KUMUNOT ang noo ni Colton nang paglabas niya ng banyo ay wala pa rin si Harrison sa kama. Dati-rati kasi pagkatapos niyang maligo nakahiga na ito roon. Nagbihis lang siya ng kaniyang pantulog saka lumabas ng kwarto para hanapin ang binata. Mabuti na lang din at gumaling siya kaagad mula sa sakit niya. And he thanked him so much for taking good care of him. Pagdating niya sa mini bar ng condo unit niya ay nakita niya ito doong umiinom ng mag-isa at mukhang malayo ang tingin. "Hey! That's enough!" pigil niya sa pagtungga nito ng ikalimang bote ng alak. Hindi siya makapaniwala na nakalimang bote na ito kaagad sa loob lang ng ilang minuto. "Ano ba!" angil nito. "Let me remind you . . ." itinuro niya ang inagaw niyang alak dito. "This is an alcohol, not water!" "G-give it back to me!"

