bc

I slept the wrong Fiancee

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
single mother
like
intro-logo
Blurb

Apat na taon kong inalagaan ang relasyon namin. Apat na taon akong nagtiis sa mga sigaw niya, sa mga tampuhan, at sa mga araw na ako ang gumagawa ng paraan para maayos ang lahat.Manager ako sa isang malaking shopping mall sa amin. Hindi milyonaryo ang sweldo ko, pero sapat para mabuhay nang maayos. Hindi ako sanay sa mamahaling bagay. Kapag may gusto ako, pinag-iipunan ko.Si Robert naman, madalas walang trabaho.Kapag may nahanap siyang trabaho, ilang linggo lang at aalis na siya. Minsan sinasabi niyang maliit ang sahod. Minsan naman ayaw niya raw ang boss niya.Pero kahit ganoon, mahal ko siya.Kahit ilang beses niya akong sigawan.Kahit minsan pakiramdam ko ako lang ang kumakapit sa relasyon namin.

chap-preview
Free preview
Chapter-1
Apat na taon na kami ni Robert. Apat na taon kong inalagaan ang relasyon namin. Apat na taon akong nagtiis sa mga sigaw niya, sa mga tampuhan, at sa mga araw na ako ang laging gumagawa ng paraan para maayos ang lahat. Maraming beses kong pinili na umintindi kahit ako mismo ang nasasaktan, dahil umaasa akong darating ang araw na magiging maayos din ang lahat. Ako si Catherine Silva, manager sa isang malaking shopping mall sa amin. Hindi milyonaryo ang sweldo ko, pero sapat naman para mabuhay nang maayos. Hindi ako sanay sa mamahaling bagay. Kapag may gusto ako, pinag iipunan ko muna. Hindi ako basta bumibili ng kung ano ano dahil alam ko kung gaano kahirap kumita ng pera. Si Robert naman ay madalas walang trabaho. Kapag may nahanap siyang trabaho, ilang linggo lang ay umaalis na rin siya. Minsan sinasabi niyang maliit ang sahod, minsan naman ay ayaw niya raw sa boss niya. Kahit ganoon, mahal ko pa rin siya. Kahit ilang beses niya akong sigawan at kahit madalas pakiramdam ko ay ako na lang ang kumakapit sa relasyon namin, hindi ko siya iniwan. Para sa akin, apat na taon ay hindi basta basta itinatapon. Pinanghawakan ko ang lahat ng alaala namin at patuloy akong umasa na baka balang araw ay matutunan din niyang pahalagahan ang mga ginagawa ko para sa kanya. Isang gabi, habang magkatabi kami, bigla siyang nagsalita. "Catherine, kailan mo ba ako bibigyan ng magandang buhay?" Napatingin ako sa kanya. Sandali akong natahimik dahil hindi ko alam kung paano ko muling ipapaliwanag ang sarili ko. Alam kong hindi sapat ang kinikita ko para ibigay sa kanya ang buhay na gusto niya, pero ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko. "Ginagawa ko naman ang kaya ko, Robert." Umiling siya at napabuntong hininga. "Iyon na naman tayo. Manager ka nga, pero hanggang ngayon hindi pa rin tayo umaangat." Hindi na ako nakipagtalo. Tahimik na lang akong tumingin sa kanya dahil alam kong kahit anong sabihin ko ay maaari lamang humantong sa panibagong away. Hindi niya alam na ilang buwan na akong may iniipon. May plano ako para sa aming ikalimang anibersaryo. Gusto ko siyang sorpresahin at gusto kong maging espesyal ang araw na iyon. Matagal ko nang pinag iipunan ang isang biyahe sakay ng malaking cruise ship. Gusto kong kaming dalawa lang ang magkasama at magkaroon ng panahon para makapagpahinga at makalimutan kahit sandali ang lahat ng problema namin. Kumuha ako ng magandang cabin kahit alam kong hindi mura dahil ayokong isipin ang gastos. Gusto kong maging masaya siya. Gusto kong maramdaman niya kung gaano siya kahalaga sa akin. Sa totoo lang, hindi lang ang cruise ang matagal kong pinaghandaan. May isa pa akong lihim na matagal ko nang iniingatan. Sa loob ng dalawampu't limang taon, iningatan ko ang sarili ko. Hindi ko minadali ang sarili ko kahit apat na taon na kami ni Robert. Para sa akin, mahalaga ang tiwala at gusto kong ibigay iyon sa taong pinaniniwalaan kong makakasama ko habang buhay. Sa isip ko, kapag dumating ang ikalimang anibersaryo namin, iyon na ang tamang panahon. Kaya bago kami sumakay sa barko, dumaan muna ako sa isang mall at pumasok sa isang lingerie shop. Matagal akong namili dahil hindi ako sanay sa ganoong bagay. Ilang beses akong nagpalipat lipat ng tingin bago ako nakapili. Nang hawak ko na ang magandang set, hindi ko napigilang mamula. "Para sa fifth anniversary." Napangiti ako habang iniisip kung paano magugulat si Robert kapag nakita niya ang surprise ko. Hindi ko alam na ang gabing iyon ang magiging simula ng pagbagsak ng buong mundo ko. Gusto kong ibigay kay Robert ang bagay na buong buhay kong iningatan. Para sa akin, hindi iyon basta basta. Iyon ang tiwalang matagal kong pinangalagaan at gusto kong ibigay sa lalaking mahal ko. Pagkatapos kong mamili, nauna na akong mag check in sa barko. Dinala ko ang lahat ng gamit namin papunta sa cabin na nakalagay sa ticket ko. Room 566. Nang maayos ko na ang mga gamit, kinuha ko ang cellphone ko at nag message kay Robert. "Nauna na ako sa cabin. Room 566. Dito na lang tayo magkita." Pagkatapos kong ipadala ang message, nagpatuloy ako sa paghahanda. Habang inaayos ko ang mga gamit namin, hindi mawala sa isip ko ang magiging reaksyon niya. Iniisip ko kung matutuwa ba siya, kung magugustuhan niya ang cabin, at kung magiging masaya ba siya sa surprise ko. Hindi ko alam na habang abala ako sa paghahanda para sa aming anibersaryo, ibang babae naman ang kasama sa buhay ng lalaking mahal ko. Ang pangalan niya ay Janelle Salazar. Medyo may kaya ang pamilya ni Janelle sa bayan namin. Maganda siya, maayos manamit at sanay sa maginhawang buhay. Mahilig siyang gumastos at alam ni Robert kung ano ang gusto niya. Habang ako ay ilang buwan na nag iipon para sa biyahe namin, may ibang babae palang kasama si Robert. Wala akong kaalam alam sa lahat ng iyon. Sa isip ko, kami pa rin at magiging masaya ang aming ikalimang anibersaryo. Ngunit habang naghahanda ako sa cabin, bigla akong nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. Maya maya ay sumunod ang matinding hilo. Parang umiikot ang buong paligid at nahirapan akong tumayo nang maayos. Dahil kailangan ko ng gamot, dali dali akong bumaba sa pharmacy ng barko. Pagkatapos kong bumili, agad akong umakyat pabalik. Habang paakyat ako, lalo pang lumabo ang paningin ko. Kumapit ako sa handrail at dahan dahang naglakad. Halos hindi ko na makita ang mga numero sa hallway, pero pinilit kong magpatuloy dahil gusto ko lamang makarating sa cabin namin para makainom ng gamot at makapagpahinga. Sa sobrang hilo ko, hindi ko napansin na mali ang pintuang binuksan ko. Ang room namin ay 566, pero ang napasukan ko ay ang katapat nitong room 599. Hindi ko na napansin ang numero. Pagpasok ko, deretso akong humiga sa kama. Wala na akong lakas para mag isip at gusto ko lang ipikit ang mga mata ko hanggang mawala ang hilo. Samantala, sa kabilang bahagi ng barko, may isang lalaking abala rin sa sarili niyang problema. Siya si Aeron Santillian, isang bilyonaryong CEO at nag iisang tagapagmana ng Santillian Empire. Tatlumpung taong gulang na si Aeron at halos lahat ng bagay na gusto niya ay kaya niyang bilhin. Ngunit may isang bagay na hindi niya kayang bilhin, ang pagkakataong makasama habang buhay ang babaeng minahal niya mula pagkabata. Si Mylin Reyes ang childhood sweetheart ni Aeron. Modelo si Mylin at matagal nang nakabase sa Paris. Kahit malayo sila sa isa't isa, nanatili ang relasyon nila sa loob ng maraming taon. Ngayong pareho na silang tatlumpung taong gulang, gusto na ng lola ni Aeron na si Adelaida na magpakasal na sila. Pangarap ng matanda na makita ang unang apo sa tuhod bago siya mawala. Dahil dito, gumawa ng plano si Aeron. Sa mismong barkong iyon, balak niyang mag propose kay Mylin. Ilang araw niyang pinaghandaan ang espesyal na sandali. Pinili niya mismo ang singsing at inayos ang lahat para maging espesyal ang gabing iyon. Ngunit bago niya magawa ang plano, tinawagan muna niya si Mylin. "Umuwi ka na, babe. May surprise ako para sa'yo." "May surprise ka?" "Oo. Pwede mo bang ipagpaliban muna ang show mo?" "Hindi puwede. Importanteng show ito." Napayuko si Aeron. Pilit niyang itinago ang disappointment sa boses niya. "Okay. Naiintindihan ko." "Love you." "Love you too." Natapos ang tawag at ibinaba ni Aeron ang cellphone. Hindi niya alam na hindi iyon ang buong katotohanan. Nasa Paris si Mylin at hindi siya nag iisa. Pagkatapos ng tawag nila, tinawagan niya ang isang lalaking matagal na niyang kakilala. Si Loyd Brown, isa ring modelo at matagal nang may lihim na relasyon kay Mylin. Hindi alam ni Aeron na kapag wala siya, madalas kasama ni Mylin si Loyd. Sa araw na iyon, mas pinili ni Mylin na manatili kay Loyd kaysa umuwi kay Aeron. Wala ni kaunting ideya si Aeron sa nangyayari sa Paris. Ang alam lang niya ay muli siyang hindi napagbigyan ng babaeng mahal niya. Sa sobrang sama ng loob ni Aeron, bumaba siya sa bar para uminom. Maraming babae ang lumapit sa kanya habang umiinom, pero wala siyang pinansin. Ayaw niyang makipag usap kahit kanino. Gusto lang niyang mawala kahit sandali ang bigat ng nararamdaman niya. Sunod sunod ang inom niya hanggang sa tuluyan siyang malasing. Nang makaramdam siya ng matinding hilo, pasuray suray siyang bumalik sa cabin. Pagdating niya sa hallway, hindi na rin niya halos makita nang maayos ang numero ng mga pinto. Nang makapasok siya sa room, hindi na niya binuksan ang ilaw. Sa sobrang lasing at pagod, deretso siyang humiga sa kama. Nang maramdaman niyang may isang taong nakahiga roon, inakala niyang si Mylin iyon. Samantala, si Catherine ay halos wala nang malay dahil sa matinding hilo. Sa dilim at sa kanyang kalagayan, inakala rin niyang si Robert ang lalaking nasa tabi niya. Pareho silang nagkamali at pareho nilang hindi alam na ang maling room ang magdadala sa kanila sa isang pangyayaring hindi nila kailanman makakalimutan. Kinabukasan, unang nagising si Catherine. Pagmulat niya, napansin niyang may lalaking katabi niya. Sandali siyang natigilan habang pilit na inaayos ang malabong paningin. Hindi niya agad makita ang mukha nito. "Robert?" Gumalaw ang lalaki at humarap sa kanya. Biglang namutla si Catherine nang makita ang mukha nito. Hindi si Robert ang lalaking katabi niya. Kasabay nito, nanlaki rin ang mga mata ni Aeron nang makita ang babaeng nasa tabi niya. Hindi si Mylin. Pareho silang natigilan at ilang segundo silang walang nasabi dahil sa gulat. Sa huli, si Catherine ang unang nakapagsalita. "Sino ka?" Kumunot ang noo ni Aeron. "Ako ang tinatanong mo kung sino ako? Ikaw, sino ka? At bakit nandito ka sa room ko?" Hindi agad nakasagot si Catherine. Bigla niyang naalala ang ticket na nasa bulsa ng bestida niya. Mabilis niya itong kinuha at tiningnan ang numero. 566. Dahan dahan siyang tumingin sa pintuan. 599. Nanlaki ang mga mata niya nang tuluyang maunawaan ang nangyari. Maling room ang napasukan niya. Sa sobrang hilo, hindi niya napansin ang numero ng cabin at sa maling kuwarto siya nakapasok. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang nangyari. Ang tanging gusto niya ay makaalis agad bago pa siya tuluyang maiyak sa hiya at gulo ng isip niya. Mabilis na nagbihis si Catherine. Halos hindi niya magawang tumingin kay Aeron. Bago siya lumabas, huminto siya sandali at pilit na pinakalma ang sarili. "Walang dapat makaalam dito." Pagkasabi niya noon, agad siyang lumabas ng room at mabilis na naglakad papunta sa kabilang cabin. Room 566. Umaasa siyang naroon si Robert at magiging maayos pa rin ang lahat. Umaasa siyang kapag nakita niya ang boyfriend niya, makakalimutan niya kahit sandali ang nangyari sa maling room. Ngunit nang buksan niya ang pinto ng room 566, parang biglang nawala ang lahat ng lakas niya. Hindi niya inaasahan ang makikita ng kanyang mga mata. Naroon si Robert kasama si Janelle. Pareho silang walang saplot at kitang kita ni Catherine ang kanilang kalagayan. Ngunit ang pinakamasakit sa lahat ay ang lingerie na suot ni Janelle. Iyon ang lingerie na binili niya para sa espesyal na gabi nila ni Robert. Iyon ang bagay na ilang oras lamang ang nakalipas ay hawak niya habang iniisip kung paano niya mapasaya ang lalaking minamahal niya. Ngayon, ibang babae ang nakasuot nito at kasama ang boyfriend niya. "Robert?" Lumingon si Robert. Sa halip na mahiya o magpaliwanag, siya pa ang unang nagalit. "Saan ka nanggaling?" Nanginginig ang boses ni Catherine habang pilit na pinipigilan ang luha. "Bakit kasama mo siya?" Hindi agad sumagot si Robert. Sa halip, malamig siyang tumingin kay Catherine. "Hindi mo na kailangang magtanong." Parang may sumaksak sa dibdib ni Catherine nang marinig iyon. Apat na taon niyang inalagaan ang relasyon nila. Apat na taon siyang nagtiis at nagsakripisyo para sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Hindi niya akalain na sa mismong gabing dapat sana ay magiging espesyal para sa kanilang dalawa, malalaman niyang may ibang babae pala si Robert. "Apat na taon tayo, Robert."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss With The Mafia Lord

read
245.1K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.4K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.7K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
11.5K
bc

In Bed With Kuya Red

read
45.9K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.0K
bc

The CEO's Babymaker

read
70.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook