“SAAN ba kasi tayo pupunta?” tanong ni Katharina kay King Zacharias. Nang matapos silang makapag-almusal na dalawa kanina ay bigla na lang siya nitong inutusan na maligo at magbihis dahil may pupuntahan daw sila. At ngayon nga at nasa gitna na sila ng kalsada. “Basta…” nakangiting sagot lang nito ulit sa kaniya. Nakatatlong tanong na kasi siya at ganoon pa rin ang sagot nito. Isang basta! At napipikon na siya. Napasimangot siya at humalukipkip. "Baby, it wouldn’t be a surprise if I’ll tell you.” Mahinahon ang boses na dugtong nito nang makitang medyo hindi na maganda ang mood niya. Marahas siyang nagbuga ng malalim na hininga. She hates surprises! “Fine, pero bakit hindi kasama si Aurora?” tanong niya, nagmamaktol pa rin. Nang magising kasi siya kanina ay wala na si Aurora sa unit niy

