“YO te quiero con todo mi corazon.” Nagsasanay kami ngayon ni Zayra dahil ang sabi niya sa akin, ang gusto raw ni Mageline ay ang mga lalaking marunong magsalita ng Spanish. “Iyan! Tama! Ang galing mo!” Pumalakpak siya at pinaghahampas niya ako. “Tumigil ka nga! Mamaya pinag-tri-trip-an mo na naman ako,” saad ko sa kaniya kaya nag-iba bigla ang ekpresyon ng kaniyang mukha. “Sure ako.” Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin. Maya-maya pa'y bumalik na siya. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang libro. “Oh, 'yan, mag-aral ka.” Hinagis niya sa akin ang libro at agad ko 'yong sinalo. Nandito kami sa bahay nila dahil pinapunta niya ako rito, tuturuan niya raw ako. Maganda ang bahay nila, kulay itim na may halong puti ang pintura. “Ano pala 'yong tunay mong pangalan? 'Yong buo,

