NASA condo na si Harrison at habang wala pa si Colton ay naisipan niyang magbrowse muna sa youtube bilang pampatay oras na rin. Nag-aya kasi itong kumain sa labas kaya doon na lang niya ito hihintayin habang wala pa ito. Naging abala siya sa pagba-browse nang aksidenteng mapindot niya ang isang video na pinamagatang Thai boys love series compilation kung saan nakita niya ang iba't ibang uri ng boy-to-boy love story. Nagulat siya lalo na sa mga kissing scenes doon pero ni isang beses ay hindi siya nangilabot o nandiri sa napanood niya. Parang natural lang sa kaniya na makakita o makapanood ng ganoon. "I didn't know that you're into BL story too." Napalingon siya sa nagsalita dahilan para mahulog siya sa sofa. Agad din naman siyang tumayo saka mabilis na in-off ang cellphone at itinago sa

