NAPAHAWAK ako ng mahigpit sa kay Nicolo “Mama what’s wrong?” nagtatakang tanong nito habang nakatitig sa akin.
“Naku anak wala, don’t mind me,” mahinahon kong sagot kay Nicolo. Kahit papaano I am trying my best to calm down.
“Sino po siya?” biglang tanong sa akin nito..
Yumuko ako para tingnan si Nicolo at nakita kong pabalik-balik pa la ang tingin niya sa akin at sa lalaking nakatayo na nakatitig sa kay Nicolai. Di ko rin namalayan na matagal na rin pa la akong nakatitig sa lalaking iyon at napansin din siguro ito ni Nicolo.
“Maybe he’s one of our VIP guests, anak,”
“Bakit po niya tinitignan si Nicolai, Mama?”
“Ha-Ha a, e, siguro na cu-cutan siya sa kapatid mo, gaya mo.” nauutal kong sagot kay Nicolo habang sinisikap na mag smile sa kanya.
“Okay, tayo na po Mama, I am excited na po na maglaro dun sa Mall!” masiglang saad ni Nicolo at hinila na ako papalapit sa table kung saan naroon si Nicolai.
Kinakabahan ako kaya pinigilan ko muna si Nicolo pero bago mangyari iyon ng mapatingin ulit ako sa lalaki na nakatitig sa anak ko ay may kausap na siyang lalaki, kaya habang di siya nakatingin sa direksyon ni Nicolai ay agad kong pinuntahan ito at kinuha. Halos lakad takbo ako habang hawak si Nicolai at Nicolo.
Mabilis ang aking mga hakbang habang hila-hila ko ang mga kamay ng kambal. May mga sinasabi pa si Nicolai at Nicolo but I am not paying attention sa kanila. Sa ngayon ang tanging nasa utak ko ay kung paano makakaalis sa lugar na ito at mailayao ang aking mga anak sa taong iyon. Dumiretso kami sa back door kung saan rin kami dumaan kanina. At nang makapasok sa kotse ay siya ring naging maayos ang aking paghinga sa sobrang kaba.
Siya nga ba talaga iyon o si Jonas?
*****
DYLAN
NAGHUHUGAS ako ng kamay sa sink ng restroom habang nag-iisip ng malalim. Di ko talaga maintindihan kung bakit ganun na lang ang epekto ng batang iyon sa akin. Ano ba ang meron sa batang iyon maliban sa kamukhang-kamukha siya namin ng kambal ko ng mga bata pa at talagang nababagabag ako ng husto? Napatingin ako sa aking sarili sa salamin, napatitig ako sa aking mukha after a while nailing na lang ako sa aking iniisip.
Impossible Dylan, malabong mangyari…
Naputol lang ang aking malalim na pag-iisip ng maka received ako ng tawag sa phone ko, kaya nag-abot ako ng paper towel, nagpunas ng kamay then I fished out my phone sa pocket ng suit ko. When I look at the screen it was Alex.
“Palabas na ako Alex.” sambit ko dito then I end up the call.
Lumabas ako ng restroom thinking na pagkatapos ng meeting ay babakikan ko ang batang iyon.
Sinalubong ako ni Alex…
“Sir pasensya na po, ang kapatid mo kasi napatawag.” aniya na may halong pag-aalala.
Since Alex has been my secretary simula ng magsimula akong e take over ang company ng pamilya namin ay alam na alam niya lahat ng ginagawa ko mula sa trabaho at sa mga katarantaduhan ko at pati na rin ang tungkol sa kambal ko.
“Sige, ako na ang bahala diyan.” sagot ko at nagsimulang bumalik sa table kung saan nandun sina Chairman Marquez at mga kasamahan nito.
Umupo ako sa kinauupuan ko at ganun rin si Alex sa tabi ko then I turned a little bit sideways para bumulong kay Alex, “After this meeting kindly clear my schedules.”
“Yes Sir.” sagot nito.
After a while ay natapos rin ang meeting nagpaalam sina Chairman Marquez matapos ma -finalize ang pinag-usapan na partnership na gagawin ng company nila sa company namin. Nang makaalis sila ay agad akong pumunta sa doon sa table kung saan nakaupo ang batang nakita ko na kamukha namin ng kakambal ko. But to my disappoinment ay wala na ang batang iyon.
Di ko rin namalayan na nakasunod si Alex sa akin,” Sir okay lang po ba kayo?” Tanong nito, “mukhang may hinahanap po kayo?”
Marahil ay nagtataka rin ito sa kinikilos ko.
“No, nevermind me.” mabilis kong sagot.
“By the way Sir, na cancel ko na po pa la lahat ng schedules niyo this afternoon.”
“Okay, cge, Thank you.” I retorted habang palinga-linga pa rin sa lahat ng parti ng restaurant.
“Sige po Sir, ipapahanda ko lang po ang sasakyan.”
Tumango lang ako kay Alex habang busy ang aking mga mata sa paghahanap sa batang iyon. Hindi ako mapakali at hindi mawala sa isip ko ang kanyang mukha.
Nakakapagtataka naman ito…
“Sir, ready na po ang sasakyan.” biglang sabi ni Alex na nasa likod ko na pa la.
Hinarap ko siya at tumango, napabuntong-hininga akong magsimulang maglakad papunta sa pintuan ng restaurant. Habang papalapit ay nakita ko doon ang mga iilang staff ng restaurant at bago ako makalabas sa pintuan ay sinalubong ako ng isang babae na naka bun ang buhok at nakasalamin.
“ Hello po Mr. Mijares, ako po si Cathy, and I’m the manager of Los Gemelos Restaurant,” nakangiti nitong pagpapakilala sa sarili niya,” we are hoping that you have a good experience with our food.” dagdag pa nito at yumuko.
“Thank you for your service and the food is great, so expect that we’ll come back.” I replied with a timid smile.
“Thank you po ulit.” sabi ng Manager na si Cathy.
I nod to acknowledge her gratitude at nagsimula nang maglakad patungo sa naka park kong sasakyan sa harap mismo ng restautant na ito. Pinauna ko na sa loob si Alex, nakabukas na ang pintuan ng sasakyan sa likod habang nakatayo ang driver kong si Ismael. Akma na sana akong papasok ng sumagi na naman sa isip ko iyong batang nakita ko.
I am thinking to ask that boy sa kay Cathy kaya napabaling ulit ako nito sa kanya.
I cleared a throat kaya nakuha ko ang attention ng mga staff ulit kasama ni Cathy,“Manager Cathy may I have you for a sec?”
“Ah, yes po Mr. Mijares?” mabilis na sagot nito.
I look at her straight to her eyes at nakikita ko ang takot at kaba sa mukha nito but I ignore.
“Relax may itatanong lang ako," casual kong sabi. "I believe we rented the whole place for the meeting a while ago, right?” I ask to verify.
“Ye-Yes po Mr. Mijares.” medyo nauutal nitong sagot.
“Then why did I see a boy sitting at the table right there at the corner of the restaurant kanina?” my eyebrow creased with curiosity waiting for a response from Cathy and without breaking an eye contact sa kanya.
Cathy clears her throat at parang nag aalinlangan na sumagot. Ni hindi nga siya makatingin ng diritso sa akin.
“Manager Cathy, naghihintay ako ng sagot.” I asked again.
“So-Sorry po Mr. Mijares kasi po iyong batang nakita mo po anak po iyon ni Maam Kailie Zobel.” sagot nito na nauutal at halatang nanginginig.”pero umalis naman po sila kaagad kaya pasensya na po.”
“ Kailie Zobel?” sounds familiar at parang narinig ko na somewhere ang pangalan na sinabi ni Cathy.
“Yes po Mr. Mijares, si Maam Kailie po ang may ari ng Los Gemelos Restaurant.”
Yumuko si Cathy para humingi ng tawad, I sigh at kahit papaano ay nasagot iyong tanong ko.
So anak pa la ng may-ari ng restaurant na ito ang batang iyon...
Ngayon na trigger pa mas lalo ang utak ko para makilala ang may-ari ng restaurant na ito dahil sa anak nitong kamukha namin ng kambal ko. Ayaw ko mang aminin pero may sumasagi sa isipan ko but I am trying to ignore and it is hard, ni hindi ako mapakali sa kakaisip.
Kailie Zobel… why do I have the feeling that I need to know you?