MAKALIPAS ang limang buwan ay mas lalong minahal nina Colton at Harrison ang isa't isa. Nagkakatampuhan man minsan o nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ay hindi nila hinayaan na matapos ang gabi ng hindi nagkakaayos. At kung sino pa ang brusko sa kanilang dalawa ay iyon pa ang nagpapakumbaba kahit na hindi ito ang may kasalanan. Pero may pagkakataon din naman na sobrang saya nila. Iyong walang iniisip na problema. At ngayong sasapit na ang una nilang anibersaryo ay naghanda si Colton ng surpresa para kay Harrison. Ayaw kasi niyang magpatalo sa pinsang si Adalius. Gusto niyang maranasan din ni Harrison ang mga naranasan ni Perry. Iyong sayang walang katapusan. At tulad ng ginawa niyang pagtulong kina Adalius at Perry noong nasa Thailand sila ay naningil na siya. Sa pinsan naman niya siya

