Hinanghina NANGINGINIG ang mga tuhod na inalalayan ako ni Trevor maupo nang makapasok sa loob. Hindi pa rin matigil sa pagpatak ng mga luha ko habang nasa harapan ko ang magulang ko at si Ethan Jake at nakikinig sa sinasabi ni Trevor. “Tang ina! Tao ka ba para gawin ‘yon sa kapatid ko?!” galit na asik ni Jake. Inambahan nito ng suntok si Trevor matapos maikwento ng huli ang lahat—lahat-lahat mula sa simula kung paano kami nagkakilala hanggang sa pagpapakasal naming dalawa. Maging ang ginawa niyang pagpapahirap sa ‘kin ay sinabi niya. Mula sa tinali niya ako ng kadena hanggang sa ikulong niya ako sa bahay niya. “Dinaig pa ng ate ko ang mga presong nakakulong sa mga pinaggagawa mo. Tapos may lakas ka pa ng loob na magpakita sa amin dito? Sinasabi ko na nga ba! Nung nasa apartment pa la

