"THEN t-take me now!" "Haist! Bakit ba ang kulit mo!" angil niya saka siya tuluyang tumayo at pumunta sa cabinet niya para kumuha ng makapal na comforter pansapin niya sa sahig at isang makapal na kumot. Mas gugustuhin pa niyang matulog sa lapag kaysa ang makagawa ng kasalanan na alam niyang pagsisisihan lang niya sa huli. Ayaw niyang mawala ito sa kaniya dahil inaamin niya sa sarili niya na nasasanay na siya sa presensiya nito. Kaya naman inilatag niya ang comforter sa may tapat ng fire place ng kwarto niya dahil walang yayakap sa kaniya ngayong gabi kahit na hindi siya sanay matulog sa sahig. KINABUKASAN ay maagang nagising si Harrison nang maalala niyang may pasok siya. Napadaing siya nang naramdaman niyang kumirot ang ulo niya. "Argh!" ungol niya saka hinilot ang magkabilang sin

