PRESENT TIME . . . "THEY'RE so cute, right?" bulong ni Colton kay Harrison habang nakatingin sila sa nagsasayaw na bagong kasal na sina Perry at Adalius. Kasalukuyan na kasi silang nasa pangalawang palapag ng cruise ship kung saan ginanap ang reception ng kasal. Lumayo siya sa lalaki. Nasa likuran niya kasi ito. "Hindi ba't nag-usap na tayo na huwag ka masyadong magdididikit sa akin dahil baka makahalata sina Mama at Papa?" "Hindi naman sila nakatingin," siniko naman niya ito ng pasimple kaya mahina itong napadaing. "Magrarason ka pa! Maghanap ka ng babae diyan at isayaw mo!" Salubong ang kilay na tinignan siya nito. "Pinamimigay mo na ba ako?" "Syempre hindi! Para hindi makahalata ang parents ko at ang ibang mga bisita." "Ayoko! Ikaw lang ang gusto ko sayaw!" Namula siya sa sina

