KATHARINA flew out the country alone. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng taxi na sinasakyan niya pagdating niya sa US. Pagkalapag ng eroplanong sinakyan niya kanina sa airport ay nagsisimula na kaagad siyang makaramdam ng pag-iisa. It’s like dejavu. Noong naglayas siya noon sa mansion ng mga magulang at lumuwas siya ng Maynila na mag-isa at maliban sa limang libong pera sa wallet niya ay walang-wala na talaga siya. Ngayon, ipinatapon siya ng Daddy niya rito na walang-wala rin maliban sa kakaunting gamit niya at sa black card na ibinigay sa kaniya noon ni David, pero ni minsan ay hindi pa niya iyon nagagamit dahil nahihiya siya. Plano sana niya iyong isauli noong engagement party nila kaya lang hindi naman sila nagkita pa dahil sa mga nangyari. Mabuti nga lang talaga at hindi n

