CHAPTER 7 - SHADOW OF THE PAST

1049 Words
“SA PALAGAY KO NAKITA KO SIYA BEKS!” bungad ko kay Allaine habang kausap ko siya sa cellphone. Hindi ako mapakali, lahat-lahat na lang ata ng sistema ko ngayon ay naghuhurumentado. Nag-aaway ang aking isipan kong si Jonas ba iyon o ang ama ng mga anak ko. [ “Pwede ba mag relaks ka lang and everything’s gonna be okay.”] sagot naman ni Allaine sa kabilang linya. “Okay?, Tsss… paano ba magiging okay sa ganitong sitwasyon?” Kanina pa ako ni Allaine pinapakalma pero kahit anong destruction sa a,king isipan ang gawin ko, hindi talaga ako mapakali. Nakatingin ako sa kambal na naglalaro sa loob ng isang playground sa loob ng mall. They keep on glancing at me while smiling. Nicolo and Nicolai are enjoying and despite of the worriedness that I currently feel right now ay kahit papaano, napapawi ito kahit sandali lang sa tuwing magawi ang mga tingin ng kambal sa akin dito sa labas ng playground na kung saan sila naroon at naglalaro. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench na nakaharap mismo sa pwesto ng playground na pinaglalaruan ng kambal. I wave at Nicolai ng mag smile at mag wave siya sa akin bago siya mag padausdos sa isang slide pababa at tawang-tawa habang si Nicolo naman ay parang nag swi-swimming sa isang malaking box na puno ng maliliit na plastic balls. “Natatakot talaga ako Beks, paano na lang kung siya iyon?” Humihigpit ang hawak ko sa cellphone habang kausap ko pa si Allaine. Napakagat din ako ng labi dahil sa malakas ng kabog ng aking puso. [ “Di ba ikaw na rin nagsabi na baka si Jonas rin siya?”] Si Allaine sa kabilang linya na ramdam ko ang malalim na buntong hininga. “I don’t know anymore Beks, for now all I want is to take my kids away from this place.” Napasinghap ako habang iniisip ang option na umalis sa lugar na ito. Feeling ko isang malaking pagkakamali ang nagpatayo ng branch dito. Ni hindi man lang ako nag background check sa taong iyon o kahit sa kay Jonas. Malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit magkamukha sila ng estrangherong iyon. [“Mag-usap na lang tayo pag-uwi niyo ng mga bata, okay?”] “Alright Beks, salamat at pasensya na sa istorbo.” [“It’s all good at mag-ingat kayo ng mga bata sa pag-uwi.” I end up the call at humugot na naman ng malalim na buntong hininga. Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko pag lumabas ang katotohanan tungkol sa mga anak ko, Kaya kailangan ko silang dalhin sa lugar kung saan ay safe sila sa nakaraan ko. Lahat ay gagawin ko para sa kanila to the expense of not telling them that their father is alive. That man should never know about my kids… wala siyang karapatan! Habang nakitingin ako kina Nicolo at Nicolai ay napagawi ang aking paningin sa isang taong naka hood na kulay gray na may kausap sa cellphone nito, ang isang kamay niya ay nakapamulsa at diretso siyang nakatingin sa playground din. Then he wave at someone na sinundan ng tingin ko. Nakita ko ang batang babaeng kalaro ni Nicolo, si Nicolo naman ay nakatalikod sa direksyon namin at ang batang babae pa la na iyon ay ang tinitingnan ng lalaki. Marahil ay anak niya… nasa isip ko. Napatayo ako at unti-unting pumunta kung saan nakatayo iyong lalaki. Naka align akong tumabi sa tabi nito ngunit may ilang pulgadang ang aming pagitan. “Sinabi ko naman sa iyo na kakausapin ko ang kapatid ko!” mariin na sabi ng lalaki. Napakunot ang aking noo kasi parang pamilyar iyong boses. Umiigting ang panga nitong halatang nagtitimpi yata sa kausap nito sa cellphone. “For once Rachelle, would you please stop being so stubborn?!” Bigla nitong sigaw kaya napatingin rin ako sa direksyon niya same rin sa mga tanong nakarinig. Nang mapatingin ako sa direksyon niya ay siya ring napaharap siya sa akin, naka aviator siya kaya di ko makita ang mga mata nito pero alam ko sa likod ng aviator ay nakatingin siya sa akin. I gulped with the presence of this man who is obviously staring at me. I cleared my throat and broke eye contact . “I-I'm sorry, I don’t mean to eavesdrop on your conversation to whoever it was.” Paliwanag ko at yumuko sa taong kaharap ko. Sa aking palagay ay nakatitig lang siya sa akin. Ni wala nga ata siyang reaksyon at wala rin siyang sinabi. So I initiate to look away at naglakad papunta sa entrance ng playground. Tapos na kaming kumain at enough na rin ang oras ng paglalaro ng kambal kaya it’s time na umuwi na rin siguro kami. But before I could make my first step papunta sa entrance ng playground ay bigla na lang may humablot ng aking balikat na nagpatigil sa akin sa paglalakad. For some reason I was able to feel a familiar presence with that touch together with the tone of the voice. May sumasagi sa isip ko but pili kong winawaksi sa aking isipan. No it couldn't be... I gasp at napalingon ako sa direksyon ng taong humablot ng aking braso.Nang lingunin ko siya ay laking gulat ko, halos nanglaki ang aking mga mata na nagtataka. Kasi naman yung taong may kaaway sa cellphone kanina ay iyong nakahawak sa braso ko ng mahigpit. Who the heck is he? At bakit niya hinablot ang braso ko? Nagtaas ako ng kilay sa gulat , “E-Excuse me?” puno ng pagtataka kong tanong sa kanya. Ngumisi siya and that smile, no way! Hindi ito maaari, this is not happening! Nagsisimula na namang kumabog ang aking puso ng napakalakas para itong sasabog sa sobrang lakas ng pagkabog. Naghuhurumentado ang buo kong sistema habang pabilis ng pabilis ang aking hininga. Sana lang ay nananaginip lang ako dahil sa isang masamang bangongot yata ang ang nangyayari ngayong araw na ito sa akin. Why do I have the feeling that the universe is against me? “It’s been 5 years… I never thought that I’m going to see you again,” sabi nito then bigla itong nag -alis ng aviator, he gave me a smile, “how are you Kaye?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD