Chapter 51

1910 Words

TAHIMIK lang si Katharina habang kumakain silang apat. Pero dahil magkatabi sila ni Zach ay ang hirap pa rin na mag-pokus kahit wala naman itong ginagawa. Ah, mayroon pala, palagi itong alerto kapag naubusan siya ng ulam sa plato niya. Pakiramdam tuloy niya ay siya lang ang binabantayan nito. “You want rice again?” Zach asked, nang maubos na niya ang isang order na kanin at marami pang natitirang ulam sa plato niya. Pero bago pa man siya nakasagot ay kinuha na nito ang extra rice na in-order nito at inilagay kaagad sa plato niya. Gusto man niyang sawayin ito pero ayaw naman niyang gumawa ng eksena kaya hinayaan na lang niya ito at gusto rin naman niyang kumain pa dahil gutom pa talaga sila ng baby niya. “Aw, ang sweet!” Narinig niyang sambit ni Heejhea. Halata sa boses nito ang kilig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD