UNBEARABLE THIRTY-TWO

2184 Words
"NAKAPILI ka na ba ng gusto mo, Ma?" tanong niya nang magtagpo sila sa second floor ng department store. "Oo, anak! Ang dami kong napamili." Tinignan niya ang push cart nito. "Bakit puro sa shop iyang pinamili mo? Ang sabi ko sa 'yo bumili ka ng damit, bag o kaya sapatos mo. Palagi na lang ang shop ang iniintindi mo! Hindi mo na inaasikaso ang sarili mo!" "Hindi bale, anak! Marami naman na akong damit. At saka alam mo anamang ito talaga ang mga hilig ko." Puro vases kasi ang binili nito at mga kagamitan sa paggawa ng boquet. Bumuntong hininga siya at hindi na kumuntra pa. Siya na lang siguro ang bibili ng mga gusto niyang bilhin nito para sa sarili nito. "Saan mo gusto kumain, Ma?" tanong niya sa ina ng sumapit ang tanghalian. "Parang gusto kong kumain sa Korean Restaurant. Guso kong magpakabusog ngayon anak. Ang dami kasi nating pinamili. "Okay! Let's go!" sabay hila niya rito matapos nilang ilagay sa L300 ang kanilang mga pinamili. "Iyong 599 anak ang orderin mo para lahat ng flavors at kalse ng karne makain natin." Tumango naman siya saka sinabi sa waitress ang order nila. "Dagdagan mo na rin ng dalawang Chapchae." "Okay, Sir!" pa-cute nito na hindi niya pinagtuunan ng pansin. "Kumusta pala ang buhay mo sa Germany? Baka mamaya may nobya ka na doon hindi mo pa pinapakilala sa akin." Nasamid siya sa sarili niyang laway dahil sa sinabing iyon ng kaniyang anak. "Wala akong nobya, Ma!" 'Nobyo meron!' aniya sa isip. Gusto man niyang isigaw iyon pero hindi iyon ang tamang oras at lugar. "Naniniguro lang, anak. Baka mamaya niyan. Sa sunod na uwi mo dito ay may apo na ako." Ngumiti siya saka hinawakan ang kamay ng ina. "Soon, Ma," aniya para hindi na ito magtanong pa. Mabuti na lang at dumating na ang order nila kaya hindi na nasundan pa ang yopic nilang iyon. "Oo nga pala, nagpunta ka ng Thailand, hindi ba?" "Balita ko kasi kay Paris doon nagtatrabaho si Harrison. Nagkita ba kayo doon, anak?" "Yup! Nakalimutan ko pa lang ipadala sa 'yo iyong mga pictures namin. Heto!" sabay pakita niya sa mga pictures nilang magkaibigan. Mabuti na lang din at nasa phone ni Adalius lahat ng litrato nilang magkasama. Alam kasi niyang kinakalkal minsan ng kaniyang ina ang gallery niya. Ang ilan kasi sa mga pinapasa niyang picturrs niya rito ay pinapa-frame nito at idini-display nito sa flower shop. "Masaya ako na nakikita kayong maayos na ulit. Noong huling kita ko kasi sa inyong dalawa halos wala kayong imik sa isa't isa." "Mabuti na nga lang nakaayos na kami, Ma." "Ganiyan talaga, anak. Minsan may mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkaibigan. Pero nadadaan naman sa magandang usapan." Sumubo siya ng fish cake. "Balita ko nga rin ho, nakapagpatayo na si Tita ng sarili nilang Mini Mart." "Oo nga pala! Bukas ipapasyal kita noon nang makita ka naman nila. Teka! Hindi mo ba kasama umuwi si Harrison?" Umiling siya. "Busy kasi iyon sa trabaho niya ngayon kaya hindi na sumama kahit gustuhin man niya." "Ganoon ba? Sayang naman. Kung ganoon ikaw lang ang paghahanda namin." "Bakit pa kayo maghahanda?" "Homecoming celebration mo!" "Si Mama, talaga! Gastos lang po 'yon." "Batang 'to talaga napakakuripot sa sarili. Syempre minsan ka lang umuwi dito kaya dapat lang na ipagdiwang." Napatango-tango siya. "Kayo po ang bahala." Kunsabagay may punto naman ang kaniyang ina kaya naman nagdesisyon silang mag-grocery pagkatapos nilang kumain para sa ihahanda sa kaniyang homecoming celebration. "HOW was your day?" tanong ni Adalius kay Perry kinagabihan. "Okay naman! Marami na namang abobot na binili si Mama para sa shop niya. Ako na nga ang bumili ng mga bago niyang damit, bag at sapatos. Mas inuuna pa nito ang shop. Wala na siyang time para sa sarili niya. Ikaw ba? Kumusta ka? Bumisita ka na ba sa cemetery?" "Hmm. Dumaan ako kanina. Medyo nainip na rin kasi ako sa hotel." "Pasensiya ka na. Baka sa makalawa ko na masabi kay Mama. Nakaplano kasi bukas ang homecoming celebration ni Mama para sa akin. Ayoko ko naman masira iyon." "I underatand." "Thank you!" pasalamat niya. Nahihiya na siya sa kaniyang nobyo. Pangalawang araw na ito nang hindi pa sila nagkikita ulit. "You're welcome. I miss you!" Napangiti siya. "I miss you too!" "Dreame of me," habol pa nito. "WELCOME BACK, Perry!" bati sa kaniya ng mga bisita. "Kumusta naman ang pagtatrabaho sa abroad? Mahirap ba?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ng kaniyang ina. "Sa una mhirap dahil mangangapa ka, pero kapag nakasanayan na, wala na pong mahirap," magalang na sagot niya. "Napakasipag ng anak mo, kumare. Hindi lang iyon, matalino't pogi pa," sabat naman ng isa. Napakamot siya sa ulo. "Hindi naman po masayado." "Napaka-humble naman ng batang ito. Ilang taon ka na ba , hijo? Baka pwede kita ipakilala sa anak ko. Maganda 'yon! Matalino't masipag din katulad mo," anito na bahagya pang kuampit sa braso niya. Palihim siyang napangiwi. Kung pwede lang niya iwasan ang mga bisita ng kaniyang ina ay ginawa na niya. Halos mga bisita kasi ng kaniyang ina ang nandodoon. At parang sa halip na homecoming ang mangyari ay naging blind date pa dahil halos lahat ng anak na babae ng mga kaibigan ng Mama niya ay nirereto sa kaniya. "Naku! Pasensiya na po kayo. Mayroon na po kasi akong napupusuan," sabi na lang niya para tumigil na ang mga ito sa kakareto sa kaniya. "Ay! Sayang naman!" "Ano ba 'yan!" "Sana hinintay mo ang anak ko. Siguradong makakasundo siya ng iyong ina dahil mahilig din ito sa mga bulaklak," habol pa ng isa na nginitian na lang niya ng peke. Siya ba ang may hawak ng tadhana niya para basta na lang siya diktahan ng mga ito? Pero sa kabila n'on ay nagpakita pa rin siya ng galang sa mga ito alang-ala sa kaniyang ina. Kung nandirito lang sana ang nobyo niya ay hindi siya maiirita. Kapag kasi naiirita siya sa isang bagay o tao ay nagagawa siya nitonh pakalmahan. Kaunti na lang ay magwa-walk-out na siya kung hindi lang nakakahiya sa kaniyang ina. "Perry!" napalingon naman siya sa bagong dating. Ang Tita Paris niya na ina ni Harrison kasama ang asawa nito. Busy din kasi ang mga ito sa Mini Mart nila kaya nahuli ito ng dating. Sinalubong niya ang mga ito ng yakap. "Kumusta po kayo, Tita, Tito?" "Mabuti naman, ijo," sagot ng ginoo. "Mukhang hiyang mo ang Germany, ah?" puna naman sa kaniya ng Tita Paris niya matapos pagmasdan ang kaniyang katawan. "Napansin mo pala, Mare!" singit naman ng kaniyang ina." "Oo, Mare. Parang si Harrison lang din. Hiyang din kasi niya ang Thailand." "Ay oo nga pala, hindi ba't may pinadalang package sa 'yo si Harrison para sa pamilya niya?" paalala ngnkaniyang ina. "Oo nga pala. Sige po kukunin ko lang sa kwarto ko." Saka siya dali-daling nagtungo ng kaniyang kwarto. Nawala sa isip niya ang bagay na iyon lalo na't naging abala siya sa pakikipag-bonding sa kaniyang ina. Pagkakuha niya ng dalawang paper bags para sa magulang ni Harrison ay agad nanlbsiyang bumaba saka iniabot sa mag-asawa. "Salamat!" sabay na sabi ng dalawa. "Sige po! Kain na muna kayo!" "Sige, sige. Salamat, ijo!" "HAY! Nakakapagod!" rinig niyang sabi ng kaniyang ina matapos ibagsak ang sarili sa sofa. Halos ito lang kasi ang gumawa ng lahat ng trabaho mula sa paghahain, pag-aasikaso sa mga bisita at pagliligpit. Mukhang kailangan na niya itong kuhanan ng kasambahay. Lumapit naman siya sa likod nito para i-massage ang balikat nito. "Sabi sa 'yo huwag ka na magpa-homecoming, eh! Tignan mo tuloy ngayon, gamit na gamit ka." "Para naman sa 'yo iyon kaya okay lang na mapagod ako. Wala ito kumpara sa pagtatrabaho mo sa Germany." "Si Mama talaga. Magkaiba naman tayo ng edad at ng kasarian kaya mas malaks talaga ako sa 'yo." "Kahit na ano pa ang kasarian mo matatanggap kita." Napahinto siya sa narinig. Tama ba ang narinig niya? "A-anong sabi niyo, Ma?" gulat na tanong niya. "Ang sabi ko, kahit ano pang kasarian mo, matatanggap ko." "P-pero, Ma. H-hindi ba't galit kayo kay Papa kasi mas pinili niya ang lalaki niya kaysa sa atin?" Tumango naman ang kaniyang ina. "Dahil alam kong hindi mo ako iiwan o ipagpapalit kahit kanino." "Ma. . ." maluluhang sambit niya. "Ano, anak? Kailan mo balak magtapat sa akin?" "A-alam niyo po?" Tumango ulit ito. "P-paano po?" "Anak kita kaya alam ko at ramdam ko. At saka, sa tagal mong nawala dito sa bahay sa tingin mo hindi ko makikita ang mga pinagbibibili mong libro, ha? Hinihintay ko lang na ikaw mismo ang magsabi sa akin." "H-hindi po talaga kayo galit?" pag-uulit niya. "Magagalit ako kapag hindi mo pa rin sinabi sa akin kung sino ang nobyo mo." Napalunok siya. "P-pati po iyon alam mo?" "Halika ka nga ritong bata ka." Agad naman siyang tumabi rito. Pagkaupo niya ay saka siya inakbayan ng kaniyang ina kaya naman napahilig siya sa balikat nito. "Alam mo namang pagdating sa 'yo ay observant ako. Hindi naman sound proof ang kwarto mo para hindi ko marinig na kausao mo ang nobyo mo." Napabangon siya sa sinabi nito. "Mama! That's invasion of privacy!" maktol niya. "Bakit? Gusto lang naman kita pagdalhan ng gatas sa kwarto mo, ah? Pero nang marinig ko kung gaano mo kamahal ang taong iyon, naisip ko na, hindi na talaga bata ang anak ko." Naluha siya sa sinabi nito kaya naman niyakap niya ito mula sa tagiliran nito. Hinimas naman ng kaniyang ina ang kaniyang buhok. "Thank you, Ma, sa walang sawang pagsuporta niyo sa akin. Sa pag-iintindi at pagtanggap niyo sa kung ano ako." "Ikaw talaga. Syempre nanay mo ako. Sino pa ba ang iintindi at tatanggap sa 'yo ng buong-buo?" "I love you, Ma!" "Mahal din kita, anak. Teka! Ano nga pala ang pangalan ng nobyo mo? Kasing-gwapo mo ba siya, anak?" Muli siyang humiwalay dito at nagsimulang i-kwento ang nangyari sa cruise ship. Napahawak ang kaniyang ina sa magkabilang pisngi nito matapos marinig ang kwento niya. "Naku! Napaka-romantic naman ng love story niyo, anak! Magkwento ka pa dali!" "Akala ko hindi na kami magkikita matapos ang European trip na iyon pero muli kaming pinagtagpo sa Germany at siya ang boss ko!" Nanlaki ang mga mata nito sa narinig. "B-Boss mo? As in may ari ng kompaniya?" Tumango siya. Mukha namang napaisip ang kaniyang ina. "Naku, anak! Nakilala mo na ba ang pamilya niya? Hindi pala basta-basta ang pamilya ng nobyo mo. Sigurado akong anak siya ng mga hari at reyna ng Hamburg." Hinawakan niya ang kamay nito para pakalmahin. "Ma, hindi po siya prinsipe. Sa katunayan nga walang sinuman ang nakakakilala sa pamilya nila bukod sa mga taong pinagkakatiwalaan nila." Kumunot naman ang noo nito. "Ha? Napamisteryoso naman pala ng pamilya nila." "Hmm! Inaalagaan lang nila ang kanilang reoutasyon kaya nananantiling misteryoso ang kanilang angkan. Pero mababait sila, Ma! Buong puso nila akong tinanggap sa pamilya nila. At saka mabait sila sa mga Pinoy na katulad ko kasi kung hindi dahil sa mag-asawang Pinoy na kumupkop noon at nag-alaga kay Adalius ay hindi sana nila ito matatagpuan. Ang sabi nila may naiwan daw itong kapatid dito sa Pilipinas at gusto nila makilala para napasalamatan." "Naku! Pangalan pa lang ng nobyo mo mukhang kagalang-galang na at hindi basta-basta talaga. Gisto ko siya makilala. May litrato ka ba niya sa cellphone mo?" Napakamot siya sa ulo niya. "Wala po, e! Pero nandito siya sa Pilipinas. Kasama ko siyang umuwi." Nanlaji ang mga mata ng kaniyang ina. "Talaga? Bakit hindi monsiya inaya rito para sana kasama siya sa homecoming mo." Napayuko siya. "Ayaw kasi kitang biglain, Ma. Baka kasi kapag nalaman mo ang totoo tungkol sa kasarian ko ay baka magalit at itakwil mo ako bilang anak mo dahil pareho kami ni Papa ng kasarian." "Ang sabihin mo, ayaw mo lang na mahuli kita sa akto!" Tumango siya bilang pag-amin. Hinawakan ng kaniyang ina ang kaliwang pisngi niya. "Sinabi ko na sa 'yo, hindi ba? Nagmana ka man sa iyong ama pagdating sa kasarian ay magkaiba pa rin kayo. Siya, iniwan tayo, pero ikaw? Alam kong hindi mo ako iiwan. At saka hindi ko naman hawak ang puso mo para kontrolin kita. Kung saan ka masaya, mas magiging masaya ako." "Salamat, Ma." "Oh, bukas, ha? Gusto ko makilala ang nobyo mo. Ipaghahanda ko siya ng masasarap na pagkain. Ang sabi mo laki siyang Pinoy, hindi ba? Kaya ipagluluto ko siya ng mga masasarap na pinoy foods." "Thank you talaga, Ma! You're the best!" Tinapik-tapik nito ang likod niya. "Sige na, umakyat ka na sa kwarto mo para makapagpahinga na tayo pareho." "Sige, Ma, hahatid na kita sa kwarto mo," paglalambing niya. "Sus! Nanlambing na naman ang anak ko." "Syempre! Baka kasi bukas paggising mo hindi mo na maaalala lahat ng sinabi mo sa akin ngayon," tudyo niya rito. Pinisil naman nito ang kaliwa niyang pisngi. "Ikaw talaga, puro ka kalokohan. Hindi pa ako señior citizen para maging makakalimutin." "Si mama talaga hindi na mabiro!" aniya habang hinihilot ang kinurot nito. "Ewan ko sa 'yo! Sige na, goodnight, anak!" Hinalikan naman niya sa noo ang ina. "Goodnight, Ma!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD