KATHARINA’S body tensed up, kaya agad na humigpit ang pagkakapit ng mga kamay niya sa braso ni David nang makita niya ang paggalaw ng adams apple ni Zach at ang pag-iigting ng panga nito habang titig na titig sa kamay niyang nakahawak sa braso ni kuya David. Pakiramdam nga niya ay bigla na lang masusunog ang mga kamay niya sa klase ng tinging ipinupukol nito roon. Nahigit niya ang hininga nang matatalim ang mga matang lumipat iyon kay kuya David. His jaw started clenching, his eyes turned cold as ice and lack of emotions. Nakita niya kung paanong salubungin ni kuya David ang galit na mga mata ni Zach. Nagsukatan ng tingin ang dalawa, at bigla ay nagkaroon ng tensyon ang buong paligid pero nang dumako ang tingin ni Zach sa kaniya ay agad lumambot ang hitsura ng lalaki at mabilis na nag

