DINALA si Katharina ni David sa penthouse ng lalaki. Gusto sana niyang magpahatid sa apartment niya sa Quezon pero hindi ito pumayag at dumeretso talaga sila rito sa Laguna, kung saan ang penthouse nito. Pagkababa ng sasakyan ay agad na pinasadahan niya ng tingin ang malaking bahay sa harapan. Isa itong loft-style penthouse with brick walls na may malawak na bakuran sa harapan at hardin. “I’m not staying here, pumupunta lang ako rito kapag a-attend ako ng meeting dahil nandito ang mga gamit ko.” sabi ni kuya David habang naglalakad papuntang main door. Bitbit din nito ang isang itim na duffel bag na ang laman ay mga gamit niya sa pag-stay niya ng tatlong araw sa hospital, na ito rin ang bumili. Uminit ang pisngi niya at nahihiyang tumango rito. Pagkapasok niya sa loob ay mas lalo siyan

