"BAKIT hindi ka pa nakabihis? Tayo na lang ang hinihintay nila," bungad ni Adalius kay Perry pagpasok nito sa closet area.
Ang closet kasi nito ay parang isang stall sa Mall. May sariling kwarto at couch sa gitna habang nakapalibot ang mga kabinet na gawa sa salamin ang mga pinto.
Tapos na kasi niya itong bihisan, samantalang siya, halos thirty minutes na siyang nakatayo sa mga damit niyang nasa isang corner ng closet room ni Adalius ay wala pa rin siyang napipili.
Hindi pa rin kasi nito kayang magsuot ng damit mag-isa dahil medyo sumasakit pa ang braso nito.
"Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang suotin ko," pag-amin niya.
Kahit papaano ay kailangan niyang maging presentable sa harap ng pamilya nito. Hindi niya kasi alam kung magugustuhan ba siya ng mga ito. Isa din sa nagpapakaba sa kaniya ay baka sisihin siya ng mga ito sa nangyaring aksidente kay Adalius.
Tinulak nito ang gulong ng wheelchair nito palapit sa kaniya. "You don't have to impress them. Just be yourself," kalma nito sa kaniya habang hawak ang kaniyang kamay.
Bumuntong hininga siya't napayuko. "Paano kapag hindi nila ako nagustuhan?" malungkot na tanong niya.
"Hindi naman sila katulad ng iniisip mo. Nasa heaven na sina Lolo at Lola. Hindi na gagawin nina Papa sa akin ang ginawa ng mga magulang nila sa kanila ni Mama. Nangako si Papa na susuportahan niya ako sa kung sino man ang gustuhin ko. Ang mahalaga ay masaya at mahal kami ng taong gusto namin," mahabang paliwanag nito na kahit papaano ay nagpabawas ng kaba niya.
Tinapik nito ang braso niya. "Now, choose the pink one, to pair it up to my polo," anito kaya naman kinuha niya ang sinabi nito.
Mabilis naman niya iyong sinuot sa kaalamang sila na lang pala ang hinihintay. Ayaw niyang mabad-shot sa mga ito. Kung bakit naman kasi kailangan pa siya nitong isama.
"Come here!" demand nito kaya naman yumukod siya rito. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa arm rest ng wheel chair nito.
"I said relax, baby. Pati pagbutones ng polo mo hindi maayos," puna nito kaya ito na ang nagsara ng mga botones habang magkalapit ang kanilang mga mukha.
"Sorry!" paumanhin niya nang matapos ito sa ginagawa nito.
Hinawakan naman ni Adalius ang kaliwang pisngi niya. "They won't eat you there. They will just bite you," biro nito na lalong nagpadagdag sa kaba niya.
"Ada!" maktol niya saka pumunta ng kwarto nila.
"Just kidding!" bawi nito saka siya sinundan.
"What are you doing? Why are you counting your money?" takang tanong nito ng mapnsin nitong naglabas siya ng pera sa wallet niya at binilang iyon.
"Iniisip ko kasi kung ano ba ang pwede kong mabili sa pera ko na madadala natin sa pamilya mo. Nakakahiya naman sa parents mo kung pupunta tayo doon ng walang bitbit."
Nagpakawala ng hangin sa baga si Adalius. "How many times do I have to tell you that you don't have to impress them?"
"Ano ka ba? Anniversary iyon ng parents mo kaya natural lang na magbigay tayo ng regalo sa kanila. Alam mo namang ganoon ang kaugalian naming mga Pilipino, hindi ba?"
"Fine! Let's just buy them wine," pagsang-ayon nito kaya naman mabilis nilang nilisan ang condo para tumungo na sa bilihan ng mga wine.
Bumili sila ng talong klase ng wine na kilala sa Germany. Isa na roon ang Spätburgunder, ang pinakatanyag na uri ng red wine sa Germany, at nagwagi ng maraming mga parangal ng Decanter. Ang uri ng wine na ito ay lumago sa lahat ng thirteen region ng alak sa Germany. At ang pinakapopular na alak na ito ay gawa ng Pinot Noir o kung tawagin ay Spätburgunder. At ito ay nasa nangungunang tatlong mga tagagawa sa buong mundo ng Pinot Noir.
Pangalawa naman ang Spätlese. Ito ay nangangahulugang "late harvest" at ang mga ubas ay may antas ng tamis na seventy-six to ninety Oechsle (172–209 g / L na asukal). Ang mga alak na Spätlese ay mayaman at karaniwang mas matamis kaysa sa Kabinett.
At ang pangatlo sa binili nila ay ang Reisling 'La Roche'. Ang inuming alak na may mga citrus at herbal na nagbabalanse ng isang pagiging kumplikado ng mga mineral at aroma sa humigit-kumulang eighteen euro isang bote. Ito ay mas mahal kaysa sa tipikal na alak sa mga supermarket.
PAGDATING nila sa mansyon ng Meier family ay hindi mapigilan ni Perry na mamangha sa kaniyang mga nakikita. Akala niya pagpasok nila ng malaki at mataas na gate ay makikita na niya ang mansyon nila Adalius pero hindi pa pala. Isang napakalawak na lupain ang una mong makikita kung saan walang ibang nakikitang mga puno roon kundi pine trees lamang.
Halos mapanganga din siya ng makakita siya ng maze garden na sa mga movie at magazine lang niya napapanood. Mauroon din doong mahabang fish pond na puro koi fishes ang lumalangoy. Sa dulo niyon ay isang fountain. Hanggang sa tuluyan na niyang natatanaw ang Meier's mansion. Pero para sa kaniya hindi iyon basta mansiyon lanh kundi isang kastilyo dahil sa diseniyo nito na animoy mga hari at prinsesa ang nakatira. Katulad na katulad ito ng mga kastilyo sa mga fairytales.
"Wow!" manghang turan ni Perry matapos niyang ibaba ang bintana ng sasakyan.
Hindi niya akalain na may isang kastilyong nakatayo sa likod ng dalawang naglalakihang mga bundok kung saan halos napapalibutan na ito ng hamog.
Hindi naman maiwasang titigan ni Adalius ang maaliwalas na mukha ni Perry. Iyon ang mga ngiting kinatatakutan niyang mawala sa oras na malaman nito ang sikreto niya. Pero alam niya sa sarili niya na sa oras na makilala nito ang pamilya niya ay oras na rin para mabuniyag ang sikretong matagal niyang itinago.
"WELCOME HOME!" bati ng mga kamag-anak ni Adalius sa kanila pagdating nila. Matagal-tagal na rin kasi noomg huling dalaw niya sa mansyon.
"Happy anniversary, Mom, Dad," bati niya.
"Thank you son. It's so nice to meet you again after how many months," bati ng kaniyang ina matapos siyang halikan sa pisngi.
Bumaling naman ito kay Perry na siyang tumutulak sa kaniyang wheel chair.
"You must be Perry?" turan nito saka nakipag-beso sa binata.
"Freut mich Sie kennen zu lernen, die Madam. Herzlichen Glückwunsch."(Please to meet you, Ma'am. Happy Anniversary!) Bumaling naman ito sa kaniyang ama at binati rin.
Nagsilapitan din ang ibang relatives nito kay Perry at nagpakilala isa-isa. Natutuwa si Perry dahil sa mainit na pagtanggap sa kaniya. Wala siyang nakitang pagkadisgusto sa mukha ng mga ito. At tulad ng sinabi sa kaniya ni Adalius, simpleng selebrasyon lang ang ginanap. Para lang itong family reunion.
"SO, SINCE we're all here, I think it's time for us to start our dinner."
"Colton is not here yet!" singit ng isa sa mga kasama nila.
Nagtaka naman ang iba nilang mga kasama.
"But I saw him a while ago," turan ng ina nito.
"I think he fetches his lover."
Napailing ang lahat sa sinabi nito kaya naman nagsibalikan ang lahat sa kani-kanilang ginagawa kanina bago sila dumating.
Hinawakan ng ina nito ang kamay niya. "Come here, Perry. I'll show you something. Adalius, go with your dad and join your cousins in the garden." Tumango naman ang lalaki saka siya nginitian.
Ngiti na sinasabing magiging okay lang ang lahat. Sinuklian naman niya ito saka sumama sa ina nito.
"Check out this album. That was Adalius' first day here in Germany. Isn't he cute?" tanong nito sa kaniya habang tinuturo ang isa sa mga litrato ni Adalius.
Tinignan naman niya ang itinuturo nito at masasabi niyang sa batang edad ni Adalius ay hindi na maitatanggi ang angking kagwapuhan nito. Mapa-serious man o wacky pose.
"Did you know that he's very shy and sad during his first month here in the palace? We respect it because we know he is still mourning the loss of his parent when we decided to take him without his step-sister knowing."
"He has a step-sister?" takang tanong nito na kinatango lang ng ginang.
Wala kasing nakwento sa kaniya ang asawa nito noong nasa hospital sila maging si Adalius ay wala din nabanggit sa kaniya.
May itatanong pa sana sita nang biglang tumayo ang ginang. "Oh! I think Colton is already here," rinig niyang sabi ng ginang saka sinilip sandali ang hardin.
Habang hinihintay ang pagbalik ng ginang ay inilipat niya ang pahina ng photo album. Nakangiting tinitignan niya ang bawat litrato nang biglang kumunot ang noo niya sa isang litrato. Para kasing pamilyar sa kaniya iyon. Na parang nakita na niya sa kung saan ngunit hindi lang niya maalala.
"They're here! Let's go!" aya ng ginang sabay hila ulit sa kaniya patungo sa garden na ngayon ay maingay na.
"Hi, Perry! It's so nice to meet you again," bati sa kaniya ni Colton saka nakipagkamay.
"Same here," tanging sambit niya.
"And I'd like you to meet my boyfriend, Harry." Saka nito hinila ang isang lalaki na abala sa pakikipag-usap sa kamag-anak nito.
"Harrison?"
"Perry?"
Gulat at sabay na sabi nila nang makilala nila ang isa't isa.
Hindi makapaniwala si Perry sa kaniyang natuklasan. Ang dati niyang matalik na kaibigan ay nobyo ng pinsan ng lalaking mahal niya. Napakaliit talaga ng mundo.
Tulad niya ay natuod din ito. Animoy tinakasan ng dugo ang buong katawan nito sa sobrang putla nito. Halos hindi ito makatingin sa kaniya ng deretso. Ang pinagtataka niya lang ay pumatol ito sa kapwa nito lalaki. Paano iyon nangyari, gayong alam niyang ayaw nito sa mga homosexual tulad niya.
"Hey, honey! Are you okay? You look pale?" nag-aalalang tanong ni Colton dito.
Umiling ito. "Yes, I'm fine!"
"Do you know each other?" singit naman ni Adalius nang mapansin nito ang tensyon na namumuo sa pagitan nila ni Harrison.
"No!" Harrison.
"Yes!" sabay na sagot nilang dalawa.
Kumunot naman ang noo ng magpinsan sa magkaiba nilang sagot dahilan para mabuo ang kaasiwaan sa pagitan nilang apat.
"Hey, Guys! What are you waiting for? Let's eat!" aya ng isa sa mga pinsan nina Adalius at Colton ngunit walang natibag sa kani-kanilang mga pwesto. Parang puno ng tanong ang mga isip nila na gusto malaman agad ang mga kasagutan.
"Let's go! Stop playing a staring game!" puna naman ng mas bata sa kanilang magpipinsan at isa-isa na silang pinaghihila papunta sa dinning table.
Naging maayos naman ang naging hapunan nila na napuno ng kwentuhan, tawanan at asaran.
MATAPOS ang hapunan ay muling nagkaniya-kaniya ang mga magpipinsan. Ang mga teens ay naglalaro ng chess, rubics cube, cards, monopoly and scrable. At ang matatanda ay nag-uusap naman tungkol sa mga negosyo. Habang silang mga nasa 20's ay nag-iinuman naman ng mga dala nilang wine. Pero silang apat ay tahimik pa rin, nagpapakiramdaman at nagtititigan. Hanggang sa maiwan sina Perry at Harrison sa table dahil biglang pinatawag ang magpinsan.
"Kung gusto mong tumawa, tumawa ka. Walang pumipigil sa 'yo. Alam ko naman na sa loob-loob mo ay pinagtatawanan mo na ako," basag ni Harrison sa katahimikang bumabalot sa paligid nila.
"Bakit naman kita pagtatawanan?" tanong ni Perry.
"H-hindi naman kasi ako ganito, eh. Kasalanan mo kung bakit ako naging—"
"Homosexual?" pagtatapos niya sa sinabi nito.
Uminom ito ng wine at hindi pa rin makatingin sa kaniya ng deretso.
"Pero hindi ko na kasalanan kung tuluyan kang nahulog kay Colton. Dapat nga magpasalamat ka pa sa kaniya dahil he bring out the best in you."
Hindi ito nakaimik.
"Alam na ba ito nila Tita?" tukoy niya sa ina nito matapos niyang ubusin ang wine sa kopita niya.
"E, ikaw? Matagal na bang alam ni Tita ang tungkol sa tunay mong kasarian?" balik tanong nito sa kaniya.
Mabilis siyang umiling. "Alam mo ang dahilan kung bakit hindi ko masabi-sabi sa kaniya."
"Kaya huwag mo rin akong tanungin tungkol sa bagay na iyan dahil alam mo rin naman ang isasagot ko."
Natawa sila sa naging sagot nila. Parang inalis niyon ang galit at tampo nila sa isa't isa noon. Masasabi nilang magkaibigan talaga sila.
"But I didn't consider myself as a gay. I'm still a man at heart because Colton is the one who courted me." Mayamaya ay sabi nito.
Natatawang napailing siya. "Alam mo, ang tomboy kapag nagkanobya ng kapwa nito babae ay consider na rin na tomboy ang babaeng niligawan nito dahil nakipagrelasyon pa rin ito sa kapwa nito babae kahit na sabihin mong babae siya kumilos at manamit."
"Tell me, who's the bottom and top?" tanong ni Perry nang hindi na umimik si Harrison.
Natatawang napailing siya nang mapansin niyang namula ang taenga nito.
"So, where did you meet Colton? I thought you were in Thailand?" pag-iiba niya ng topic para hindi na ito mailang sa kaniya.
"Nope! Hindi ko itinuloy ang in-applyan kong trabaho sa Thailand. Nagkakilala kami sa Pilipinas na. Sa Z Hostel bar."
Nanlaki ang mga mata nito. "In Makati?"
Tumango ito. "We bought drunk that night when we accidentally bump into each other. And we woke up the next day naked," kwento nito na kinagulat niya.
Hindi niya akalain na pareho sila ng naging karanasan nito. May nangyari din kasi agad sa kanila ni Adalius sa unang araw pa lang ng pagkikita nila at dahil din sa impluwensiya ng alak.
"Matapos ang nangyari sa amin ay agad akong umalis para hindi na kami magkita pa. Pero hinanap niya ako dahil lang sa isang rason."
"Anong rason naman iyon?"
"Colton is diagnosed with hypothyroidism. Meaning, he is incapable of feeling warmth. He's one of those people who always feel cold. Hinanap niya ako kasi ako lang iyong nag-iisang tao na nakakapagbigay sa kaniya ng init."
"Wooh! Hindi ko alam na may ganoon pa lang klase ng sakit."
Tumango ito saka tinapunan ng tingin ang nobyo. "And that's also the reason why he always wearing a scarf kahit na hindi naman angkop sa suot niya."
Tinapunan din niya ito ng tingin. "Kaya pala."
"How about you and Adalius? How did you two meet each other?" tanong naman nito sa kaniya.
Ikinuwento naman niya ang mga nangyari sa barko noon at natatawa na langnsilang pareho dahil sa pareho nilang karanasan.
"So, are we okay now? Can we be friends again?" pag-iiba ni Perry ng topic.
Bumuntong hininga si Harrison. "Sa palagay ko, dapat na talaga natin kalimutan ang mga nangyari noon lalo na ngayon na may kaniya-kaniya na tayong minamahal. Friends?" sabay lahad ng kamay nito sa harap niya.
Agad naman iyong tinanggap ni Perry. "Friends!"