“HOW did you know that name?” salubong ang mga kilay na tanong ni David kay Katharina. Bakas din sa mukha ng lalaki ang pagkabigla at pangamba? Pero bakit naman ito mangangamba? Sa anong rason? “Sinabi sa akin ni kuya Chance noon. Claire Montecalvo isn’t her real name.” aniya at malakas naman itong nagmura. “Bakit kuya?” may pagtataka na ring tanong niya. Nakita naman niya ang paggalaw ng adams apple nito nang lumunok ito. Nag-iigting din ang mga panga nito na agad iniwas ang tingin sa kaniya. “I need to go to see Zephieru.” sabi nito at agad na isinarado ang laptop at tumayo na mula sa high stool kung saan ito nakaupo. Akmang aalis na sana ito nang tila may naaalala to kaya tumigil ito. Nakita niyang may dinukot ito mula sa bulsa nito, pagkuwan ay humarap ulit ito sa kaniya. “Take thi

