MATAPOS ang madamdaming pag-uusap nila ng kaniyang ina ay agad niyang pinamalita ang magandang balita sa kaniyang nobyo.
"Guess what?l bungad niya kay Adalius nang sagutin nito ang video call niya.
"You look happy, kumusta ang homecoming mo?"
Bigla siya napasimangot nang maalala niya ang pagrereto ng mga anak ng mga kaibigan ng kaniyang ina. "Hindi ko nga alam kung homecoming ba iyong kanina o blind date."
"Bakit? Anong nangyari?"
"Inireto kasi sa akin halos lahat ng mga kaibigan ni Mama ang mga anak nilang mga babae."
"Anong sabi mo?"
"As if naman na may pakialam ko sa mga anak nila, 'no!"
"Ano ngang sinabi mo?"
"Sinabi ko na may iba na akong nagugustuhan para matigil na sila.
"Good!"
"Oh? Bakit bigla ka natahimik? Saka nakanguso ka na naman diyan. Hindi ka ba masaya na wala na tayong poproblemahin kay Mama? Gusto ka na niya makita kaya ang sabi ko sa kaniya ipakikilala na kita bukas."
"Syempre masaya ako. Pero hindi ko kasi maiwasan na kabahan," dahilan nito.
"Wala ka namang dapat na ikabahala kasi cool si mama. Siguradong magkakasundo kayong dalawa. Ipagluluto ka pa nga niya ng masasarap na pagkaing pinoy kasi alam niyang miss mo na ang pinoy foods."
"Okay! Tell her that I'll be there at lunch."
"Okay! Basta alam mo na kung anong dadalhin mo bukas, ha?"
"Yeah! See you tomorrow, baby!"
"See you! I love you, baby!"
"I love you more."
KINABUKASAN ay naging abala sina Perry at ang ina nito sa paghahanda sa pagdating ninAdalius. Nagluto sila ng taylong putahe; chicken pork adobo, sinigang na isda at pinakbet na chicharon ang sahog. Iyon kasi talaga ang specialties ng kaniyang ina.
"Nasaan na raw siya, anak?" tanong ng kaniyang ina habang inaayos ang sarili sa harap ng salaminan niya sa kwarto.
"Malapit na raw ho siya "
"Okay na ba itong suot ko, 'nak? Hindi ba pangit?"
"Ma, kahit ano namang isuot o ayos mo, hindi pa rin kukupas ang angking kagandahan mo."
Suot kasi nito ang binili niyang damit na nabili niya ng palihim noong nag-shopping sila sa Mall.
"Sus! Nambola ka na naman! Saan ka ba nagmana ng ganiyang ugali, ha?"
"Kanino pa ba? E, sa 'yo lang naman ako magmamana."
"Ewan ko sa 'yo. Halika na sa baba para masalubong natin kaagad ang nobyo mo kapag nandiyan na siya."
Napakamot siya sa batok niya. "Si mama talaga mas excited pa sa akin."
"Aba dapat lang, ano! Nobyo mo ang makikilala ko kaya marapat lang na makilatis ko siya ng mabuti."
"Ma, naman! Baka naman matakot sa 'yo 'yong tao."
"Aba dapat lang! Kailangan makuha niya ang loob ko bago ko siya bigyan ng permiso na pakasalan ka."
"Ma! Anong kasal ang sinasabi mo? Wala pa nga kaming isang taon, kasal agad?"
"Alam mo, anak. Kapag ang lalaki pumunta sa bahay ng taong mahal nila, ibig sabihin niyon, sa kasal na ang tuloy."
"Pero wala pa sa isip namin iyon."
"Aba! Hindi pupwede iyon, anak. Siya ang first boyfriend mo kaya siya rin dapat ang mapapangasawa niyo."
Kunsabagay iyon din naman ang gusto niya. Maging una at huli si Adalius.
"P-pero hindi ka namin mabibigyan ng apo, 'Ma."
"Ano ka ba! Kwarenta'y singko pa lang ako, anak. Masyado pa maaga para magkaapo ako. Pero marami namang paraan para magkaroon kayo ng anak. Pwede nang maging posible ang mga imposible ngayon. Kaya hahanap tayo ng disenteng babae na pwedeng anakan ninAdalius."
"Ma! Pag-uusapan ba talaga natin 'yan ngayon?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"At bakit hindi? Mas okay nang mapag-usapan para mapaghandaan na."
"Akala ko ba ayaw mo pang magka-apo?"
"Sinabi ko ba 'yon, 'nak?"
Napailing siya. "Si mama talaga, oo."
"Bakit? Gusto mo ba ikaw ang mag-donate ng sperm? Syempre hindi ako papayag."
Kumunot ang noon niya. "Bakit ayaw mo?"
"Syempre gusto ko ikaw ang bride sa kasal ninyo. Gusto ko si Adalius ang mag-alaga sa 'yo since mas matanda siya sa 'yo."
"Pero hindi ako cross-dresser, Ma! Ayokong magsuot ng wedding gown. Nakakahiya!"
"At sino naman ang nagsabi sa'yo na magsusuot ka ng gown sa kasal mo?"
"Sabi mo kasi ako ang magiging bride dapat."
"Oo nga! Pero dahil same s*x marriage ang mangyayari, pareho pa rin kayo ng suot ng groom mo. Ang pinagkaiba lang, may hawak kang bulaklak. At syempre ang mga bulaklak ko ang dadalhin mo sa altar."
"Ma, naman! Ang aga mo mag-daydream. Masyado ka ng advance mag-isip."
"Bakit? May reklamo ka?"
"Wala po!"
Pero sa isip-isip niya mukhang alam na niya ang kahihinatnan ng tanghalian nila.
"Nandiyan na siya. Ako na po magbubukas ng pinto," presenta niya nang marinig na nila ang door bell.
"Sandali, anak!" pigil sa kaniya nito. "Hindi nakaayos ang kwelyo mo," saka nito inayos ang kwelyo niya.
Mabilis namang tinungo ni Perry ang kanilang gate matapos iyon.
"Hi!" bungad niya kay Adalius saka ito niyakap.
"Nahuli na ba ako ng dating?" tanong nito matapos siyang halikan sa noo nito.
Hindi kasi siya nito mayakap dahil sa hawak nitong malaking bugkos ng bulaklak para sa kaniyang ina.
Umiling siya. "Sakto lang ang dating mo. Ano 'iyang nasa paper bags?" Napansin kasi niya na may bitbit pa itong dalawang paper bag.
"This one is for you," sabay abot sa kaniya ng paper bag na may tatak na Rolex. "And this one is for your mom." Sabay angat ng paper bag na may tatak na Tiffany Jewelry.
"Nag-abala ka pa. Sinabi ko naman sa 'yo na hindi mo namana ko kailangang bilhan pa ng regalo. Preseniya mo lang solve na ako. At saka bulaklak lang masaya na si Mama."
"Kaya nga flower earings ang binili ko para sa kaniya. Nang makita ko kasi 'yon siya agad ang pumasok sa isip ko."
"Sige na, nandiyan na 'yan, eh. Pasok ka na. Siguradong naiinip na iyon si Mama."
"Sa tingin mo magugustuhan niya ang mga regalo ko?"
"Wala naman na siyang magagawa kung nandiyan na 'yan, e."
BAWAT hakbang ni Adalius papalapit sa main door ng bahay nina Perry ay lalong nagririgudon ang puso niya. Wala na siyang ibang marinig kundi ang t***k ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng ganap na ito. Basta ang alam niya, handa na siyang harapin ang lahat.
"Ma, this is my boyfriend, Adalius," pakilala sa kaniya ni Perry.
Tinignan niya ang ina nito ng mata sa mata. "Goodmorning, Ate. Ikinagagalak kitang makitang muli."
Nanlaki naman ang mga mata nito at ang sumunod na pangyayari ang hindi nila inaasahan.
"Ma!" hiyaw ni Perry nang bigla na lang nahimatay ang ina nito nang tuluyan siya makilala nito.
"ATE!" hiyaw niya saka binitiwan lahat ng hawak niya para lapitan ito pero agad siyang tinulak ni Perry palayo rito.
"Ano ba kasing ginawa mo! Bakit mo siya tinatawag na ate, huh?" paninisi nito na halata ang galit sa boses. Kitang-kita rin ang paglabas ng mga ugat sa leeg nito.
Binuhat nito ang ina para dalhin sa kung saan kaya naman sinundan niya ang mga ito.
"Baby magpapaliwanag ako," aniya nang mailapag na ni Perry ang ina nito sa kama.
Tinulak-tulak siya nito sa dibdib niya hanggang sa mapahilig na siya sa ding-ding.
"Sino ka ba talaga, huh? Sino ka sa buhay ni Mama?! Sa buhay ko?!" sunud-sunod na tanong nito.
"A-ako ang Uncle Julius mo—"
"Hay*p ka!" nabaling sa kaliwa ang mukha niya nang bigla siyang sununtok ni Perry ng malakas.
Ramdam niyang pumutok ang labi niya dahil sa nalasahan niyang kalawang sa gilid ng labi niya.
Nilingon niya ang nobyo. Hilam na ng luha ang nga mata nito sa labis na sakit. "W-walanghiya ka! N-niloko mo ko! At hindi lang 'yon, g-ginawa mo pa akong tanga!"
"Hindi ganoon 'yon. Oo naglihim ako, pero hindi ibig sabihin niyon na niloko kita!"
"Anong hindi? Itinago mo ang totoo sa akin. Alam mong tiyuhin kita pero anong ginawa mo? Hinayaan mo akong umibig sa 'yo!"
"Alam mong hindi tayo mag-tiyu—"
"Pero kapatid ang turing sa 'yo ni Mama!" giit pa nito.
"Kaya nga ako pumayag na sumama sa 'yo at makipagkita sa kaniya kasi gusto ko ng umamin sa kaniya. Sa inyo! Kaya patawarin mo 'ko."
"Sa tingin mo ba mapapatawad ka namin sa ginawa mong panloloko sa amin, huh?! Lumayas ka dito!"
Umiling-iling siya. "No! Please don't do this to me, baby!" humihikbing sabi niya.
Nanatiling tikom naman ang bibig nito at hindi rin makatingin sa kaniya ng deretso kung saan tahimik lang itong humihikbi.
"P-pakiusap, huwag mo ng hintayin na si Mama pa ang magpaalis sa 'yo."
"Pero—"
"Ayaw na kita makita!"
"S-sinasabi mo ba na m-maghiwalay na tayo?"
"Oo! Dahil sa una pa lang ay mali na ang relasyong ito," mariin na sabi nito na nagpadurog ng kaniyang puso.
Lumuhod siya sa harapan nito. "H-hiilingin mo na ang lahat sa akin huwag lang ang makipaghiwalay sa 'yo. Kasi h-hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka," sumamo niya.
"Kayanin mo dahil iyon ang tama. Kalimutan mo na rin ang lahat ng walang-kwentang pinagsamahan natin," dagdag pa nito dahilan para mawala iyong kaunting pag-asa sa puso niya na maayos pa ang gulong pinasok niya.
Tumayo siya at nanindigan. "G-ganiyan na ba talaga katigas ang puso mo? Na kaya mong ibasura lahat ng masasayang pinagsamahan natin? Na walang kwenta ang lahat ng iyon? M-minahal lang naman kita ng sobra, ah? Pero bakit parang ang lala naman yata ng parusa ko?"
"Dahil niloko mo kami ni Mama ng mahabang panahon!" giit nitong muli.
"Kasalanan ko ba kung kailangan kong itago ang tunay kong pagkakakilanlan? Mahirap man para sa akin pero tiniis kong hindi makasama si Ate dahil ayaw kong mapahamak siya," paliwanag.
"Tama na! Ayokong makarinig ng kahit na anong paliwanag mo dahil alam kong purong kasinungalingan lang din ang sasabihin mo!" matigas na sabi nito.
At dahil sa sinabing iyon ni Perry ay tila nawalan na siya ng pag-asa na makapagpapaliwanag pa siya. "N-ngayon ko lang napatunayan, na ang b-babaw lang pala ng pagmamahal mo para sakin."
Masakit para sa kaniya na sarado na naman ang isip nito para sa mga paliwanag niya. Nangako kasi ito sa kaniya noon na kung dumating man iyong araw na masaktan niya ito ng hindi niya inaasahan ay handa itong makinig sa mga eksplinasyon niya. At dumating na nga ang araw na iyon ngunit napako ang pangakong iyon.
"S-salamat na lang din sa mga memories." Iyon lang ang salitang binitiwan niya saka tuluyang umalis.
SAMANTALANG naiwan namang luhaan si Perry. Hindi niya akalain na ang iniidolo niyang tiyuhin ay ang kaniyang nobyo pala. Na iyong tiyuhin na matagal na niyang gusto makita at makausap ay matagal na pala niyang kasama sa Germany.
Alam niyang wala namang masama sa relasyon nila dahil hindi naman sila talaga magkadugo. Ang kaso lang, itinuring na itong kapatid ng kaniyang ina. At sigurado siyang itatakwil din ito ng kaniyang ina kaya mas mabuti kung siya na ang tumakwil dito.
"Anak?" himig ng kaniyang ina na ngayon ay nakaupo na sa kama.
At dahil nakaupo siya sa sahig ay niyakap niya ito sa bewang nito. "S-sorry, Ma! H-hindi ko po alam," hinging paumanhin niya.
"BAKIT hindi mo ipinaliwanag sa kaniya ng mabuti?" tanong sa kaniy ni Colton matapos niyang ikwento rito ang nangyari kanina sa kanila ni Perry at ng nakatatanda niyang kapatid.
Naka-video call sila ngayon dahil nais ni Adalius na makipag-inuman at ng makakausap kaya naman habang nakikipag-usap siya rito ay tumutungga siya ng alak.
"Sinubukan ko namang magpaliwanag pero sarado ang isip niya. Nandoon na tayo sa naglihim ako pero ang babaw naman ng dahilan niya para makipaghiwalay sa akin ng ganun-gano'n na lang kahit na alam niyang hindi naman kami magkadugo."
"Bakit hindi mo kausapin ang ate mo? Sa kaniya mo ipaliwanag lahat. Malay mo kapag naunawaan ka niya, siya mismo ang magpaliwanag kay Perry. Ina siya ni Perry kaya sigurado akong makikinig siya rito," suhestiyon nito.
Hindi siya nakaimik.
"Subukan mo lang makipag-usap sa kaniya bago ka bumalik ng Germany."
Umiling siya. "Para saan pa? Siguradong itatakwil niya lang din ako kayulad ng ginawa sa akin ni Perry," aniya sabay lagok ulit ng alak.
Sinalinan naman ni Colton ang shot glass nito. "Bro, paano maayos ang problema mo kung tatakbuhan mo? Kausapin mo siya bilang kapatid para maipaliwang mong mabuti kung bakit nagawa mong itago ang sarili mo sa kaniya ng mahabang panahon."
"Paano kong mabalewala lang din ako ulit?" kontra niya pa.
"Hindi mo malalaman kong hindi mo susubukan," pangaral nito sa kaniya.
"Titignan ko kung ano ang magagawa ko," tanging sambit niya.