NAGMAMADALING binuksan ni Katharina ang pinto ng kaniyang unit at agad siyang pumasok sa loob at basta na lang niyang iniwan ang dalawang basket sa labas. Dumeretso siya sa kusina at nilapag lang niya ang mga pinamili niya sa ibabaw ng lamesa. Bumalik din siya sa may sala. Nang mapatingin siya sa nakasaradong pinto ay agad siyang nakaramdam ng panghihinayang sa mga kakanin na iniwan niya lang sa labas ng pinto. Gustong-gusto niya ang mga iyon kaya lang ay nagdadalawang-isip naman siya. Paano kung hindi naman pala iyon galing kay Zach? Ang daming KZ na initial sa buong mundo. Paano kung may lason ang mga iyon? O 'di kaya ay isang killer ang nagpadala n'yon, at kapag kinain niya ang mga iyon, mahihilo na lang siya at mawalan ng malay, tapos magigising na lang siya sa isang abandonandong

