UNBEARABLE THIRTY-ONE

2080 Words
MAKALIPAS ang limang buwan ay nagdesisyon na si Perry na ipakilala si Adalius sa kaniyang ina kaya naman nag-leave sila sa trabaho ni Adalius ng isang linggo upang lubos na makilala ng kaniyang ina ang nobyo. Ayaw din naman niya maging unfair kay Adalius. "Oh? Bakit para kang binagsakan ng langit at lupa diyan sa itsura mo? Halos umabot na sa sahig ang nguso mo. Akala ko ba gusto mong makilala si Mama?" puna ni Perry kay Adelius. Kasalukuyan kasi siyang nag-iimpake ng mga pasalubong niya sa kaniyang ina. Natapos na kasi niya ang pag-aayos ng sarili niyang mga damit at kagamitan. Nakaupo naman sa kabilang nahagi ng kama si Adalius na halatang malalim ang iniisip. "Iniisip ko lang kung magugustuhan ba niya ako o magugustuhan ba niya ang relasyon natin." Ibinaba niya ang hawak niyang mga pasalubong saka ito hinarap. "Ikaw na ang nagsabi, hindi ba? Na kaya mo naman ako ipaglaban? Kaya nga nagkalakas na ako ng loob na umamin dahil sa pinangako mo sa akin." "Pero, paano nga kung hindi niya ako magustuhan?" "Problema ba 'yon? Eh, 'di suyuin mo. Madali lang naman suyuin si Mama." "Ano sa palagay mo ang pwede kong iregalo sa kaniya?" "Alam mo naman kung ano ang hilig niya, 'di ba? Bulaklak! Iyon lang! Kapag mainit kasi ang ulo niya o kaya kapag may nagawa akong kasalanan binibigyan ko lang siya ng bulaklak." Napansin naman niyang napangiti si Adalius na animoy may naalala ito. Hanggang sa mapansin niyang naula ang mga nata nito kasabay ng pagsinghot nito. "Hey! Are you okay, baby?" nag-aalalang tanong niya rito. "I'm fine! Don't worry about me. Napuwing lang ako. Just continue what you are doing," anito saka lumabas ng kwarto na ipinagtataka niya. "Anong nangyari do'n?" tanong niya sa sarili saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa. PAGLABAS ni Adalius ng kaniyang kwarto ay dumeretso siya ng mini bar niya. Iniisip kasi niya kung handa na ba talaga siyang bumalik sa lugar na kinalakihan niya? Matatanggap kaya siya ng taong pinaglihiman niya ng mahabang panahon? Dahil sa naguguluhan na siya ay minabuti niyang tawagan ang matalik niyang pinsan. "Hello?" bungad nito pagkasagot ng tawag niya. "My greatest fear has come upon me. At hindi ko alam kung kakayanin ko bang umuwi ng Pilipinas," umpisa niya. Alam kasi nito ang sikreto niya kaya alam niyang ito lang ang mahihingian niya ng payo. "I already reminded you so many times about that, right? That you should know the consequences first before you proceed with your plans?" paalala nito sa kaniya. Sa tuwing may problema talaga siya ito ang una niyang nilalapitan. Malaki kasi ang pagkakahalintulad nilang magpinsan. Hindi lang sa kasarian kundi pati na rin sa ilang mga bagay. Kaya nga naging malapit agad sila sa isa't isa. Ito lang din ang unang tao na nakapagpasalita sa kaniya noong dumating siya sa Germany. Nagkagiwalay lang sila noong Lumipat ang mga ito sa Pilipinas dahil nga sa negosyo nilang nagkaroon ng problema. At sa pagbabalik nito sa Hamburg ay lalo silang naging close dahil natotong magtagalog si Colton. Kaya kahit papaano may nakakaintindi sa kaniya. Minsan kasi kapag mainit ang ulo niya o kaya naiinis siya ay talagang tagalog ang ginagamit niyang lenggwahe. "I feel like I will lose both of them once I return to the Phillipines," dagdag pa niya. "Sana naisip mo 'yan noong una pa lang bago mo pinilit ang sarili mo sa kaniya." Napayuko siya sa sinabi nitong iyon. Sinubukan naman niyang pigilan. Pero nang makita niya ito ulit sa pangalawang pagkakataon ay tila nagkaisa ang puso't isip niya. Alam niyang napakalaking kasalanan ang nagawa niya pero nagmahal lang naman siya. "Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi ko kakayanin kung pareho silang mawawala sa akin." "Ano pa nga ba? E 'di harapin mo kung anuman ang kahihinatnan ng lahat ng kasalanan mo," tanging komento nito. Hindi siya nakaimik. "Just explain it to him well. If he really loves you, he's willing to listen." Bumuntong hininga siya. Alam naman niya na darating siya sa puntong ito kaya marapat lang na tanggapin niya kung anuman ang kahihinatnan ng ginawa niya. "Baby? Who are you talking to?" bungad sa kaniya ni Perry na kinagulat niya. Sa dami ng iniisip niya ay hindi niya naramdaman agad ang presensiya nito. "K-kanina ka pa ba diyan?" utal na tanong niya. Umiling ito. "Hindi naman. At saka bakit ka naglalasing? Alam mo namang may flight tayo bukas, hindi ba?" "I'm sorry. M-may problema lang kasi sa kompaniya." Nakita naman niya ang pag-aalala sa mukha nito. "What happened?" "Nothing! Don't think about it. Dad can handle that." "Pwede naman natin i-reschedule ang flight natin." Umiling-iling siya. "Ayoko lang sirain ang excitement mo na makita ang Mama mo kaya kahit anong mangyari, uuwi pa rin tayo ng Piliponas.". "Okay! But if you have a problem, don't hesitate to tell me. I am willing to help and listen to you." Niyakap niya ito. "Thank you, baby. I love you!" "I love you too, baby." "HEY! I thought you're brave enough to face my mom? Then why do you seem so restless?" tanong ni Perry nang makarating sila ng Maynila. Kasalukuyan na silang nakasakay sa rented car na magdadala sa kanila sa bahay nila. Mula kasi ng sumakay sila ng eroplano ay hindi na inalis ni Adalius ang pagkakahawak sa kamay niya. Para din sinisilihan ang pwet nito kaya hindi mapakali minsan. "Don't mind me. Ganito talaga ako kapag naeexcite o kinakabahan," dahilan nito. Kumunot ang noo niya. "Hindi nga? Bakit parang ngayon ko lang nalaman iyon? Sa dami ng nakakaharap mong iba't ibang businessman ay never kitang nakita na kinabahan ng ganiyan," puna niya. "Baby, magkaiba naman kasi ito at sa REI. Confident kasi ako pagdating sa trabaho ko. Eh, iyong makita at makilala ang iyong ina ay ibang-iba. At saka natatakot din ako para sa 'yo." Pinisil niya ang pagkakahawak sa kamay nito. "Hanggat magkasama tayong haharap sa kaniya ay hindi ako matatakot na magtapat sa kaniya." Hinalikan nito ang kamay niya. "Just promise me that no matter what happens today, you are not going to run." "I promise! I will make Mom understand everything about us. I know he will accept our relationship as long as we're happy and love each other." Tumango-tango naman ito at muling nanahimik. Inihilig nalang niya ang kaniyang ulo sa balikat nito habang tinitignan ang mga naglalakihang mga gusali sa paligid nang bigla soyang may maalala. "Oo nga pala, maiba ako. Hindi ba't lumaki ka rito sa Maynila?" "Hmm!" tango nito. "Gusto mo bang dalawin muna natin ang puntod nila o kaya ng ibang mga kamag-anak ng adopted parents mo?" Mabilis itong umiling. "A-ayoko ko munang magpakita sa kanila. Alam kong galit sila sa akin dahil ang tagal ko ng walang kumonikasyon sa kanila. Sumama ako kay Dad noon dahil ayokong maging pabigat sa kanila. At saka wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kong hindi ako sumama kay Dad." "Sigurado akong kapag nakita ka nila ay magiging proud din sila sa lahat ng naging achievements mo." "Kaya nga minsan ipinagdarasal ko na lang sila." "Naku! Nandito na pala tayo," anunsiyo niya nang tumigil na ang sinasakyan nila sa labas ng hotel na pagsamantalang tutuluyan muna ni Adalius. Ang isa sa mga Hotels nina Colton sa Makati. Naisip nila na mas mabuti kung uunti-untiin muna nila ang lahat. Baka kasi kung mapano pa ito kung isasabay niya ang pagpapakilala kay Adalius at sa pag-amin niya tungkol sa kasarian niya dahil alam niyang sensitibo ang ganoong usapin pagdating sa kaniyang ina. At sigurado siyang masusurpresa ang kaniyang ina sa kaniyang pag-uwi. Hindi kasi niya sinabi rito na uuwi siya. Sarado din ang shop nila dahil araw ng linggo kaya nga iyon ang pinili niyang araw na umuwi sa kanila dahil nga nasa bahay lang ito. "Paano, maiwan na muna kita rito. Tatawagan na lang kita kapag nasa bahay na ako. Babalitaan din kita tungkol sa pag-amin ko," bilin niya kay Adalius nang ihatid siya nito sa lobby ng hotel. "Okay! Basta, kung anuman ang mangyari, nandito lang ako. Hihintayin kita." Niyakap niya ito. Wala na siyang pakialam kung may makakilala man sa kaniya roon. Aamin na rin naman na siya kaya ano pangnsilbi ng pagtatago niya. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi pagkabutaw niya rito saka ginawaran ng halik ang kaniyang noo. "You take care, okay?" Tumango siya. "I will!" "Huwag kang maghahanao ngniba habang wala ako, ha?" habol pa niya. Natatawang napailing si Adalius sa kaniya. "Oo na! Basta hindi ka rin maghahanap ng iba." "Sige na, bye!" "Bye!" "I love you!" "I love you too!" MATAPOS ang ilang minutong byahe ay narating na nga niya ang kanilang bahay. At masasabi jiyang malaki na ang pinagbago ng kanilang tahanan. Mas lumawak na kasi ang hardin ng kaniyang ina. Bago na rin ang pintura ng bahay lalo na ang shop nila na nadaanan niya kanina na nagkaroon na ng extension. Masasabi niyang sulit lahat ng pagod niya sa pagtatrabaho niya abroad. Tinignan muna niya ang mga bitbit niyang pasalubong para sa ina bago niya pinindot ng sunud-sunod ang doorbell. "Sandali! Heto na! Kung makapindot naman!" Natawa siya sa reaksyong iyon ng kaniyang ina. Namiss talaga niya maging pasaway. Sigurado siyang sasalubungin siya nito ng kurot sa tagiliran. Nang marinig na niyang binubuksan nito ang gate ay agad niyang itinaas sa ere ang kaniyang mga kamay. "SURPRISE!" Nanlaki naman ang mata ng kaniyang ina. "Perry, anak ko!" Saka siya nito mahigpit na niyakap. Pagkabitaw niya rito ay hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa sa kaniya. "Aray, Ma!" daing niya ng mangyari nga ang iniisip niya kanina nang kurutin siya nito sa tagiliran niya. "Ikaw lang pala 'yan. Kung makapindot ka sa doorbell natin akala mo kung sinong hinahabol." "Sorry na, Ma, namiss lang kasi kitang asarin, eh." "At talagang iyang pang-iinis mo ang isasalubong mo sa aking bata ka!" "Ma, chillax! May mga pasalubong pa naman ako sa 'yo!" sabay taas ng mga pasalubong niya sa ere. Kinuha naman nito agad iyon saka siya pinapasok sa loob. "Naku! Nanuhol pa. Pasok! "Ma, naman! Parang hindi ka masayang umuwi ako, ah?" "Bakit kasi hindi mo ako tinawagan. Nasundo ka sana namin ni Ronald," tukoy nito sa delivery boy ng flower shop nila. Isa din kasi iyon sa naipundar niya. Ang makabili ng sariling sasakyan para sa extra service ng negosyo ng mama niya kahit na hulugan lang ang nakuha niyang L300 na kulay puti. "Gusto kasi kitang surpresahen. At saka, linggo na nga lang ang pahinga mo, kukunin ko pa ba?" Ginulo nito ang buhok niya. "Ikaw talaga! Kumain ka na ba?" tanong nito kapagkuwan. Bigla ay nakaramdam siya ng gutom kaya umiling siya sa ina. "Tamang-tama, nagloto ako ng paborito mong adobo." Naglaway siya sa sinabi nitong lutong ulam. Matagal-tagal na rin noong huling kain niya ng luto nito. Niyakap niya ang ina mula sa likod nito. "Salamat, Ma!" Hinawakan nito ang braso niyang nakapalibot sa leeg nito. "I miss you, anak!" KINAGABIHAN, katatapos lang maligo ni Perry nang magring ang kaniyang cellphone. Napasapo siya sa kaniyang noo nang makita niya ang pangalan ng nobyo. "H-hello?" utal na bungad niya dahil siguradong sesermunan siya nito dahil nakalimutan niya itong i-text o tawagan. "It looks like my baby is having a great time with his mother." Napangiwi siya. "Sorry! Ang dami kasing kwento ni Mom about sa shop kaya nakalimutan kong tawagan ka o padalhan ng mensahe." "It's okay! Nag-alala lang ako." "Hindi ka galit?" "Bakit naman ako magagalit? Alam ko naman kung gaano mo kamiss ang Mama mo." "Sorry! Hindi na ulit mauulit," gatong niya pa. Sandaling tumahimik si Adalius kaya tinanong niya ito. "Natahimik ka na?" Bumungtong hininga ito. "N-nasabi mo na ba sa Mama mo?" Umiling siya kahit hindi naman siya nito nakikita. "Hindi pa. Humahanap pa kasi ako ng tiyempo. Pero balak ko kasi na ipasyal siya bukas sa Mall para makapag-bonding muna kaming dalawa bago ko sabihin sa kaniya ang totoo." "Good luck! Alam kong kaya mo 'yan," pagpapalakas-loob nito sa kaniya. "Thank you, Baby! I miss you!" "I miss you too, Baby!" And he hanged up the call. Pagkalapag niya ng cellphone sa bed side table niya ay naagaw ng atensyon niya ang picture nila ng kaniyang ina na nasa picture frame. Kinuha niya iyon at kinausap. "Sana matanggap mo ako? Sana hindi mo ako kamunghian tulad ng pagkamunghi mo kay Papa. Pinigilan ko naman, Ma, eh! Kaya lang ganito talaga ako, eh! Ito ang sinisigaw ng puso ko," sumamo niya saka niyakap ang kanilang litrato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD