HINDI alam ni Katharina kung ano ang dapat niyang maramdaman. Magagalit ba o matutuwa sa naging desisyon ng kaniyang ina. A part of her, ay nagagalit siya dahil sa ganoon lang kadali ay napatawad nito ang kaniyang ama. Gusto rin niyang matuwa kasi nakita naman niyang masaya ang Mommy niya sa naging desisyon nito. At isa iyon sa sinabi sa kanila kanina ng doctor na ‘wag bigyan ng sama ng loob si Mommy. Wala rin naman din siyang karapatan na question-in ang naging desisyon nito dahil alam niya kung gaano nito kamahal ang daddy niya. Siya nga kung mahal lang siya ni Zach kaya siya nito inalok ng kasal ay baka pumayag na rin siya. “Katharina,” tawag sa kaniya ng ina. Nasa kuwarto siya nito, sinamahan na muna niya ito hangga’t wala pa si daddy Cesar. Nakabalik na rin sila sa mansion. Ayaw

