Hinanda ko na ang aking gitara at inayos kong mabuti ang sarili ko. Ngayon na ang araw na haharanahin ko si Mageline kaya labis akong kinakabahan. Sana sa pagkakataong ito ay mabawi ko na siyang muli. Tumayo ako at tumingin ako sa salamin. Tinititigan kong mabuti ang sarili ko. Sinigurado kong prensintable ang itsura ko at nang makita ko ang hibla ng buhok ko na hindi nakaayos ay agad ko itong sinuklay. Nang matapos na ako ay sakto namang tumawag si Zayra sa akin. Dinampot ko ang cellphone ko bago sagutin ang tawag niya. "Nasaan ka na? Nandito ako sa harap ng gate ng bahay mo, bumaba ka na. Bilisan mo!" Bungad niya kaya nagmadali akong naglakad pababa sa hagdanan. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay nakita ko siyang nakatayo. Nakasuot siya ng kulay itim na short at itim na t-shir

