UNBEARABLE THIRTY

2124 Words
"ANONG meron doon? Bakit ang liwanag yata masyado sa dulo ng wooden pier na ito?" Napansin kasi niya na parang may Pavillion sa dulo kaya naman agad siya nitong inakay papunta roon. At sa pagpunta nila doon ay doon na niya narinig ang romantikong tugtugin na nagbibigay lalong nagpapaganda ng ambiance mula sa de-bateryang radyo. May mesa din na pandalawahang tao na napapalibutan ng mga kulay puting maliliit na mga ilaw-ilaw. May iba't ibang kulay din ng balloons na mga letra na nagsasabing 'Happy 3rd Monthsary, Baby!' na nakadikit sa kulay pulang tela. May nakahanda din doong mga pagkain. "Baby, this is too much," aniya kasabay ng pangingilid ng kaniyang mga luha. "Baby, there is no too much when it comes to the person who wants to do nothing but make the person he or she love happy," madamdaming sabi nito na siyang tumagos sa puso niya. Hindi niya akalain na walang sawa siyang minamahal ni Adalius. Na walaang oras o minuto ang nagdadaan na hindi nito sinasabi kung gaano siya nito kamahal. "P-paano mo ito napaghandaan sa maikling oras lang?" "I'll tell you that later, for now, I want you to seat back and listen to the song I composed," anito saka siya pinaupo sa silyang naroon at saka kinuha ang gitara sa gilid ng mesa. -------- *Mapasaakin ka lang* Alam kong hindi mo ko type Gusto ko lang malaman mo Na hindi ako basta na lang bibitaw Mabuti akong tao at alam mo iyon Pero bakit hindi pa rin iyon sapat Gagawin ko ang lahat Mapasaakin ka lang Churos: Ayokong makita kang may kahawak-kamay Ayokong may kasama kang iba Kahit na gaano pa katagal ay Makukuha rin kita Sa ayaw at sa gusto mo. Bakit 'di mo ko nakikita Sa tuwing nasa harapan mo na ako Gagawin ko ang lahat Mapasaakin ka lang Churos: Ayokong makita kang may kahawak-kamay Ayokong may kasama kang iba Kahit na gaano pa katagal ay Makukuha rin kita Sa ayaw at sa gusto mo. Ikaw ang gusto kong yakapin at hagkan O aking mahal . . . 'Di kayang mabuhay ng wala ka Kailangan ko ay ikaw. . . Churos: Ayokong makita kang may kahawak-kamay Ayokong may kasama kang iba Kahit na gaano pa katagal ay Makukuha rin kita Ayokong makita kang may kahawak-kamay Ayokong may kasama kang iba Kahit na gaano pa katagal ay Makukuha rin kita Sa ayaw at sa gusto mo. -------- "How was it? Kinilig ka ba sa kinanta ko?" tanong nito pagakatapis nitong kumanta. Natatawang tumango-tango si Perry. "Akala ko naman ikaw talaga ang nag-compose ng kinanta mo, eh, tinagalog mo lang iyong kanta ni Kaownah na 'Be Mine', eh!" Naging pamilyar siya sa kinanta nito dahil iyon ang kantang gustong-gusto niya dahil theme song iyon ng paborito niyang Thai Boy's Love Series na 'TharnType' na isinulat ng sikat na sikat na manunulat na si P' Mame. Napanguso ito. "Kahit na! Ako pa rin ang gumawa ng tagalog version," giit nito. Hinawakan niya ito sa kamay. "Sige na, sige na. Ikaw na ang nag-compose ng tagalog version." "Ang sabihin mo, natatawa ka kasi sintonado ako!" maktol pa nito. "No! You're not out of tune. Pero nagtataka lang ako kung bakit iyon ang napili mong kanta, eh nakuha mo naman na ako?" Hinawakan naman nito ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito. "Tulad ng nasa kinanta ko, ayoko lang na makita kang may kahawak-kamay na iba. Lalong-lalo na ang may kasamang iba dahil gusto ko akin ka lang. Selfish na kung selfish. But I wanted you to be mine, alone. Forever!" Naluluhang napangiti siyang muli sa sinabi nitong iyon. Iyon din naman ang gusto niya. Ang mapasakaniya ang lalaking nasa harapan niya ngayon habangbuhay. "Nagpopropose ka ba sa akin?" biro niya para pakalmahin ang puso niyang walang tigil sa pagririgudon. Napakamot naman ito sa batok. "Sana! Kaya lang alam ko namang masyado pang maaga para doon. Saka na lang kapag aprobado na tayo ng mga pamilya natin." Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay nito. Bigla kasi niyang naiisip ang kaniyang ina. "P-paano kung hindi pabor kay Mama ang relasyon natin?" nakayukong sabi niya. Inabot nito ang baba niya saka siya tinignan sa mga mata niya. "Ipaglalaban mo naman ako, hindi ba?" Makakaya ba niyang talikuran ang sariling ina para sa lalaking mahal at tanggap siya? Biglang nalungkot si Adalius sa pagiging tahimik niya. "See? Kaya ayokong madaliin ka. Naiintindihan ko naman kong mas pipiliin mo ang Mama mo. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo kahit na anong mangyari." "M-mahihintay mo ba ako?" tanong niya kapagkuwan. "Oo naman. Mahal kita, eh." Nanginig ang kaniyang nga labi at bumuhos na nga ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan. Tumayo siya sa kinauupuan niya saka umupo ng patagilid sa kandungan nito para mayakap ang binata. "Thank you, baby! Thank you for loving me and making me happy everyday." Hinimas naman nito ang likod niya para patahanin siya. "Tumahan ka na. Ako nga dapat ang umiyak kasi tinawanan mo ang pagkanta ko," biro nito na kinatawa nilang dalawa. "Hey, lovebirds! Aren't two seats not enough for you to share in one seat?" Napabitaw sila sa kanilang yakapan ng marinig nila ang pamilyar na boses na iyon. "Colton?" "Harrison?" Sabay na turan nila ni Adalius nang makita ang dalawa sa kanilang harapan. "W-what are you guys, doing here?" takang tanong ni Perry. "Gusto lang sana namin kayong dalhan ng wine," ani Colton sabay lapag ng bucket na may wine na napapalibutan ng mga ice cubes. Marunong itong magtagalog dahil matagal din itong nanirahan sa Pilipinas nang magdesisyon ang magulang nito na manirahan sa Pilipinas ng ilang taon upang patakbuhin ang ilang negosyo nila doon. Kaya gulat na gulat siya noon nang minsang kausapin ito ni Harrison ng tagalog. "At kami rin ang nagprepare nito," dagdag pa ni Colton. Oo nga pala. May kompaniya din pala sila rito sa Bangkok na siyang pinagtatrabahuhan ng kaniyang kaibigan bukod sa mga negosyo nila sa ibang bansa. Tumingin naman siya sa kaniyang nobyo para alamin kung ang mga ito ba ang naghanda ng dinner date nilang iyon. Tumango-tango naman ito nang maunawaan nito ang tingin niyang iyon. "I told you we shouldn't come here, hon," baling naman ni Harrison sa nobyo nito. "Why not? These are all my ideas. This is suppose to be my surprise for you for our upcoming monthsary also." Humalukipkip ang kaibigan niya. "Then, why did you agree? You will not agree if he has nothing to offer you, right?" Naikwento kasi sa kaniya ni Harrison noon sa palasyo na mahilig daw gumawa ng mga bagay si Colton basta may kapalit. Napakamot naman si Colton sa batok na siyang katulad ng kay Adalius kapag nahihiya o may kalokohan itong ginawa. "This is my resort, so what's the problem with that?" pagmamalaki nito. Muli ay nagulat si Perry. Hindi niya kalain na pagmamay-ari pala nito ang resort kung saan nakatayo ang wooden pier na kinatatayuan nila. At ano pa nga bang aasahan niya kay Adalius na walang alam sa mga romatic dates. Pero kahit papaano ay alam niyang nag-effort ito dahil sa ginawa nitong kanta para sa kaniya. "Hey! If you two have some issues in your relationship, do it in a place where you are alone. Can't you see, it's our monthsary. Give us some privacy and respect," singit naman ni Adalius. Mabilis naman yumuko si Harrison. "Sorry for the disturbance. Enjoy your night." Saka nito hinila si Colton mula sa tainga nito. Wala naman silang ibang narinig mula kay Colton kundi ang pagdaing nito. Natawa na lang tuloy sila ni Adalius sa dalawa. Hindi niya alam kung paano nagka-develop-an ang dalawang iyon. It's their story to tell. "Bakit mo naman pinaalis ang matalik mong pinsan?" tanong niya nang makalayo na ang dalawa. "Why not? This is our monthsary, so we should treasure this moment together. Just the two of us!" Hindi siya nakaimik dahil alam naman niyang wala siyang magagawa. Hindi siya mananalo sa business minded na ito. Deal is a deal. "Pero mas masaya kung mas marami tayo, hindi ba?" "Kaya nga kita dinala rito para masolo kita, eh!" giit pa nito. "Nakakahiya din naman kasi. Nandito na sila sa harap natin pero pinaalis mo rin agad." "Kahit na! Paano kung bumalik ulit ang feelings mo para sa kaniya? O kaya, ma-in love siya sa 'yo? Paano ako?" "AW! AW! OUCH!" sunud-sunod na daing ni Colton nang hilahin siya ni Harrison paalis sa wooden pier mula sa taenga niy. "Matatanggalan ka talaga ng tenga kong hindi mo titigilan iyang ugali mo na humihingi ng kapalit sa tuwing may hihingi na lang sa 'yo ng pabor!" puna ni Harrison sa nobyo. "Syempre makikinabang siya sa ibibigay ko kaya dapat lang na mapakinabangan ko rin ang hiningi niyang pabor sa akin," dahilan nito matapos niyang bitiwan ang tenga nito. Humalukipkip siya sa tigas ng ulo nito. "At ano namang pabor ang hiningi mo sa kaniya, aber?" "Secret! Bawal sabihin!" Umusok ang taenga niya sa sinabi nito. "So, naglilihim ka na sa akin ngayon?" Napakamot ito sa ulo. "E, may surprise kasi ako sa 'yo. Ayaw ko lang dabihin kasi hindi na surprise kapag sinabi ko na sa 'yo." Bahagya siyang namula kaya naman tinalikuran niya ito. "Talaga ba? Totoo ba 'yang sinasabi mo?" Kapag kasi nang-surprise ito ay talaga namang masusurpresa ka. May mga bagay kasi itong ginagawa katulad ng posible na nagagawa niyang imposible. Niyakap naman siya nito mula sa likod. "Sorry na kung nagalit ka," hinging paumanhin niya. Sa kabila kasi n'on ay nakaramdam siya ng pagka-guilty. Basta na lang niya itong piningot sa tenga sa pag-aakalang may kapustahan na naman ito. "Sorry din. Sorry dahil hindi muna kita pinakinggan bago kita pinisikal." "Grabe ka nga mamingot! Pakiramdam ko napunit na ang tenga," reklamo pa nito. Humarap naman siya rito saka tinignan ang magkabilang tenga nito. Namunula iyon at kaunting galaw lang niya ay dumadaing na ito. Mabilis naman niyang hinalikan ang magkabilang taenga nito. "Sorry na! Ayan, k-in-iss ko na para hindi na sumakit." Ngumuso naman ito saka itinuro ang labi. "Ito rin, Hon, masakit!" Sinapok niya ng palad ang noo nito. "Hmp! Bahala ka nga diyan!" Saka niya ito tinalikuran. Mabilis naman itong sumunod. "Hey, hon! I'm just kidding! Don'tvtake it seriously!" hiyaw nito nang hindi bilisan niya ang lakad niya. "Heh! Ewan ko sa 'yo! Huwag kang tatabi sa akin sa pagtulog! Matulog ka ng mag-isa mo!" habol pa niya. Nahabol siya nito saka pinigilan sa braso niya. "What?! But I need your warmth!" Napangiwi siya. Oo nga pala. Hindi nga pala ito nakakatulog kapag hindi niya tinatabihan. Siya kasi talaga ang nagsisilbing heater ng katawan nito. Pero hindi ibig sabihin niyon na gabi-gabing may nangyayari sa kanila. Nakakatulog din ito ng mahimbing kahit sa simpleng pamamaraan katulad ng pagyakap o pagkahawak sa kamay nito. Pinameywangan niya ito. "Dahil lang ba sa warmth na naibibigay ng katawan ko sa katawan mo kaya ayaw mo akong mawala? Hindi mo ba pwedeng sabihin na kaya ayaw mo ako mawala sa 'yo kasi mahal mo ako?" "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Hon! Hindi lang ako sanay ng wala ka sa tabi ko sa oras ng pagtulog. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, hindi ba?" Sabay hawak nito sa pisngi niya. Sa tuwing ganoon ito kalapit sa kaniya ay tumitiklop siya. Lumalambot siya. "Oo na! Sige na!" "Thanks, Hon! I love you!" "I love you too!" Saka sila pumasok sa Villa nila. "ANG ganda naman ng villa nila dito," kumento ni Perry pagpasok nila ng isa sa mga Villa na naroroon sa resort na iyon. "Mag-shower ka na para makapagpahinga na tayo," mando ninAdalius habang inaayos ang kanilang kama. "Saan ba ang lakad natin bukas?" tanong niya. "Iikutin natin ang buong resort bukas. Kailangan gising ka na bago lumabas ang araw para makita mo din kung gaano kaasul ang dagat at kaputi ang buhangin." Nagningning naman ang kaniyang mga mata sa narinig. "Talaga?!" Tumango-tango naman ito kaya naman mabilis siyang nagtungo sa maleta niya para kumuha ng pamalit na damit. Papasok na sana siya sa banyo nang makaisio siya ng kalokohan. Tinapunan niya ito ng tingin na ngayon ay busy sa laptop nito saka siya ngumiti ng nakakaloko. "Hindi mo ba ako sasabayan?" pang-aakit niya. Mabilis namang bumaling sa kaniya ang nobyo. "Sigurado ka ba diyan?" Tumango-tango naman siya habang napipigil ng tawa. Kaya naman ng tumayo na ito ay mabilis siyang pumasok sa banyo saka iyon ni-lock! "Baby!" hiyaw nito na may kasamang katok. Tawa naman siya nang tawa sa loob. Pero hindi niya akalain na sa pagtapos niya ay nakaabang na ito sa pinto at bigla na lang siyang sinunggaban. Nagpaubaya naman siya dahil iyon lang ang tanging maibibigay niya rito sa mga nagawa nito sa kaniya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD