Present...
"Hoy timon!!! Mylabss!! Aalis ako nang maaga bukas! Bukas na ung checking of site!"
Sigaw kong sabi galing sa balcony para marinig ni misaki.
I agreed sa contract and plans. Maganda ung magiging building na itatayo. And all of our dreams will come true.
10 years ago..
"Hey pwede ba rina rin tawag ko sayo? Pwede rin bang kumausap sayo? Pwede rin ba kumain kasama mo? Hello? Azriena?"
Makulit na makulit na sunod sunod na tanong ni parker. Ito dapat si zazu eh!
Well I haven't talked to him about the things I've done to him in the past at hindi ko siya masyadong kinakausap, dahil I don't know if ok? May feeling ako na hindi ako napipirmi.
Este kagaya nalang nararamdaman ko sa lahat except kela saki, haze, nads, zel and rehn. Oo pati si jareh. Siya si rehn short for darrehn.
Marami akong nami-miss understand sa mga bagay bagay kaya gusto niya ako tulungan, Pero since gago rin pala siya minsan pinagtitripan niya ako.
Pero hindi naman sa nao-offend ako and para ma-offend ako. Tipong biruan lang.
Katabi ko ang malamig na katawan ni dynzel rafiki montenegro rivera. Pucha! kanina pa ako ditong pawis na pawis!
Diko alam sasagutin kay parker na nasa harap nang lamesa ko at naka-skwat habang nakapatong ang braso sa lamesa.
Pisti! Pano ba toh?!
Napasapo nalang ako nang tuloy tuloy siyang nagtatanong. What a noisy guy!
"Tsk. Ayaw niya. Nahihirapan siya sayo. Masyado mo siyang inaagad."
Sabat ni dynzel kaya binalingan ko siya pero binalik ang tingin kay parker habang natango pero nakatingin ito kay zel.
Nagpalitan sila nang masamang tingin kaya napakunot ako. Tumaas kilay ko nang ngumuso si parker.
"Nagsalita sa wakas ang nang-i-isnob sakin."
Bigla akong natawa. Pati ba naman tong mukhang araw na lalaking toh? Hindi kayang tunawin ang mood ni red-butt monkey?
"Tsk. Kasalanan ko bang masyado kang maingay at mahilig mang agaw nang atensyon nang iba?"
Sarkastiko na tanong ni rafiki kaya natawa kami nina haze at nads.
Kasama rin namin sila. Sabay si jareh ay na halakhak kasama si saki na halos madura ang iniinom.
Isang buwan na nga pala ang nakalipas at halos araw araw na kaming magkasama mula noong umuwi kami nang sabay sabay galing sa office.
Si parker nalang ang kinaiilangan naming tatlo. Pano, lahat mismo nakatingin na samin.
"Rejected ka na naman bro nung dalawa.. Kawawa naman yang mukhang tukmol mong mukha.."
Kunwaring awang awa nang sabi ni jareh kaya napa-bungisngis kami.
Simula nung magkasama noong araw na yun, sumasama na samin ang dalawa.
Kahit si parker na hindi pa namin talagang kaibigan ay laging nasulpot.
Palagi itong hindi pinapansin ni zel at ilang beses na tong sinabihan si parker na ganung mga salita sa loob nang isang buwan.
Nakikipag kaibigan rin ito dito pero laging rejected. Sa tingin ko rejection nga ulit toh. Hahaha!
"Sorry, masyado ka kasing nilalapitan at pinapanood nang tao, kaya ata feeling ko nahihiya o kinakabahan ako-
"Hindi ka komportable. Un ung tamang term."
Sabi niya na hindi ako pinatapos. Kala ko galit pero ngumiti siya nang matamis.
Hindi ako komportable pero ayaw ko rin siyang umalis. He's really warm and nice. I need that personality para matakpan ang kasamaan at kalamigan nang ugali nang mga monggoloyd kong kaibigan.
Ningitian ko siya nang matamis.
"Sorry."
Pag-sorry ko at napangiti siya nang mas malawak.
"Ano kaya kasalanan mo sakin na ikaka-sorry mo rin? May sasabihin ka ba?"
Sabi niya na ikinagulat ko. I wasn't really expecting pero may posibilidad niyang sabihin un. May kakapalan din toh nang mukha eh!
Nung isang beses bigla nalang akong hinila at sinabi gagawin niya kong alibi para layuan siya nang naghahabol sakanya.
Sunod sinigaw niya na ang gwapo ni dynzel nang gawin nga itong modelo ni nadeya. Tapos ang tono pa ay parang bakla kaya andami nag-ship sakanila.
(Isa sa rason bakit ito ayaw ni zel.)
Nang minsan naman ay sinuntok si jareh nang walang context sabay dala ito sa clinic. Este baliw, mahilig mantrip at modelo nang isang crazy beautiful man. Imbis na crazy beautiful you.
Piling ko tuloy long talk na tayo dito tungkol kay parker! Sabihin ko na ba?
"I-
Ring... Ring...
Tunog ng selpon ni misaki kaya napatingin ako. Usually walang natawag sakanya except samin lang or dad niya.
"Yes mom?"
Mom?! Bakit tumawag bigla nanay niya?! Is there something wrong. Tinignan ko siya na may nangangahulugan na mukha.
Umiling siya at sinenyasan akong mag-Shush kaya kumunot ako.
Naglakad na siya nang paalis. Pipigilan sana siya ni nadeya at hazel pero sumenyas si jareh na hayaan.
Seryoso mukha ni misaki kaya hindi narin ako kumibo. Mukhang importante at family thing toh. Ayaw niya kami pasalihin kung un na ung thing.
"Bakit? kaibigan namin siya eh concern kami."
Nag aalalang sabi ni nadeya. Bigla rin kasi nag change yung atmosphere at hindi rin ako komportable. I feel somethings wrong.
"Yeah we're friends and all but it's her decision na wag lapitan. Kaya nga siya lumayo. Also as friends, we need to respect her and just support her from behind."
Sabi ni dynzel na bahagya pang binaba ang libro. Mukhang hindi siya maka-focus dahil kung anong page siya kanina, un parin page na binabasa niya.
"That's right, that's why I stopped you guys. She needs privacy and as friends you need to respect that."
Sabi ni jareh kaya tumango ako. He's mature in some ways. Parang marami na rin siyang napagdaanan. According to hazel.
"May alam ka ba rina?"
Tanong sakin ni hazel kaya napatingin sakin lahat. Ngumuso ako at umiling.
Pinisil pisil niya cheecks ko habang hinihimas buhok ko.
"Kung walang alam si rina edi ayaw niya talaga, halos lahat alam ni rina pag dating kay misaki, kaya kung wala siya, ibig sabihin sobrang mahalagang bagay un."
She said. Well that's true, I know almost everything about her pero kutob ko iba toh.
Wala rin ako sa posisyon para sabihin ung mga dati niyang problema. I swear it will be a secret so hindi ko na sasabihin.
"I think she's having a problem at home."
Sabat ni parker kaya kagad akong na patingin.
"Dude, pano mo naman nasabi?"
Tanong ni jareh kaya napataka rin silang lahat except kay rafiki na tahimik lang.
"Me and dynzel live close to her-
"That's enough von."
Sabi ni parker na sinabayan ni dynzel. Naalala ko na sabay nga pala silang tatlo minsan. Pero mas nagulat ako nang tawagin ni zel si parker nang von.
May gusto pa atang sabihin si parker kaso pinigilan ito ni dynzel. Napatangin ako sakanya.
I think he knows something. Kung may pinaka malapit na bahay sa bahay ni misaki ay kay dynzel un.
Ung kay parker ay 2 streets pa ang lagpas. Kay dynzel ay ka-street lang niya.
Pinangliitan ko siya nang mata. Para naman malaman niya na may gusto akong malaman mukha sakanya.
Pero bigo ako dun kasi pintik niya lang noo ko. Inis ko siyang inirapan.
It's almost the end of recess. Hindi pa nabalik si misaki. Nang matapos na ang oras, hindi na talaga siya bumalik.
Tinext ko nalang siya na kung nakabalik na siya sa room niya. No reply.
Masama talaga kutob ko dito. Bigla nalang um-appear mom niya nang walang context.
Well baka sakin wala pero saknya sure akong meron. And her mom means trouble.
Kinalabit ako ni dynzel kaya napatalon pa ako.
"Hey.. at least listen. I know your worried but your still in school. Exams are coming up."
Sabi niya kaya napatango ako. We only have exams given per month. Pero ung para sa december ay sa January because meron kaming bakasyon kaya nahati ung lessons.
It's called semi and quarterly. It's a 3 day examination. Nakakabaliw na isipin na kada month pero mas nakakabaliw kung isahan lang at 200 items kagad ibibigay.
Mas okay na ung may naaaral kaming exam na pinagkamalian namin for the next keysa naman sa isang bagsakan no second chances.
Nang mag uwian nang hindi man lang nagsabi si misaki na uuwi na siya.
Ako na kasi pumunta sa classroom niya. Baka kasi ano nangyari.
But when I was about to ask dumating si ms. cheetah at sinabi wala na daw siya dun. Nagskip daw nang classes.
Nanlaki mata ko nang marinig ko un. Nag- oh my gosh din si nadeya at nahulog ni hazel books niya pero nasalo ni parker.
Napatingin ako kay parker nang parang nagtatanong kung ano ung gusto niyang sabihin pero ngumiti lang siya.
Sumimangot ako at lumapit nalang kay nadeya. Sinabit niya braso niya sa braso ko at niyayang kumain sa lomihan.
Habang naglalakad nagpaalam si dynzel na mauuna na siya dahil kailangan niya samahan lola niya sa ospital.
At ung reason kung bakit wala siya sa school nung nakaraan ay dahil na-ospital lola niya.
Ngunit hindi un ung rason na bakit siya nandito. Ayaw niyang sabihin kaya di na namin pinilit. We respected his personal problems.
Kaso mo nang lumabas na kami sa school ay hinila ni parker kwelyo nang uniform ko.
"May dadaan na bike."
Sabi niya nang ilapit niya ako sakanya. May bigla nang dumaan na bike.
Nawawala na ata ako sa sarili ko sa kuryosidad.
"Just breathe and think straight. Kumain na rin muna tayo wag mo muna isipin si misaki kung hindi mo kayang isipin sarili mo."
He said to me like advice kaya tumango ako. Sabay kaming naglakad.
Nang maalala ko na magso-sorry din pala ako ay kagad ako nagsalita.
"Hey-
"Iha!!!! Musta na?!"
Dinig kong sigaw ni aling tessa na may dala pang pinamalengke. Kagad itong tinulungan ni rehn at parker.
Hindi ko tuloy nasabi ung gusto ko. Lumapit ako kay aling tessa at niyakap ito.
"Oh, anak.. Naku ganun ka na ba sawang sawa jan sa paaralan mo? Nan jan pa naman si akira ah?
Nag aalalang tanong nito habang kinuha ang parehas kong pisngi at nilayo ito sa katawan niya.
Ngumuso ako at umiling.
"Miss ko lang po kayo. Bakit po kasi nasa probinsiya kayo, lonely si itang at kawawa si hera."
Sabi ko ngunit alam niyang may iba akong problema. Manghuhula kasi toh si aling tessa kaya magaling makaramdam.
Tumango nalang siya at niyaya na kaming kumain. For a minute a forgot they were there. I feel so mean.
Di parin ako makapaniwala at sanay na lahat sila ay nandyan na para sakin. I feel it's like a dream.
Nginitian ko sila at hinila na si nadeya at hazel papasok. Bigla ko naramdaman ang hindi ko masabi na kalungkutan or kasiyahan. I feel I'm about to explode.
"Hmm... Gusto ko ung lomi na maraming maraming chicharon!"
Sabi ni nadeya habang mukhang takam na takam na sa mga pagpipilian.
Nakapila sila ni jareh at hazel habang magkasama kami ni parker sa isang table.
Parehas kasi kami nang order at nakaorder na kami. Nag dalawang table kasi kami.
"Bakit ba lomi, tokwa't baboy at lumpia inorder mo?"
Para bang takang taka at natatawa niyang tanong kaya binalingan ko siya.
Hindi siguro halata na malakas ako kumain lalo na pag mainit.
Onte lang baon kong kanin at onte lang ang ulam. Marami kasi ako mag snacks.
"Ahh.. mahilig kasi ako sa mainit na pagkain at food lover ako."
Paliwanag ko. Naalala ko tuloy unang beses ni dynzel na makita akong kumain nang marami.
Laking laki ung mata niya sa halos buong menu na inorder ko eh. Pero mas nagulat siya nang naubos ko un at umulit pa.
Kasama namin si misaki nun. Nung nanlibre si misaki sa samgyup halos lahat ako rin kumain. Gulat si nads at hazel eh.
"Ikaw? Fav mo ba un? Parang papunta palang alam mo na kakainin mo eh."
Tanong ko dahil nung sasabihin na namin kay tatay morong ay sinabi na kagad niya kakainin niya.
"Hmm! Masarap kasi lalo na pag may toyo at suka. Mahilig din ako sa lomihan pero hindi ako dito napunta."
Kwento niya kaya nanlaki mata ko sa saya. Gusto ko itanong kong san yun pero nahihiya ako, baka marinig ni itang.
"Haha! Sa may mini market un. Ung malapit sa park."
Mukhang nagets niya ako sa expression ko napangiti tuloy ako nang malambot sa hiya at tuwa.
Naalala ko nga pala na magso-sorry ako sakanya.
"Uh-
"Ito na po order niyo!"
Masayang sabi nung serbadora na pinigil ang sasabihin ko nang hindi sadya. Ok lang.
Nilapag niya rin ang pagkain kaya nag "thank you" ako at ngumiti nang matamis.
"Hmm.. may sasabihin ka ba?"
Tanong niya habang nakangiti kaya tatango sana ako nang biglang sumigaw si nadeya kaya kagad ako lumingon.
"Wahhh!! Ang bango!"
Sabi niya nang maamoy ang mga hinahanda nung serbadora dun sa ibang lamesa. Napasapo ako.
"Buang!"
Tawa tawa kong sabi sakanya kaya tumingin siya sakin habang nakangiti.
Tinignan ko si hazel na kala mo sawa na sa malakas na boses nito habang ang jowa ay hindi na makayanan ang kakatawa.
Habang tinitingnan ko sila na masaya napapangiti talaga ako.
"Hm! Rina ang sarap! kain na!"
Sabi ni parker kaya tumango ako at kumain na. Mabilis ko itong kinain kaya naramdaman kong pinapanood niya ako.
"Pftt! Dahan dahan naman. Pero mas ok na ganyan ka."
Sabi niya kaya tumingin ako sakanya habang nakatingala na may lumpia pang kinakagat.
Natawa siya sakin. Inabutan niya ako nang tissue at pinagsalinan nang tubig.
Hmm!!! Ang bait!!!
"Inom ka muna."
Sinabi niya at inabot ang tubig muntikan na akong mabilaukan nang dahil sa kabaitan niya.
"Hindi mo na kailangan gawin un, ito naman. Di naman ako baby."
Hiyang hiya kong sabi. Diba ang mag jowa lang ang nagawa nun? Or ewan, close friends siguro? ganun?
Halos matunaw puso ko sa inaasta niya lalo na sa matamis niyang ngiti. Anuba!
Hindi ko alam bakit maraming may galit sakanya. Baka dahil gwapo siya? Ewan.
"Yang ganyang mukha hindi ba mukhang baby?"
Tawa niyang sabi kaya para na akong namumula sa hiya.
Ano ba tong taong toh?! Kabaligtaran siya ni dynzel!!!
Kung si dynzel sasabihan ako nang mukhang baboy. Sabay pipisilin ang mukha ko at sasabihan ako mukhang puffer fish!
Pero may time na pinunasan niya pisngi ko pero kagad niyang pinang punas un sa buong kalahati nang mukhang ko! Diba gago!
Nang matapos kaming kumain ay umalis na kami at naglakad papuntang bus stop.
Since magkaibang lugar kami nina nadeya, hazel at jareh, sila ang sabay sabay na umuwi.
Habang kami ni parker ay sabay. Sabay naman kami nung nakaraan pero kasama namin si misaki at zel.
Bigla ko tuloy naalala si misaki. Puntahan ko ba? Tawagan ko? Imeet up ko ba?
Nagsipag paalam na kami sa isa't-isa nung dumating na ung bus.
Magkatabi kami nang upuan ni parker. Siya ung umupo sa may aisle habang ako ung nasa tabi nang binatana.
"Hey.. Something bothering you?"
Napatingin tuloy ako sakanya at umiling.
"Hm.. wala naman-
Bigla kong naalala na gusto niya nga pala maging magkaibigan din. Kawawa naman siya na para bang na left out.
I suddenly felt sad. Nginitian ko siya at tumango nang tumigil ako magsalita.
"Hmm.. Nagaalala parin ako kay saki."
Sabi ko at napasinghap. Hindi ko kasi alam ano gagawin ko. Hindi rin ako sanay.
Sanay ako na nanjan si misaki pero hindi ko alam kung naging nandun ba ako para sakanya.
Our friendship became a question. I was frightened of losing her. She's my own saving grace.
Wala siyang maraming problems or hindi lang siya pala sabi nang problema.
Bigla tuloy ako napahalukipkip at tinanong sarili ko kung mabuti ba akong kaibigan.
"Maybe it's just nothing. You can't always judge things."
Sabi niya habang tinatapik ung likod ko. Napangiti nalang ako nang hindi gaano.
Umayos ako nang upo at bumuntong hinga. Nilagay ko rin kamay ko sa ulo ko.
"Don't overthink. You're a good friend. You're also a nice and caring person. Baka kaya hindi niya sinabi sayo kung meron man, ay dahil ayaw ka niyang mag alala."
Sabi niya kaya napalunok ako. Mas lalo akong nadown.
"But even so, I want her to rely on me. I can take her problems too. That's what friends are for right?"
Sabi ko kaya naman napatingin siya sa harap at napangiti.Tumango siya nang dahan dahan.
"So if you have your doubts and troubles, you can tell me too."
Bumaling siya sakin habang sinasabi un. Napatango ako. Well I guess we're friends now. After all his help this day. After the days he's been waiting.
"Hmm... you too."
Sabi ko kaya napaamang siya. Eksakto tumigil na ung bus sa stop namin kaya sinenyasan ko siya na bumaba na kami.
Ningitian niya ako at umiling. Napataka naman ako.
"Ikaw na muna, may pupuntahan pa ako."
Sabi niya kaya napaamang ako. So ibig sabihin sinamahan niya lang ako.
Naglakad ako nang mabilis nang paandar na sana ung bus.
"Wait lang po!"
Sabi ko at nagmadali nang bumaba. Tinignan ko si parker sa bintana nang umandar na.
He smiled and waved. Ganun din ginawa ko. Napangiti ako mag isa at naglakad nang pauwi.
Nagulat ako nang makasalubong ko ung kotse ng dad ni misaki.
Nandun silang tatlo sa kotse. Napakunot ako nang tahimik lang siya at nakatingin sa kung saan saan.
Nahagilap nang mata niya ung mata ko kaya nanlaki mata ko.
Lalapitan ko sana ung sasakyan nila nang bigla siya bumalik sa dati niyang upo at para bang walang nangyari.
Nasaktan ako sa ganun dahil ibig sabihin may nangyari talaga. Isang beses niya lang ako ginanun pero ayaw ko nang mangyari ulit un.
Ayaw ko siyang masaktan.
"Hey! I've been calling your name a lot of times now. Are you okay?!"
Hingal na hingal at alalang alala nang tanong sakin ni dynzel habang hawak ang braso't balikat ko.
Napailing ako. I'm not fine. Bestfriend ko nan dun sa scenario na ayaw niya habang ako ito naglalakad lang. No. I'm not fine as long as one of my friends are not.
Ayaw ko nang may mangyayari na masama isa man sakanila. From now on I'll do my best.
"Why? Something happened? Are you hurt?"
Alala niya paring tanong. Napailing ako.
"I'm not fine but I'm not hurt. Please don't worry that much."
Sinabi ko na may malambot na tono kaya napatango siya at dahan dahang huminga.
Nagulat ako nang may narinig akong tahol.
Tinignan ko ung nasa may paanan niya at natuwa ako nang makitang aso ito.
"Doggy!"
Sigaw ko at umupo. I love animals. They make me calm. Hinimas himas ko toh at napaka amo nito.
"Who's a good dog, who's a good dog."
Narinig kong natawa si dynzel kaya tiningalaan ko siya.
He had a soft wide smile kaya bigla akong nakaramdam nang hiya.
Dinidilaan na nung doggy ung pisngi ko kaya nakiliti ako.
Sinenyasan ako ni zel na umupo na dun sa bench.
Kaya lumapit ako dun at umupo habang nilalaro parin ang doggy.
Ang kyut kasi. Golden retriever siya. I love his/her breed. Malambing sila at fluffy. Pwede mo ring gawing bff.
Tinignan ko ung ibaba niya at nalamang babae ito kaya natuwa ako.
"Hala! Ano name niya? May boyfriend ba siya? Pwede akin ung baby pag nagkaroon? Pwede akin nalang siya?"
Tuwang tuwa kong sunod sunod na tanong kaya natawa si zel.
"Una, her mame is blessy and second, No ayaw ko, Third di pwede kasi mamamatay ung baby sayo, fourth super no! she's my baby."
Sabi niya na parang tatay ni blessy. It's cute that her name is blessy and that he's treating her like a queen.
Hinawakan ko ang pisngi ni blessy at nilaro laro ito.
"Ang swerte mo na hindi cold sayo itong mukhang red-butt monkey na ito. Swerte ka rin dahil blessy pangalan mo parang blessing. And why are you so damn.. pretty!"
Pabebe kong sabi dun kay blessy. She's so cute and gorgeous I want her!
Binalingan ko si dynzel at ginamit ang paw ni blessy para ituro siya.
"You're so mean. Rina is so nice. I love her. She's my new mommy and I have a boyfie! She is also good at taking care of babies so don't be mean!"
Kunwaring sabi ni blessy pero gusto ko lang talagang asarin si zel gamit si blessy.
Sorry beh.
Napangiti lang si dynzel kaya binelatan ko siya.
"Oo nga pala anong lakad niyo ni blessy?"
Napatingin siya sakin.
"Nilakad ko lang tagal nang hindi nakakalabas. Tumatanda narin siya eh."
Sabi ko kaya napanguso ako. Kung titignan mo ang laki na nga niya.
Baka kaya hindi na magkaka-anak ganun un eh, baka hindi na kaya.
Nalungkot ako kaya dinilaan niya ako kaya napangiti ako ulit.
Hmm.. I miss rosie. Aso ko un na golden retriever din. Siguro kasing edad niya itong si blessy.
Un kaya rosie kasi mahilig siya sa roses.
"Hey."
Tawag niya sakin kaya napabaling ako. Tumayo siya tapos.
"I'm just gonna buy something. Wait here and blessy watch her for me please?"
Pakiusap nito at bilin kaya napatango kami nang sabay ni blessy.
Ano kaya balak netong unggoy na toh. Ako pa ang pinabantayan.
"Ako pa talaga babantayan mo ah.. Yoroshiku! Onegaishimasu!"
Ilang minuto kami nag intay kaya nakipag picture muna ako sakanya at nakipag laro.
"Antagal-
"Oh."
Aangal na sana ako kaso dumating na siya. Inabutan niya ako nang popsicle at candy.
"A candy a day makes the pain go away."
Sabi niya kaya natawa ako. Binuksan ko ung balot at nilagay na sa bunganga ko ang kendi.
"Tenchu."
Sabi ko at ngumiti.
"Pero ang korni nun ah."
Sabi ko habang tawang tawa. Pero nagtaka ako nang sabayan niya lang ako nang tawa.
"Mas maganda yan, laughter is the best medicine."
Sabi niya kaya napangiti ako. Ilang minuto lang kami nakaupo at pinakiramdaman lang ang simoy nang hangin.
Present.
"Alam mo kumain ka nga neto."
Sabi ko kay misaki na nahihilo na. Inabutan ko siya nang kendi at nag handa nang comedy movies.
"Bakit naman yan ung mga hinanda at binigay mo?"
Tawa tawa niyang sabi kaya napangiti ako.
"Naalala ko lang ung kasibahan na, A candy a day keeps the pain go away, while laughter is the best medicine."
Sabi ko at tipid na ngumiti nang maalala ko un.
10 years ago
Habang nasa kwarto ay nilabas ko ung wraper nang kendi na nakalagay na
"Smile and face the world brightly."
Napangiti ako at tinabi ung balat sa may tabi nung picture frame.
Hmm.. candy makes the pain go away.