaniya sa pila. "Ah, o-oo. Pinoy ka rin pala." "Oo! Nalaman ko sa internet na hiring sila sa Accounting Department kaya nagbakasakali ako. Ikaw, ano in-apply-an mo?" "Executive Secretary." "Wow! Ang tapang mo naman." Kumunot ang noo niya. "Bakit mo naman nasabi?" "Feeling ko lang nakakatakot siya. Napakamisteryoso kasi ng CEO. Wala pa raw mga empleyado ang nakakakita sa kaniya maliban sa ES at butler nito. Pero swerte mo kung matatanggap ka," anito nang tawagin na ito. "Good luck!" aniya bago ito tuluyang makapasok sa loob ng HR. Sana pareho silang matanggap ng lalaking iyon para naman magkaroon na siya ng kaibigan. Siguradong magkakasundo sila. Pakiramdam niya kasi iisa lang ang kulay ng dugo nila. Napangiti tuloy siya sa naisip. "YES!" Perry shouted when he finally got out of the RED EAGLE INCORPORATED building. He's now the newly hired executive secretary of REI. Hindi siya makapaniwala na agad din maibibigay ang resulta ng exam niya. Medyo nagulat nga siya ng pagpasok niya sa HR ay agad siyang pina-take ng exam. Mabuti na lang at medyo sariwa pa sa utak niya ang iba sa mga tanong sa exam. Theory and analyzation kasi ang type ng pina-exam sa kaniya. Hindi na tuloy siya makapaghintay na makapagsimula. Napakabait ng mga tao roon kaya sigurado siya na marami siyang magiging kaibigan. Binigyan din siya ng tatlong araw bago ang orientation at training niya since wala pa siyang pahinga at hindi pa niya naiaayos ang kaniyang mga gamit sa tinutuluyan niyang apartment na tatlong kanto lang ang layo sa REI. Mabuti na lang din at napilit siya ng kaniyang ina na magdala na kahit papaano ng kaniyang mga damit at kaunting gamit kahit na wala pang kasiguraduhan kung makakapasa ba siya o hindi. Pero kung sakali man na hindi siya nakapasa sa job interview niya sa REI ay marami pa naman siyang mahahanap na ibang mapapasukang kompaniya sa Hamburg, Germany na kahit saan siya lumingon ay marami siyang nakikitang naglalakihan at nagtataasang mga kompaniya. "Oy! Kumusta ang interview? Natanggap ka rin ba?l" bungad sa kaniya ng lalaking aplikante na kumausap sa kaniya kanina sa waiting area. "Ah, oo!" "Nice! Pareho pala tayo. Ay ako nga pala si Homer," pakilala noto saka nakipag-kamay sa kaniya. "I'm Perry." "Can we be friends? Since pareho naman tayong Pinoy." Tumango naman siya. "Nagulat ka ba sa surprise exam kanina?" "Oo! Kahit na alam kong may exam talaga. Akala ko nga, interview muna, tarining bago mag-exam pero hindi pala." "Sinabi mo pa. Para tuloy tayong nag-entrance exam sa school," sambit niya habang naglalakad na sila palabas ng REI. "So, saan na ang punta mo ngayon niyan?" "Sa ngayon ay mamimili muna ako ng ilang mga gamit ko na wala sa apartment na tutuluyan ko." "Ganoon ba? Gusto mo samahan na kita?" "Okay lang. Iyon ay kung hindi ako makakaistorbo sa 'yo?" "Okay lang sa akin. At saka wapa rin naman akong gagawin sa bahay." "Bahay? May bahay kayo dito sa Hamburg?" "Nakikitira kasi ako ngayon sa bahay ng Auntie ko na nakapag-asawa ng German." Tumango-tango siya. "Ayos, ang laki pala ng tipid mo niyan." "Ang Auntie ko kasi talaga ang nagpaaral sa akin ng kolehiyo kaya kinuha niya ako para dito maghanap ng trabaho. Wala din kasi siyang anak na lalaki kaya parang inampon na rin niya ako sa pamilya ko." "Ang swerte mo naman," komento niya. "Ikaw ba? Bakit mo naisipang magtrabaho dito?" "Maliit kasi ang kita sa Pinas. At saka sinabi sa akin ng Uncle ko na maganda raw dito sa Hamburg." "Ayos! Suportado ka rin pala ng uncle mo." "Oo! Pero sabi ko sa kaniya kapag nakuha ko na ang unang sahod ko, ay ako na ang magpapayad ng titirhan ko dito. Nakakahiya din kasi." "Ah, sagot pala niya ang unang buwan ng renta mo." Tumango-tango siya. "Saan na pala ang punta mo niyan?" "Sa Mall. Bibili lang ng ilang gamit at damit pampasok." Mabuti na lang at malaki rin ang naitulong ng European trip niyang iyon dahil kabisado pa niya ang ilan sa mga lugar doon kaya hindi na siya maliligaw. Pakiramdam tuloy niya maswerte pa rin siya sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa kaniya dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa buhay niya. But sometimes he couldn't help but feel sad whenever Harrison enters his mind because he really wanted to say goodbye to him, but he never got a chance to see and talk to him again due to his busy work schedule. Maybe he still can't forgive him. "Sige samahan na kita. Bibili na rin ako ng mga damit ko." "Sige, tara!" "CAN I have a small size of this blue, grey, and pink long sleeve polo, please?" hinging pabor niya sa sales lady na nakabuntot sa kanila ni Perry. "Right away, Sir!" Saka nito kinuha ang iniabot niyang long sleeve polo. "Oh, wait! And three black slacks size 28. Thank you!" pahabol naman ni Perry na agad ding pinaunlakan ng sales lady. Since executive secretary ang posisyon niya sa REI, naisip niya na ganoon na lang ang isuot dahil nakakahiya naman kung magco-coat pa siya. Hindi naman siya manager o board of directors. Tatlong pares lang ang binili niya dahil may kamahalan din ang mga bilihin sa Hamburg. Magwa-wash and wear na lang siya. Sanay naman siyang maglaba dahil siya minsan ang naglalaba ng mga damit niya. Nang maibigay sa kanila ang mga polo ay sunod naman silang pumunta sa bilihan ng mga sapatos. "Hindi ka bibili ng sapatos?" tanong ni Perry habang namimili ito ng black lether shoes. Nakaupo lang kasi siya sa waiting area habang tinitignan ang mga pinipiling sapatos ni Homer. Umiling siya. "Hindi na muna. Pwede pa naman ang sapatos ko. Pwede pa naman ito. At saka madadaan naman sa kiwi para magmukhang bago." "Ganoon ba? Sa akin kasi bibigay na talaga." "Sige, pumili ka lang. Maghihintay ako," aniya na agad naman tinanguan ni Homer." Matapos ang pamimili ng sapatosnay sunod naman nilang pinuntahan ang beauty and body shop section para sa toiletries nila. "Can I have one of F62 of this scent, please!" aniya sa sales lady saka iniabot ang Aficionado Germany Perfume rito. "Iyan pala ang scent mo. Ako kasi F22." "Talaga ba? Aficionado din pala ang pabango mo." "Oo. Iyon lang kasi ang mura at kilala ko," sagot naman ni Homer. Para sa kaniya ay iyon lang din ang afford niya. Iyon na rin kasi ang ginagamit niyang pabango mula noon at maganda na rin na tinatangkilik ang produkto ng mga kapwa niya Filipino since Filipino naman ang may ari ng Aficionado Perfume. Nang mabili na niya ang lahat ng kailangan sa Department Store ay sunod naman niyang pinuntahan ang Supermarket para makapag-stock na siya ng mga pagkain niya. Mabuti na lang at kumpleto sa appliances ang apartment niya kaya hindi na siya mahihirapan na magluto ng mga kakainin niya. Bumili na rin siya ng tickler at isang ballpen na gagamitin niya sa orientation at training niya. NANG SUMAPIT ang orientation day ay maaga't mabilis na kumilos si Perry dahil sa orientation at training pa lang niya ay bayad na ang oras niya kaya hindi siya dapat mahuli. At ayaw niyang magkaroon ng bad records pagdating sa attendance. Makakasama kasi iyon sa regularization niya kapag nagkataon. At mayroon siyang five months as probitionary bago siya maregular sa kaniyang trabaho. Makalipas ang labinlimang minutong paglalakad ay nakarating siya ng 7:30am sa REI. Huminga muna siya ng malalim upang alisin ang kaba sa kaniyang dibdib. "You can do this, Perry! Para sa flower shop ni Mama," pampalakas-loob niya saka nagpasiyang pumasok ng establishimento. Iyon kasi ang isa sa mga goals niya. Ang magkaroon sila ng maraming branch sa buong Pilipinas. "Good morning, Sir! Do you have any appointment?" tanong ng guard sa kaniya sa entrance since wala pa siyang ID na maipepresenta. "I'm the newly hired executive secretary and I'm here for my orientation," aniya saka iniabot ang papel na ibinigay sa kaniya ng HR noong nakaraang araw na ipapakita niya sa guard. "Okay, Sir! Just write your name, purpose time-in, and signature here in the logbook," anito saka iniabot ang logbook at ballpen. "Done!" aniya nang matapos niya ang pinapagawa sa kaniya. "Okay! Welcome to REI! And here's your temporary pass." Kaagad naman niyang isinuot ang temporary pass ID na iniabot nito saka tuluyang pumasok at dumeretso sa training room. AFTER ONE HOUR of discussions about the mission, vision, job description, company rules, and regulations, the HR manager also toured him throughout the REI building. They toured all departments to officially introduce him as the newly hired executive secretary of the CEO. Halos sumakit nga ang ulo at kamay niya sa pakikipagkamay sa mga empleyado doon pero naging maganda naman ang buong araw niya. Dahil mukhang masaya at nag-eenjoy ang mga empleyado sa mga trabaho nila. Kaya hindi na siya magtataka kung marami sa mga empleyado ang nagtagal at nabago ang buhay. "Willkommen bei REI, Perry!"(Welcome to REI, Perry!) Bati ng mga ito sa kaniya. Yumuko siya bilang paggalang. "Danke!"(Thank you!) Isa dib kasi sa kailangan nilang pag-aralan ay ang mga basic German laguages. Matapos iyon ay nagtungo na sila sa magiging office table niya na nasa labas lang mismo ng CEO office. Pero hindi nila pinasok ang opisina ng CEO dahil ipinagbabawal kaya naman hanggang sa secretary's table lang siya dinala ng manager. Bahagya niyang ibinaling ang kaniyang tingin sa pinto ng CEO'S OFFICE nang may kung anong kaba siyang naramdaman na hindi niya alam ang dahilan. May kung anong bumabalot doon na hindi niya malaman kung ano kaya isinawalang bahala na lang niya dahil ganoon siguro talaga kapag first job and first time magkaroon ng ganoong kataas agad na posisyon sa isang kilalang kompaniya sa Hamburg. Nabalik lang siya sa kaniyang huwisyo nang muling magsalita ang HR Manager. "And I would like you to meet the former executive secretary of REI since you're the newly hired executive secretary, Ms. Becker." "Hallo, ich bin Stella Becker," (Hi, I'm Stella Becker), pakilala nito. Nakipagkamay naman siya rito at nagpakilala. "Hi! I'm Perry Millares." May mga alam na kasi siyang german language kaya agad niyang naintindihan ang sinabi nito kahit na hindi pa siya masyadong fluent. "She will be with you starting tomorrow for your three-days training. And when your training is over you can start your job the following day," bilin nito saka nagpaalam sa kanilang dalawa ni Stella. KINABUKASAN ay in-orient siya ni Ms. Becker tungkol sa magiging trabaho niya bilang sekretarya ng CEO kung saan magiging all around siya. Bukod kasi sa pag-aayos ng mga schedule nito ay siya rin ang inatasan na magalakad ng mga papers na inilalabas at ipinapasok sa REI ng mga investors. Siya rin ang inatasan na tigatimpla ng kape at tiga-prepare ng mga gadgets na gagamitin nito sa virtual meetings and interviews nito. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit malaki ang sahod ng executive secretary. Kung wala nga lang komplikasyon sa kalusigan si Ms. Becker ay hindi ito magre-resign. Isa din sa mga paalala nito sa kaniya ay ang privacy ng CEO. Walang sinuman ang makaalam ng mukha nito bukod sa kanilang magiging malapit sa kaniya pagdating sa trabaho. "Did you get what I taught you?" tamong ni Ms. Becker na agad niyang tinanguan. "Good! Love your job and be dedicated so that you can impress our Big Boss because he gives rewards to his hard-working employees." "I will!" tanging sambit niya. THE FOLLOWING DAYS, Perry quickly got all the instructions since he studied everything discussed by the HR Manager and Ms. Becker. That's why he's now excited to do his job, especially that he's going to meet the CEO. Kaya sinigurado niya na plantsado ang damit niya at nakaayos ng mabuti ang kaniyang buhok para maging presentable naman siya sa harap ng kaniyang boss. Nang marinig niyang tumunog ang intercom na konektado sa opisina ng CEO ay agad niyang kinlaro ang kaniyang boses saka sinagot ang tawag. "Good morning, Red Eagle Incorporated!" bungad na bati niya. "Master Adalius wants to talk to you privately, so kindly proceed to his office right now," dinig niyang sabi sa kabilang linya. "Right away, Sir!" mabilos na sagot niya. Pagkababa ng telepono ay saka palang siya nakahinga ng maluwag. Buong akala niya ay ang boss na niya ang mismong makakausap niya sa telepono ngunit ang butler pala nito ang nakausap niya. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa pinto ng opisina nito. Biglang dumoble ang kaba sa dibdib niya. Inayos niya ang kaniyang kurbata. "This is it, Perry! You can do this!" Aniya saka lakas loob na kumatok sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD