UNBEARABLE TWENTY-NINE

2174 Words
NATAPOS ang anibersayo ng masaya at matiwasay. Masasabing iyon na ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ni Perry dahil nagkaayos na sila ng kaniyang matalik na kaibigan na si Harrison kahit na muntikan nang magkaroon ng gulo dahil sa iringan ng magpinsan. Naabutan kasi ng mga ito ang paghahawak kamay nila ni Harrison. Mabuti na lang at naunawaan ng lahat ang tungkol sa nakaraan nilang magkaibigan. Pero itong lalaking kasama niya ngayon ay may sumpong pa rin. Kung noon siya ang niyayakap nito kapag nagtatampo siya, ngayon mukhang siya naman ang gagawa niyon. Alam naman niya kung bakit ito ganoon. Iniisip siguro nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakapag-move on kay Harrison kaya hindi pa rin nagiging opisyal ang relasyon nila. "Nagtatampo ka pa rin ba?" lambing niya rito habang nakayakap dito mula sa likuran nito habang nakahiga na sila sa kama. "Kung alam ko lang na siya iyong kinukwento mong kaibigan mo noon hindi na sana kita isinama sa palasyo," maktol nito. "Pero kung hindi mo ako isinama, hindi ko makikilala ang pamilya mo. Hindi rin sana kami magkakaayos ni Harrison," dahilan niya na kinalingon nito. "Nagsisisi ka ba dahil nakilala mo ako? Na kung hindi ako dumating ay kayo sana ng kaibigan mo ang nagkatuluyan ngayon lalo na't alam mong katulad din natin siya?" "Bakit ba pinipilit mo pa rin siya sa akin, ha? Nakita mo naman kung gaano sila kasaya ng pinsan mo, hindi ba?" "Baka lang kasi biglang bumalik ang feelings mo para sa kaniya no'ng makita mo siya ulit at makalimutan mo na ang feelings mo para sa akin. Pinaglaruan niya ang buhok nito. "Ada, kung hindi ka dumating sa buhay ko, hindi ako ganito kasaya ngayon. Hindi ko sana makikilala ang baby ko na gusto ko makasama habangbuhay." Napaupo ito sa narinig kaya umupo rin siya para pantayan ito. "Ibig bang sabihin niyan, sinasagot mo na ako?" hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango naman siya. "Yes! I'm officially yours, baby!" anunsiyo niya. Kumurap-kurap ito at humawak pa sa magkabila niyang balikat. "Y-you're not kidding, right?" "Bakit naman ako magbibiro? I'm not pranking you, okay?" "B-baka kasi sinasabi mo lang 'yan para mawala ang tampo mo sa akin," duda pa nito na kinainis niya. "E, 'di huwag kang maniwala!" Akmang tatayo na siya nang pigilan siya nito. "Fine! I believe you, baby! I love you!" Ngumiti siya saka hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "I.love.you.too.baby." And their lips met. They kissed as if they didn't see each other for so many years. And because of Adalius condition, Perry became the top. AFTER THREE MONTHS, Adalius finally recovered from his injury. Nakabalik na rin sila pareho sa REI na pansamantalang pinatakbo ng kaniyang ama nang mainjured ang anak. At sa nakalipas na tatlong buwan na iyon ay naging smooth ang kanilang relasyon. Mas lalong naging malambing ito at gusto palaging nakayakap sa kaniya. Ibang-iba kapag nasa kompaniya sila. "Perry!" Hiyaw ni Homer pagbukas niya ng pinto. Kumatok kasi ito kaya pinagbuksan niya ito. Napatingin pa siya sa nobyo para humingi ng pemiso at nakangiting tumango ito sa kaniya. Na binibigyan nito ng permiso ang kaibigan niya na pumasok sa opisina nito. Kunsabagay ay alam naman na talaga nito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Adalius. Pero hindi niya inaasahan na nasa REI pa pala ito. Buong akala niya pinatalsik na ito ng kaniyang nobyo. "Good morning, Sir!" baling nito kay Adalius na kinatango lang nito. "Kumusta, Homer? Long time no see, ah?!" bati niya rito matapos ang kanilang yakapan. "Okay naman. Ikaw? Kumusta ka naman?" balik tanong nito. Tumayo naman siya at walang pagdadalawang-isip na niyakap at hinalikan sa pisngi ang nobyo sa harap nito. "I'm happily in a relationship!" pagmamalaki niya. Homer rolled his eyes on them. "Naku, ha! Hindi niyo man lang ako in-inform agad. Sana sinabihan ninyo ako para naman naihanda ko ang sarili ko sa ka-sweet-an ninyong dalawa." Natawa naman ang dalawa. "Have you eaten?" tanong sa kaniya ninAdaluis. Umiling ito. "Actually papunta na sana ako ng canteen ng ipatawag ninyo ako. "Tamang-tama, dito ka na kumain. Nagpabili na ako kay Walter ng lunch natin." "Really? He can join us?" tanong ni Perry. "Yhup! Alam ko naman na namiss ninyo ang isa't-isa." "Thanks, baby!" "You're always welcome, baby." Natatawang napailing na lang si Homer sa sobrang ka-sweet-an ng dalawa. "WHAT's this?" takang tanong ni Perry kay Adalius nang biglang may iabot itong kulay brown na envelope. "Open it!" Binuksan naman niya ito dahilan para manlaki ang kaniyang mga mata. "We are going to Thailand the day after tomorrow?" "Yhup! I want to celebrate our third monthsary there. That's one of your dream country, right?" Tumalon siyang yumakap dito. "Yes! Thank you, baby!" Niyakap naman siya nito at inikot-ikot. "But how did you know that Thailand is one of my dream country?" "Homer told me." Tumango-tango siya. "Do you like it?" tanong nito. "Of course! Basta kasama kita, masaya ako." "I love you, baby!" Hinalikan niya ito ng mabilis sa labi. "Mahal din kita, baby ko!" "Sinong tatawagan mo?" tanong nito nang bigla niyang ilabas ang phone niya. "Si Mama. Siguradong matutuwa iyon kapag nalaman niyang makakapunta na rin ako sa Thailand." Napansin niyang natigilan si Adalius. "Why? Is there a problem?" "W-wala naman. Naisip ko lang kung kailan mo ako balak na ipakilala sa Mom mo?" tanong nito na kinagulat niya. Ibinaba niya ang kaniyang cellphone saka umupo sa sofa. "H-hindi ko alam kung kailan ako magiging handa. Ayoko siyang masaktan tulad ng ginawa sa kaniya ni Dad. Baka itakwil niya ako." Umupo si Adalius sa tabi niya saka iginayak sa balikat nito ang ulo niya. "Huwag kang matakot. Kasama mo naman ako, eh. At saka, anak ka niya kaya maiintindihan ka niya. Walang ina ang hindi nakakatiis sa anak." "Makakapaghintay ka ba na maging handa ako?" "Oo naman!" Niyakap niya ito sa bywang ng patagilid. "Thank you for being understanding." Hinalikan nito ang ulo niya. "You're welcome, baby." "FINALLY, THAILAND!" Hiyaw ni Perry nang makarating sila condo na tinuluyan nila sa Bangkok Tailand. Inakbayan naman siya ni Adalius. "So, where do you want to go first?" "Let's go to Grand Royal palace. Gusto ko makita ang iba't ibang templo roon." "Grand Royal Palace it is!" The Grand Royal palace is divided into several quarters. The Temple of the Emerald Buddha; the Outer Court, with many public buildings; the Middle Court, including the Phra Maha Monthien Buildings, the Phra Maha Prasat Buildings and the Chakri Maha Prasat Buildings; the Inner Court and the Siwalai Gardens quarter. Ang Grand Palace ang pinakatanyag na palatandaan sa Bangkok. Hindi makukumpleto ang Thailand experience mo kapag hindi mo ito napuntahan. Kamangha-mangha kasi ang magandang arkitektura nito. Sa loob ng mga pader nito ay ang war minister ng Thailand, mga kagawaran ng estado, at maging ang mint. Ngayon, ito ay nananatiling espirituwal na puso ng Thai Kingdom. Bakit nga ba dinadayo ang Royal Palace ng Thailand? Dahil ang Grand Palace sa Bangkok ay isa sa pinakamahalagang representasyon ng arkitektura ng kultura ng Thai na kailangan mong makita at maranasan mismo. Sa kabiserang lungsod ng Thailand Bangkok, nakatayo ang marangya at napakalawak na istrakturang ito na kinomisyon noong 1782 ni Haring Rama, ang una at nagtatag ng Chakri Dynasty. Kapansin-pansin at napuno ng karangalan, ang engrandeng palasyo ay naroroon din kung saan matatagpuan ang Emerald Buddha o Jade Buddha. Ang maayos na mga berdeng hardin na nakapalibot dito, ang maraming bilang ng pasikut-sikot nito at ang masusing pagsasaayos ng malawak at magagandang mural sa Grand Palace ay siguradong sulit na mararanasan ang pagkahari ng Thailand at ang kanilang buhay sa loob ng maikling panahon. The Royal Palace is also Thailand’s most sacred Buddhist temple site, which the Thai people hold close to their hearts. Kaya naman magdamag nilang nilibot ang ang Palace. At bawat templo ay may selfie silang dalawa bukod sa solo niya na ipapadala niya sa kaniyang ina. Sa sobrang paghanga nila sa dami ng iba't ibang klase at laki ng mga Buddha ay hindi nila namalayan ang oras. Bandang alasais na ng hapon nang magpasya na silang mahanap ng malapit na makakainan at natagpuan nila ang Bitter Deck Restaurant na sinasabing 'Small restaurant but with huge romantic atmosphere'. Tinawag itong Bitter Deck Restaurant dahil para kang nasa roof deck ng isang yate o cruise ship dahil ang restaurant na ito ay sa mismong ilog nakatayo. Hindi naman sila nagsisi na nagpunta doon dahil tama ang sabi ng pinagtanungan nila. Mula kasi sa pwesto nila ay kitang-kita ang Wat Arun ng Grand Palace ng bangkok na siyang pinaka-highlight sa gabi kapag sa labas ng Bitter Deck ka pumwesto dahil sa ilaw na nagbibigay liwanag dito. Nakakatuwa din dahil parehong Thai and international foods ang nasa menu nila. Bukod sa mura at masasarap ang mga pagkain ay marami ding drinks na inihahain dito tulad ng cocktails, mocktails, wines, beers, at kung ano-ano pa. "This place is so beautiful. It reminds me of the first day I met you on the cruise ship," Perry said out of nowhere while lookong at the Wat Arun. Sinundan naman ng tingin ni Adalius ang tinitignan niya. "Yeah!" At ang kwentuhan nilang iyon ay nasundan pa nang nasundan kung saan binalikan nila iyong mga alaala nila sa cruise ship noon. KINABUKASAN ay pumunta naman sila sa kilalang Floating Market ng Bangkok kung saan ang mga paninda ay binebenta sa mga bangka. Kaya para makapamili ka ay kailangan mo ring sumakay ng bangka. Bukod doon ay nagsisilbi rin itong atraksyon sa mga turista na pangunahing matatagpuan din sa bansang, Indonesia, Vietnam, Sri Lanka, Bangladesh, at India. Even though the floating markets are more geared towards tourists rather than locals these days, it’s still a must while in Bangkok. Ang mga magagandang kulay at masarap na samyo mula sa mga bulaklak, prutas at freshly made traditional dishes, ginagawa ang mga pamilihan na ito ng isang kapistahan para sa pandama. Ang tatlong floating market na siyang pinakasentro ng Bangkok ay ang Damnoen Saduak, Amphawa at Khlong Lat Mayom. "SAAN ba talaga tayo pupunta?" tanong ni Perry kay Adalius nang pagkagaling nila ng Foating Market mga bandang alasingko ng hapon ay piniringan na siya nito ng mata nang makasakay sila ng nirentahan nilang helicopter. "It's a surprise. Kapag sinabi ko sa 'yo, hindi na surpresa 'yon. And relax ka lang, okay?" "Paano ako magrerelax kung nakasakay tayo ngayon sa helicopter, ha? First time ko kayang sumakay ng helicopter" "Para namang hindi ka pa nakasakay ng airplane niyan," pamimilosopo nito. "Magkaiba naman kasi ang airplane at ang helicopter, 'no!" "Mas matatagalan tayo sa byahe kapag sa train tayo sumakay. Aabutin tayo ng nine to 12hrs doon. Unlike sa helicopter, one hour and twenty-five minutes lang." "Kahit na, 'no! Hindi pa rin natin alam kung kailan darating sa buhay natin ang disgrasya." "Wala ka namang dapat ikatakot dahil nandito naman ako sa tabi mo. Kung babagsak man ang helicopter na ito, magkasama pa rin tayo hanggang sa kabilang buhay." "Kahit na! Kung alam ko lang na dito mo pala ako isasakay ay mas mabuti pang nagpaiwan na lang ako mag-isa sa hotel." reklamo niya. "Just hold me tight. And I promise you that I will never let go of your hand." Sabay halik nito sa kamay nilang magkaugnay. Muli siyang napangiti dahil sa mga simple pero sweet gesture nito na palaging nagpapalambot at nagpapabilis ng t***k ng puso niya. "S-siguraduhin mo lang na masusurpresa talaga ako dahil kung hindi, wala kang kiss at hug sa akin mamaya," pag-iiba niya ng usapan upang itago ang nararamdaman niyang kilig. Natawa naman si Adalius sa kaniya. "Pero kapag nasurpresa ka, I will make love to you all night 'til dawn." Kinurot-kurot niya ito sa kamay dahilan para mabitawan nito ang kamay niya. "Kahit kailan talaga ang libog-libog mo." "Gusto mo rin naman!" tudyo nito na kinapula ng mukha niya. Mayamaya pa ay naramdaman na niyang huminto ang helicopter sa kung saan. Narinig niyang nagbukas sara ang pinto sa side ni Adalius kasunod ng pabukas ng pinto sa side niya. "Careful," alalay nito sa kaniya. Pagbaba niya ay agad sumalubong sa kaniya ang malakas at malamig na simoy ng hangin. Ramdam din niya ang buhangin na nagpapalubog sa kaniyang sapatos. Kasabay din niyon ang hampas ng mga alon. Bigla tuloy siyang naexcite sa mangyayari. Sasakay kaya ulit sila ng cruise ship para doon ipagdiwang ang ikatlong buwan nila bilang magnobyo o sa yacht siya nito isasakay ngayon? "Okay, there's a stair. Just make three steps." "Okay." "Now, I'm gonna remove your blindfold. So, brace yourself in whatever your going to see. In.one.two.three!" Saka nito tinanggal ang blindfold niya. Sa una ay malabo ang patingin niya ngunit ng makarecover siya ay biglang lumiwanag at nagkakulay ang mga ilaw na siyang nakakapit sa bawat poste niyon. "Wow! W-where are we?" manghang sabi niya nang makita niya ang wooden bridge na nakatayo mismo sa tubig dagat at iniilawan ng mahigit tatlumpong ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa sa kabuuan ng tulay na gawa sa kahoy. "We're here in Wooden Pier in Phuket, Thailand."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD